SWK 5: Friends??

167 7 0
                                    

YSREL'S POV

Buenas! Sa lahat ng kahihiyan ko sa tanang buhay ko yun na ata ang pinakamalala.

Nabubuwiset ako sa sarili kong pag-iisip. Napakapolluted na kasi sa sobrang dumi.

Ayan tuloy kung anu ano nang iniisip ko.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay agad naman akong nagpaalam para umuwi na.

Nakipagkwentuhan naman ako sa kanya ng kunti lang.

Nagtatampo pala siya sa mga magulang niya kasi business nalang daw nila palagi ang inaatupag.

Sinabi ko sa kanyang para rin namansa future niya yon at para narin sa family nila.

Naiintindihan naman daw niya kaso humihingi lang naman daw siya ng kaunting time manlang para pagbigyan siya.

Tinanong ko rin siya kung may girlfriend o syota siya ngayon pero napailing lang siya.

Sabi niya ayaw niya pa daw. But meron nadaw siyang mga flings at naiikakama noon pero hindi daw yung puro seryoso.

Then tinanong ko rin kung san siya nagaaral, tapos sinabi niya na sa school ko rin siya nagaaral!

Oh diba!

Actually, gusto ko siyang maging kaibigan kasi sya yung taong masayahin tapos mapagbiro na kahit may problema siya, nakikita ko sa mata niya, hindi pa rin siya sumusuko sa buhay niya.

Sabi niya nga "Lets continue life with love and hapiness in our hearts".

And I, honestly, admire people like that. The ones who is strong and kaya kang saluhin kung mahuhulog ka.

Di katulad ko, mukmok nalang ng mukmok simula umalis ang lalaking pinakamamahal ko.

And I realized na hindi ko pala dapat iniiyakan ang mga bagay na ganun.

Kailangan ko lang maging matatag kasi, sabi ng nila, you must trust the people you love, kailangan kong pagkatiwalaan si Hiro kasi mahal ko siya.

------

Pagkatapos non ay tinapos na namin ang aming paguusap at dumiretso na sa bahay.

Nagtaxi lang ako. Buti na lang at may natira pa sa allowance ko kaya may pamasahe ako pauwi.

Pagdating ko sa bahay namin ay nakita kong wala si papa at si Yves.

Saka ko lang napagtantong may pasok ako ngayon. Di bale na, sasabihin ko na lang na may sakit ako kaya hindi ako nakapasok.

Nakita ko si mama na nasa kusina na nagluluto ng tanghalian.

Linapitan ko siya.

" Hi ma!" bati ko sa kanya paglapit ko. Medyo nagulat pa nga siya ng hawakan ko siya sa balikat.

"Oh! Anak, san ka ba galing? Alalang-alala kami sa iyo ng papa Andrew mo!" sabi niya pagkakita nya pa lang sa akin.

Oo nga pala!! Hindi ako nakauwi kagabi kasi nga nacollapse ako! Nakalimutan ko pang nagtext.  Ahy!! Tanga ko!

Isip Ysrel ng palusot!! Panigurado mag-aalala nanaman sila pag nalaman nilang nagcollapse ako!

"Ahm...eh...kasi po ma..." hindi ko maituloy tuloy ang pagsasalita dahil wala akong maisip na palusot!

"Ano anak?" tanong naman ni mama.

"Ah...eh nag overnight po ako...tama, nag overnight po ako sa kaklase ko. May project po kasi kami. Hehe..." sabi ko naman na may pagkataranta.

"Ahhh...pero ba't parang nararattle ka anak?" tanong ulit ni mama.

"Dahil na rin po siguro sa pagod." palusot ko ulit.

"Ah sige, kumain ka muna! Sakto kaluluto ko lang neto." sabi ni mama.

Umupo na kami sa hapag at nagsimula na kaming kumain.

------

Nandito na ako ngayon sa school.

Pagkapasok ko ng gate ay dumeretso na aki agad sa room namin. Nasa third floor pa man din yon.

Naglalakad na ako sa school grounds nang may naramdaman ko na may tumabi sa akin.

Nagulat pa ako nang pagharap ko ay nakita ko ang lalaking ito.

Nagtitinginan naman ang mga babae at mga baklang dumadaan.

Paano ba naman kung dalawang nagwagwapuhang lalaki eh dumaan sa harap niyo. Not to brag ha, pero gwapo rin kaya ako.

Tiningnan ko siya na poker face na kunyari ay hindi nagulat sa kanyang presensiya.

Siya naman ay ngiting ngiti na halos ay hindi maibabalik sa dati ang kanyang mga labi.

OA!

"Ngiti ngiti mo dyan!" masungit kong saad sa kanya.

"Grabe naman to! Napaka sungit mo naman. Parang daig mo pa ang mga babae pag period nila ah!!" daig niya.

Binatukan ko nga! "Aray! What's that for?? Ito naman hindi kasi mapatawa!"

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Uy! Ngingiti na yan, ngingiti na yan!" sabi niya at nagmamake face pa siya.

Dahil sa natutuwa ako sa ginagawa niya ay unti unti akong ngumiti.

"Oh ayan! Buti naman at ngumiti kana. Gwapo ko kasi!" sabi niya. "Wow ha, kapal mo ha!" ani ko naman.

At nagpatuloy na kami sa paglalakad

"Anyways, hindi ko pa alam name mo." sabi niya sa gitna ng aming paglalakad.

"Yeah right, Im Ysrel, Ysrel Velasquez. And you are??" tanong ko naman.

" Im Gray, Gray Montemayor. Nice to meet you!" at inilahad niya na ang kanyang kamay na masigla ko namang inabot.

"Nice to meet you too!" nagagalak kong saad sa kanya.

"So, friends!?" siya.

Pinagisipan kong mabuti. Tutal mabait naman siya at nakakatuwa. Isa pa, I see him as a trustworthy person.

"Yeah, friends!" at nag shake hands ulit kami.

"Dito na room ko!." sabi ko at huminto na kami.

"Sige but can I ask for your phone number??" tanong niya ulit. "Tigilan mo nga yang kaeenglish, oh eto!" at binigay ko na lang sa kanya number ko.

"Tawagan nalang kita mamaya ha para maregister yung number ko sa phone mo." pamamaalam niya.

Tumango na lang ako bilang pag sang-ayon.

Pumasok na ako ng room. Buti na lang wala pang prof.

Hindi pa rin maalis sa isip ko yung si Gray. Grabe kasi yung ngiti niya eh.

At yung labi niya? Nakakatemp na halikan!

Hala!! Ano ba tong pinagsasabi ko! Epekto nanaman siguro ito ng stress!

Kailangan ko na talagang matulog ng maaga at wag magiisip ng mga bagay bagay!!

At yung nga, dumating na ang prof namin at nagsimula nang mag klase.

Someday We'll Know [BoyXBoy] (ONGOING)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ