Mistaken 14

1.6K 50 16
                                    

"Teka-- teka lang ha? Hindi naman sa bobo ako, may naiintindihan naman ako kaso ayos ka lang? Ang haba nito, tapos purong ingles pa! Hindi ko rin naunawaan ano ba naman yan!" pagpoprotesta ko.

Talaga nga naman! kakaabot niya lang nitong kontrata. Paano ko naman babasahin itong napakahabang mga nakasulat.

Huminga siya ng malalim. Mukhang mabilis agad maubos ang pasensya ng isang ito.

Bahala ka. Siya naman ang may kailangan di ba, so dapat matuto syang mag-adjust.

"Look.." kasabay ng pagpikit nya saglit ay ang pagbuntong hininga ng malalim. Kulang na lang ay hawakan nya ang sintido.

"Okay. I'll translate it for you." walang buhay kong inabot sa kanya ang hawak na kontrata.

Ang aga aga paduduguin lang ilong ko. Nako!

Habang maayos niya naman tinatranslate, nakatingin lang ako sa kanyang napakagwapong mukha- ay este ano! Hay. Oo na, gwapo nga.

Lahat naman ng mga sinabi niya sa akin na ilalagay sa kasulatan ay nandoon.

May isa akong bet sa mga nabanggit nya pero medyo lang naman. Paano kasi, babaguhin nga ako ngunit para magmukha talagang Christina, hindi bilang isang bagong ako.

Sa lahat ng sinabi niya iyon lamang ang binalikan ko para itanong.

"Eh yung parang make-over chuchu.. Kailan 'yon?" medyo nakakaexcite na may halong takot ang pakiramdam.

"Tomorrow, so better prepare yourself." nakangiti nyang sagot. Hindi ko matansya kung sarkastiko ba ito.

Okay. Bukas agad? Parang hindi ata ako makapaghintay. Baliw na yata ako.

Kanina lang ang dami ko ng iniisip tapos ngayon natutuwa ako na aayusan.

Hindi naman sa hindi ako marunong mag-ayos kaso syempre malamang ibang level ito.

"Keep your copy. I'll go ahead. Thank you." sabay kaming tumayo. Ihahatid ko na rin sya sa may pintuan.

Bago tuluyang umalis ay tinanong ko muli siya. Syempre kailangan full info di ba?

"Anong oras bukas? Tyka anong unang gagawin? Tyka saan? " sunod sunod talaga. Nawa'y hindi bakas ang excitement sa boses ko. Sagutin nya na lang.

"You're really excited, aren't you?" natawa siya ng bahagya. Tss.

Tinignan ko lamang siya at bahagyang napanguso. Ganoon ba talaga kahalata? Eh parang kahapon lang ayoko itong gagawin, bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya.

Pinamulahan ang mga pisngi ko. Napansin nya ata kaya nagsalita na syang muli.

"Anyway, I'll just text you everything. Bye." mukhang nagmamadali na sya kaya tumango na lamang ako at nagpatuloy na siya sa pag-alis.

Heto ako ngayon at wala pa ring sawa sa kakalibot ng tingin sa bahay na.

Nagawi ang mata ko sa orasan sa pader, mag-aalas kwatro na pala. Malamang ay pauwi na si Myla. Napa-aga ata ang tapos ng raket nya at mayroon din daw syang chika tungkol doon.

Nakapaglinis ako kanina kahit papaano at nakaligo na rin naman.

Napagpasyahan ko nang tumayo para makapagpalit na rin ng damit dahil panigurado ano mang oras ay darating na iyon.

"Ano bang babagay saken?" tanong ko sa aking sarili sabay pamewang.

Kaharap ko ngayon ang isang malaking kabinet na nakakabit sa pader.

Ang galing nga eh. Kagabi ko pa ito nakita at talagang mamamangha ka sa ganda lalo na sa mga kasuotan na nandito. Walang sinabi ang mga dala kong damit sa bag.

Ganito ba talaga kagarbo ang lahat sa mundo nila?

Habang busy ako sa pagpili ng maisusuot ay inisiip ko na rin kung saan ba maganda pumunta.

Sa kadahilanan nga na maagang uuwi si babaita ay naimungkahi ko na rin na mamasyal kami, kasi for sure maloloka ako bukas kaya susulitin ko na itong araw ko.

Mayroong ibinigay na credit card at pera si Nigel sakin, gamitin daw namin iyon.

Oo, makapal ang mukha ko pero hindi naman sobra sobra, kaya napagdesisyunan ko na ang dadalhin lamang ngayon ay sapat na pera para sa paggagala namin mamaya.

"I'm here! Yuhooo!" nabulabog naman ang mga iniisip ko dahil sa pagsigaw ni Myla.

"Wer u na friend? Dito na me?" sabay halakhak. Minsan feeling ko maaaning na itong kaibigan ko.

Naabutan niya akong mukhang baliw na sa kakatitig sa mga damit na inilapag ko sa kama.

"Ano te? Next year ka pa ba matatapos dyan? Malulusaw na yan." panandalian ko lang ibinaling ang mga mata sa kanya sabay balik sa mga damit muli.

Mabilis kong kinuha ang mga ito at isa isa ng ibinalik sa kabinet. "Ayoko na nga! Para naman akong baliw kung maggaganyan ako."

"Aba! Aba! Ano naman ang isusuot mo ha?" tanong niya habang nakataas ang kilay at nakapamewang at umupo na sa kama.

Tumigil ako sa pag-aayos at humarap sa kanya, sabay proud na sinabing "Mas maayos pa rin ang mga dala kong damit kaya 'yon na lang." Mas maayos nga ba talaga? Kaloka.

Humalakhak siya ng bongga. Kaasar.

"Bahala ka. Sabi mo eh." may halo ng pangungutya ah. Tumatawa pa rin siya habang palabas sa kwarto ko.

Ibinalik ko na lamang ang atensyon ko sa inaayos. "Tss. Bakit ba!"

Nandito kami ngayon at kumakain sa food court ng isang mall. Kararating lang namin pero dito na agad napadpad dahil na rin sa gutom.

Kanina pa kuwento ng kuwento itong babaeng 'to tungkol sa nangyari sa pinuntahan niya kanina.

Paano ba raw kasi, catering daw iyon sa isang anniversary ng mag-asawa tapos bigla daw may sumulpot na babae at nagwawala. Kabit daw nung lalaki basta ganon. Hindi ko na masyado maalala ang iba nyang sinabi dahil kumakalam na talaga ang tiyan ko noong dumadaldal siya.

"Kalerkey pa rin talaga yung kanina, ateng! Hay nako!" malakas nyang sabi habang ngumunguya. Napangiwi na lamang ako.

"Pero mas excited parin talaga ko bukas para sayo. Mas magmumukha ka ng mayaman, daaay-" ayan, nabilaukan na ata, dami kasing satsat.

Hindi ko siya masyado pinapansin at tango na lamang lagi ang sinasagot ko.

Gutom ako! Susme magtigil muna siya!

Patapos na kami kumain nang biglang tumunog ang telepono ko. Talaga naman oh! Muntikan ko pa mabuga itong iniinom kong juice.

Dali dali ko rin naman itong sinagot nang makita ang pangalan ni Nigel.

"Ano na nam-" naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita agad siya, tila natataranta ang boses.

"Where are you? Wala ka dito sa unit. I'll pick you up now!" naiimagine ko na ang itsura neto ngayon. Halatang tense ang boses pero paniguradong walang emosyon ang mukha niya.

"Bakit ba? Wala talaga ko diy-" naiinis na naman ako ha. Siya na nga itong may kailangan tapos hindi man lang ako pinatapos magsalita. Patayan ko 'to ng telepono eh. Tignan niya lang.

"I'll explain everything later. Now tell me, nasaan ka ngayon?!" Ano na naman ba ito ha.

Mistaken OneWhere stories live. Discover now