Chapter 4.2

3.3K 63 23
                                    

Mabilis na lumipas ang oras. Natapos ang huli naming klase at niligpit ko na ang gamit ko. Agad akong lumabas ng classroom at nagulat nang may biglang umakbay sa'kin.

"Ang tagal mo, babe." Napanguso ako at sinubukang alisin ang kamay niya sa balikat ko ngunit hindi ako nagtagumpay. "What's wrong?"

"Y-yung kamay mo." Kunot-noo ko siyang tiningnan.

Napatawa siya sa sinabi ko. Anong nakakatawa? Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Babe, sanayin mo na ang sarili mo sa mga ganitong bagay. Pa'no na lang pag may nabulag ka?" Naiiling na sabi niya.

"Huh? Pa'no mangyayari 'yon? Ni hindi nga ako nahawak ng mata ng iba. Bulagin pa kaya?" Naguguluhan kong sabi.

Ngumuso siya at halatang nagpipigil ng tawa. "Ano bang iniisip mo? Ang ibig kong sabihin, baka may magandahan sa'yo. Hindi ka nila pwedeng agawin sa'kin. Kaya dapat lagi akong nakaakbay sa'yo. Para alam nilang may nagmamay-ari na sa'yo na walang iba kundi ako." Pakiramdam ko ay namumula ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya.

"At bakit naman sila mabubulag kung magagandahan sila sa'kin?" Tanong ko.

Ngumuso ulit siya at nagpipigil ulit ng tawa. "'Yun na nga ang problema eh." Nagpipigil pa rin ng tawang sabi niya. Kumunot ang noo ko at hinintay siyang magsalita ulit. "Pangit mo kaya, babe. Kaya pag may nagandahan sa'yo, ibig sabihin may nabulag ka." Hindi na niya napigilan ang tawa niya. Agad ko siyang binatukan kaya napabitaw siya mula sa pagkakaakbay sa'kin.

"Aray, babe!" Natatawang sabi niya. Babatukan ko sana ulit siya pero tumakbo siya. Hinabol ko siya at nagmistula kaming mga batang naghahabulan sa corridor.

Nang mapagod ako ay tumigil ako at itinuon ang kamay ko sa aking tuhod. Baliw na lalaking 'to! Ang sama talaga ng ugali.

"Bwisit ka, Terrano!" Inis kong sigaw sa kanya. Natatawa pa din siya hanggang ngayon. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng nakatambay sa corridor. Tinalikuran ko siya at inis na naglakad patungo sa hagdan pero hindi pa ako gaanong nakakalayo ay may yumakap sa'kin mula sa likod. Para akong naestatwa nang malanghap ko ang pamilyar na pabangong iyon.

"Biro lang, babe." Iniharap niya ako sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin dahil sa kaseryosohang bumalot sa gwapo niyang mukha at dahil na din sa kakaibang bilis ng tibok ng puso ko. "Ang ganda mo kaya." Seryosong sabi niya. Hinapit niya ako at hinalikan sa noo. Napapikit ako dahil sa ginawa niya. I'm out of words. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. "Tara na, babe." Nakangiti niyang sabi at inakbayan akong muli.

Nang makababa kami ay inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko. "Joke lang din na maganda ka, babe." Nanlaki ang mata ko at kinurot siya sa tagiliran. Tawa siya nang tawa dahil sa naging reaksyon ko. Napatawa na lang din ako. Nakaakbay pa din siya sa'kin. Natutuwa ako dahil nakikita ko siyang ganito kasaya. 'Yung walang halong kayabangan.

"Ang sarap mo talagang asarin, babe." Nakangiting sabi niya bago pinisil ang tungki ng ilong ko.

Hindi pa din nawawala 'yung mabilis na tibok ng puso ko. Ano bang nangyayari sa'kin? Kailangan ko sigurong magpa-check-up.

"Ang cute mo talaga, babe." Nakangising sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Wag mong sabihing joke na naman 'yan?" Kunwari ay inis ako sa kanya.

Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong. "Pa'no mo nalaman?"

Muli ay para na naman kaming mga batang naghahabulan palabas ng gate. Nakuha namin ang atensyon ng mga estudyanteng palabas.

"Girlfriend ba siya ni Gatorade?"

"Bagay sila. Ang sweet!"

Tumigil si Gatorade sa pagtakbo at tiningnan niya 'yung nagsabi na bagay kami bago bumaling sa'kin na ngiting ngiti.

"Bagay daw tayo, babe." Tinitigan niya ako kaya nag-iwas ako ng tingin. "Lagi ka na lang nag-iiwas ng tingin. Kinikilig ka 'no?" He smirked.

"H-hindi kaya." Tanggi ko.

Hindi na siya nagsalita at nang lingunin ko siya ay nakita ko ang isang ngiti sa kanyang labi. Napangiti ako.

Sumakay kami sa kotse na sinakyan namin pagpasok kanina. Napansin kong ibang daan ang tinatahak namin at hindi ang patungo sa bahay namin.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko. Nginitian niya lang ako. Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang restaurant. Pumasok kami at binati siya ng isa sa mga staffs. Umupo kami sa table na malapit sa glass window. Binigyan kami ng waiter ng menu.

"What do you want to eat, babe?" Umiling ako.

"Sa bahay na 'ko kakain." Sabi ko na agad namang nagpakunot sa noo niya. Inirapan niya ako at umorder na siya.

Nagulat ako nang dumating na ang mga pagkain. "Ang dami naman yata? Gutom na gutom ka ba?" Tanong ko.

"You'll eat, too, whether you like it or not." Hindi na ako umangal pa at nagsimula na ding kumain.

Pagkatapos ay inihatid niya ako sa bahay namin. Sakto naman na kakadating lang din ni Mama kaya nakita niya kami. Shit.

Lumapit ako kay Mama at humalik sa pisngi niya. Napansin ko ang nagtatanong niyang mga mata.

"Ah, Ma, kaklase-"

"Good evening po, Mama. Boyfriend po ako ng anak niyo." Nagulat ako sa biglang pagsingit ni Gatorade.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rated SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon