Nasa tabi niya ang kapatid kong nakahalukipkip.

"Let's go inside?" Sabi ni Noah.

Nanliit ang mga mata ko nang nakita kong hinawakan ni Noah ang baywang ni Coreen.

"Tara! Reina..." Sabi ni Coreen sakin.

Nagtatawanan naman sina Liam papasok sa loob ng Tribe Lounge, ako naman hindi mapakali. Tuliro ako at panay ang tingin ko sa langit. Baka sakaling may eroplanong sumulpot at nandoon si Wade. What will I do?

Bumungad sakin ang iba't-ibang kulay ng neon lights. Wala pang gaanong tao pero may sumalubong agad kay Noah. Kausap ni Noah ngayon ang manager at ang DJ ng Tribe Lounge!

Pareho kaming umupo ni Coreen sa sofa. Tumabi si Liam sakin at agad tumawag ng waiter.

"This is going to be a good night." Nakangisi siya nang sinabi niya sakin.

Napatingin ako kay Coreen na parang wala lang at nag he-headbang pa sa trance music na naririnig ko.

"You're my soulmate, my summer and my fate..." Kanta niya sabay tingin sa mga inuming nilapag ng waiter.

Kumuha si Warren at umupo sa tabi ni Coreen.

"Reina, don't drink too much, alright." Sabi ni Liam.

Talagang di ako iinom ng marami. Kukutusan ako ni Wade pag ganun. Baka ma hard ako non! Patay talaga ako!

Ilang sandali ang nakalipas, dumami ang mga tao. Maraming dumalong kakilala ko noong college. Maraming bumati sakin. Kahit paano, nakakainom ako ng tequila. Napatingin na ako sa dancefloor na puno ng mga kakilala kong nagsasayawan. Nandoon na rin si Coreen na isinasayaw si Noah.

"CR lang ako..." Sabi ko kay Liam habang tinitignan ang relo ko.

Alas otso na. My goodness! Nagmadali ako papunta sa CR at nagkunwaring iihi sa cubicle. Ang totoo, kailangan kong itext si Wade na kunin niya na lang ako dito kasi di ako makatakas.

Pero bago ko pa matext si Wade, napansin ko ang limang missed calls ni Rozen sakin at iilang text. Babasahin ko na sana yung isa pero tumawag ulit siya.

"Hello? Rozen?"

"Is she having fun there, Reina?"

Nalito ako sa tanong niya.

"Wha- You mean Coreen?"

Hindi siya sumagot. Bumuntong-hininga ako at napatalon nang may biglang kumatok sa cubicle ko.

"REINA!"

Binaba ko yung cellphone ko nang di pinapatay ang tawag ni Rozen.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon