SWK 12: New Frienemy!

104 9 0
                                    


"Hey, let's be friends? I'm dying to see how this one ends"

Warning!

Oops! Hindi po siya Warning para sa Rated R scene ha! Wag kaung ano!

Gusto ko lang ipaalam na may new character at meron ding babalik at meron ding maninira. Haha! Yun lang kayo na bahalang malaman yan! Nyahaha!

---------------------

SOMEONE'S POV I:

"Son! Let's go! Were late na for the airplane!" sigaw ng aking mommy galing sa labas ng room ko.

Im here at my own room. Well magbabakasyon lang naman kami sa Philippines. Buti nga pinayagan ako eh.

Im so excited!

Makikita ko na ulit siya!

Ang aking pinakamamahal!

Sino kaya ito!? Hmmmm....

SOMEONE'S POV II:

Nandito ako ngayon sa likod ng isang puno  sa may garden ng school namin.

Tinitingnan ko ngayon yung mayabang na Ysrel na bali-balita ko ay liniligawan daw ni Gray!

Nako! Kung bakla si Ysrel, wag na niyang idamay pati yang si Gray! Bwisit siya! Hindi ko hahayaang maging bakla si Gray! Akin lang siya Ysrel! Tandaan mo yan.

Who's this!? Let's see........

YSREL'S POV

It's been three weeks simula nang magsimulang manligaw yang si Gray.

At sa mga panahong iyon, masasabi kong consistent siya at honest sa panliligaw sa akin.

By the way, alam naman na nila mama na nanliligaw sa akin si Gray. Pero syempre sinabi ko rin na hindi rin ako bakla no!

Andadami niyang mga pakulo sa panliligaw.

May time na pumunta yan dito sa bahay. Nagtaka nga ako kung bakit alam niya kung saan addresa namin eh. Sabi niya nagtanong lang daw siya. May dala siyang teddy bear, flowers, tapos ferrero rocher na chocolates. Yung tig tatatlo lang yung laman. Ginawa naman daw niya akong babae.

Tapos minsan, siya pa talaga ang nang gigising sa akin tuwing wala kaming pasok. Sasabihin niya may pupuntahan daw kami. Tapos mag dadate lang pala kami. Syempre ako pinagustuhan ko na. Sya na nga nag effort eh. Tapos nood nood lang sine, mall, date, minsan sa bahay lang siya, minsan naman nakikisleepover.

Pero minsan tinanong ko siya kung alam ba nang parents niya na nanliligaw siya ng kapwa nya lalaki eh hindi naman siya umiimik. Tinanong ko siya kung bakit. Sabi niya ayaw niya daw pag usapan yung parents niya.

Sa mga panahong iyon eh marami akong naramdamang kakaiba na nararamdaman ko lang dati nung kami pa ni Hiro.

Ginoogle ko kung ano nga ba talaga yung signs na mahal mo na ang isang tao. Tapos lahat ng sinearch ko eh nagmatch sa nararamdaman ko kay Gray.

So ibig sabihin....

.

.

.

.

Gusto ko na ang taong yon!?

****

Well, andito kami ngayon sa school at naglulunch. Syempre, sino pa ba ang kasama ko? Edi etong lalaking nanliligaw sa akin.

Pansin ko lang, matagal tagal na siyang nanliligaw sa akin pala ano?

Dahil nakumpirma ko na ngang gusto ko na rin pala itong lalaking ito eh sasagutin ko na siya sa graduation.

Tutal next week naman na ang graduation, so ibibigay ko na sakanya ang aking matamis na oo.

"Uy, ano ba yan? Iniisip na naman kaguwapuhan ko oh!?" sabi ni Gray sabay pitik ng noo ko. Doon lang ako nagising. Di ko namalayan na nakatitig lang pala ako sa kanya.

"Aray! Hoy, wag ka ngang mayabang! Di naman ako tumitingin sa yo ah tsaka excuse me, di ka kaya gwapo!" sabi ko at tinuloy na ang pagkain ko.

"Hindi daw tumitingin eh nakita nga rin nila eh, diba guys?" sabi niya sa mga kaibigan na namin. Andito rin kasi sa table sila Melody, Rex at Vin. Sumangaypn naman silang lahat kaya eto ako nganga. Sila Melody naman at Rex, ewan ko ba kung anong meron sa dalawang ito eh kasi naman madalas silang magkatabi. Minsan ang sweet nilang magusap, minsan naman nagbibigay ng bulaklak si Rex. Basta ang gulo netong dalawang to.

"Hoy kayong dalawa, ano ba talagang meron sa inyo ha?" tanong ko nga. Napansin ko naman na namula ang dalawa. Aba! Nagblublush oh!
"Ah...eh...wala...wala. F-friends lang kami. Oo, f-friends lang hehe." Nauutal na sabi ni Rex.

"Oo, t-tama siya! Magkaibigan lang kami ni ano ni Rex. Hehe." kinakabahang sagot naman ni Melody.

"Asus! Magkaibigan o magka-ibig-an?" pangaasar naman ni Vin.

"Hay nako! Basta!" sabi naman ni Rex at namula. Haha. Tinawanan nalang namin sila.

Maya maya pa ay may lumapit sa akin na lalaki.

"Uhm...Ysrel right?" sabu nito. Sila Gray naman parang nagtataka rin kung sino itong lalaking ito.

Tumango lang ako bilang sagot.

"Ah, ako nga pala si Neil. Neil Lawrence Espinosa. Ani nga pala, matagal na kitang hinahanap eh. Siguro ngayon hindi mo na ako kilala. Pero sana maalala mo rin agad ako." sabi nito. Napatingin naman ako kay Gray. Nagtataka pa rin siya kung sino nga ba talaga itong lalaking to.

Inisip kong mabuti kung kilala ko ba talaga siya. Pero...wala eh. Hindi ko siya matandaan.

"Sorry. Pero hindi ko talaga maalala kung sino ka eh." sabi ko. Pero si mokong naman parang hindi mabura ang ngiti sa labi.

"Rel-rel, ako si Ren-ren. Yung kalaro at matalik mong kaibigan dati nung andun ka pa sa lola mo sa probinsya!" sabi naman niya.

Nang narinig ko ang pagsabi niya ng rel-rel eh bigla ko na siyang naalala. Siya nga! Siya nga si Ren-ren!

"Ren-ren!!" sigaw ko at bigla ko na lang siyang nayakap nang mahigpit.

"O ayan naala mo na ako!" sabi ni Neil.

Kumalas ako sa yakap at tinanong ko siya. "Kailan ka pa nakarating dito?" tanong ko.

"Ah yun nga dapat sasabihin ko sayo eh. Pwede ba kitang makausap?" tanong nya.

Tumingin na muna ako kay Gray. Nakita ko naman na nakasimangot at hindi maipinta ang mukha.

"Sige na. Mukhang kailangan niyo talagang magkausap." sabi nito at bigla nalang umalis daladala ang bag niya.

"Problema nun?" tanong ni Vin.

Mukhang may problema nanaman si Gray ah. Ewan ko ba parang gusto ko muna siyang kausapin kaysa unahin si Neil.

Pero bago ako makapagsalita eh nahila agad ako ni Neil palayo sa mga kaibigan ko.

******

Hi guyss!

Sino kaya si Neil?

Kakampi ba siya o kalaban?

Alamin na lang natin sa mga susunod na kabanata.

Anyways, yess! Salamat talaga ng marami sa mga sumusuporta netong story na to.

Dumadami na po ang readers. Thanks sa lahat lahat! Hahaha...

Malapit na po ang climax neto mga siguro 4 to 6 chaps na lang po climax na hehe.

Medyo malayo pa po ang finale. Sa mga maiinis po sa finale neto, wag po kayung magalit sa akin at maalala dahil may book 2 na rin po ito! May drafts na po ako ng first 5 chaps ng book 2 including the Prologue. Pero syempre hindi ko muna siya ipupublish. Hindi pa nga po tapos itong first book eh hehe.

Again, salamat po talaga!

Someday We'll Know [BoyXBoy] (ONGOING)Where stories live. Discover now