Chapter 5

522 18 0
                                    

Chapter 5

Verona's mess


"Ma, what if makapasok ako sa Amea Castle?" sabi ko kay mama.

Agad naman niya akong nilingon, puno nang pagtataka ang mukha niya. "Paano mo masasabi 'yan Jayne? Saka diba, binalalaan na kita, makapangyarihan ang Amea sa lahat." Aniya pa.

Natapos din naman ako sa pagsusuot ng medyas ko at tumayo ako at nilapitan ko si mama. Hinawakan ko ang balikat niya, "ma, wala namang mangyayaring masama eh. Para kasing takot na takot kang pumunta ako ng Amea Castle. Saka darating din 'yong point na makakapunta kami doon, pagmamay-ari nila ang Amea University." Sabi ko pa sa kanya.

"Jayne... basta, tandaan mo lahat ng sinasab ko ha." 'yon na lang 'yong sinabi niya na nagpataas ng kilay ko. Simula nang dumating kami dito sa Amea, medyo nag-iba si mama. Oo, I find it weird kasi parang ano, ewan, hindi ko mapaliwanag sa ngayon. Whenever I talk about her son, iniiwas na niya 'yong topic na 'yon. She lost her son, wala pa man daw isang araw sa kanya, hindi na niya ito kasama. Hanggang doon na lang 'yong alam ko. Hindi na siya nagku-kwento pa. "Sige na Jayne, pumasok ka na."

"Sige ma, mauna na ako." Yakap ko sa kanya at lumabas na nang apartment namin.

Medyo nasanay na rin naman ako sa mga tinginan ng mga tao kapag tinititigan nila ako. Syempre, nag-aaral ka sa Amea University tapos naglalakad ka lang? Kasi kahit sila, inaasam nilang makapasok sa marangyang unibersidad na 'yon pero 'yon nga, hindi nila afford. And 'yong scholarship na nakuha ko, actually, nagpasa ako no'n online at last month ko lang natanggap 'yong approval nila kaya ayun, nagdesisyon kaming dito na manirahan ni mama. Gano'n din siguro ginawa ni Koby. Siguro kay Henric? Hindi ko alam.

Naglalakad na ako papunta sa Amea University, napansin kong wala pa doon si Koby kaya naman nagpasya akong hintayin siya ng ilang minuto dahil kung hindi male-late ako. Wala pa naman sa akin ang ID ko. Nasa rule book pa naman na kapag hindi mo suot ang identification card mo at nahuli ka, warnings pa lang naman pero at the end, may punishment ka.

Bwisit na Henric 'yon! Ang bilis ng kamay, hindi ko man lang naramdaman na nakuha niya sa ID lace ko 'yong ID ko.

Palipat-lipat ako ng tingin ko sa relo ko at sa paligid ko. Pero mayamaya lang ay patakbong palapit si Koby sa akin.

"Sa wakas, dumating ka na rin."

Nakahawak pa siya sa tuhod niya, hingal na hingal. "Sorry Jayne, late na ako nagising eh." Aniya.

"Tara na, baka ma-late pa tayo sa klase natin." Sabi ko pa.

"Mas mabuti 'yon." aniya.

Sabay na kaming pumasok ng Amea. Papasok na sana ako ng bigla akong harangin ng guard.

"ID?" tanong nito.

Nag-isip naman kaagad ako ng dahilan.

"Are you a student of Amea?" tanong nito, mas kinakabahan ako ngayon. Naku, lagot ka talaga sa akin Henric.

Napalunok pa ako ng laway bago magsalita, "naiwan ko po sa library 'yong ID ko kahapon nang kumuha rin ako ng library card." Dahilan ko pa.

Pinanliitan pa ako ng mata nito na parang sinusuri kung nagsasabi ba talaga ako ng totoo pero sa huli ay nakahinga ako ng maluwag. "Next time, don't leave your things, especially your ID. It's important." She said.

The Turn-out PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon