Mistaken 9

1.3K 45 2
                                    

Ang tagal naman nito uminom, wala pa naman ata syang singkwenta para maging mabagal.

"So, as I was saying.." buo ang atensyon kong tumingin sa kanya. Naging interesado na talaga ako sa kwento.

Nagulat naman ako nang biglang tumunog ang telepono ni Sir.

"Excuse muna, iha. I have to answer this call, importante lang." tumayo sya at hindi ko na alam kung saan tumungo.

Nakakainis naman, nakakabitin.

Kinain ko na lang itong cake, ang sarap talaga nito. Pramis!

Kung may sapat akong pera lagi siguro ako nandito.

Limang minuto na ang nakakalipas. Huwag nyong sabihin na pati ba naman sa paglalakad e inaabot pa ng ilang minuto si Sir Nyle. Matatapos na ko kumain dito.

Matapos ang mahabang taon ng pag-aantay ay bumalik na sya. Salamat ho.

"Kelila, pasensya na iha meron kasing emergency meeting. Everything is paid, order any food you want. I have to go. I'm really sorry." at yon na nga, iniwan na talaga ako. Hindi pa ako nakakapagsalita.

Gusto ko tuloy ihagis lahat ng mga pinggan dito pero syempre biro lang.

Ang oa naman kung ganon. Teka, di ba sabi nya 'bayad na lahat?' Inayos ko na ang nakalamutak kong pagmumukha at umupo ng maayos.

"Waiter!" maarte kong tawag. Minsan lang kasi 'to kaya go na!

"Yes, Ma'am?" tugon naman agad ng waiter nang makalapit.

"Menu nga." ayy shunga! Dapat pala, menu please.. di ba ganon pa naman kapag mayaman?

Inabot na sakin ang menu at nagturo na ako ng mga pagkain, at syempre with drinks.

"And please.. pakibilis." nakalimutan ko ingles ng bilis. Kainis!

Abala ako sa pagkain ngayon, tatawagan ko nga sana si Myla para saluhan ako dito kaso wala nga akong load di ba.

Nagulat ako nang may umupo sa tapat ko. Ang tinde ng apog nito ah!

"Hi Miss, what's your name?" chura neto! Di naman kagwapuhan pero kung umawra akala mo may maipagmamalaki.

Hindi ko sya pinansin para umalis na sa harap ko.

"Why so snobbish?" patuloy nya. Naiirita na ulit ako.

Umirap na ko sa kanya.

"I just wanna have some chitchat" hala sya! paingles ingles pa, hindi naman bagay.

Padabog kong binitawan ang hawak na kutsara. "You!" May kalakasan at may diin kong sabi, mag-iingles dapat ako kaso mahirap talaga. Teka subukan ko ulit.

"You get out of here!" naks. Pwede na siguro iyon.

Nanlaki ang mga mata nya at natawa pa. Maganda naman ang accent na ginamit ko ha, sapukin ko 'to e! Mukha na syang biik na tumatawa.

"You should.. I mean, you.." agh. buhay naman oh!

"Umalis ka na nga, kumakain ako di ba? Wag kang rude." buti naihabol ko pa yung rude, narinig ko yon sa kapitbahay namin na nag-iinglesan kahapon.

"You're funny. Wag ka na kasing trying hard." nag-init ang ulo ko sa sinabi nya. Pabagsak kong inilapag ang mga kamay ko sa lamesa.

"Paki ulit nga?" nagtitimpi kong sagot. Subukan nya lang talagang ulitin!

"What? That you are 'trying hard'?" nakataas pa ang isang kilay na sabi.

"Napaka mo!" Tumayo agad ako, babangasan ko lang sandali 'tong pagmumukha nya.

Akmang iaangat ko ang kanang kamao para masapul itong isa nang may biglang humawak sa braso ko.

"Babe, is there any problem? Ginugulo ka ba nya?" Mabubuwal ata ako sa pagkakatayo. Iyong boses na yon, hindi ako nagkakamali. Hindi ko alam kung matutuwa akong dumating sya o mas lalong kakabahan.

Napalunok tuloy ako ng isang dosena.

"S-sir?" tanong ng biik na nakaupo pa rin, halatang gulat ang mukha nya.

Namumutla na nga e.

"Who are you?" maangas na tanong ni Nigel.

Tumayo naman ang lalaki bago sumagot. "Gardo po, Gardo Magtimpi. Empleyado nyo po ako." yumuko pa sya ng bahagya.

What!? Empleyado ka nya lang pala, akala ko kung sinong mayaman sa sobrang yabang. Tapos anong pangalan? Gardo? pfft.

"Do you to get fired?" kalmado pero may mga diin sa bawat salita ni Sir Nigel.

"Hi-hindi po." kulang na lang ay yumuko hanggang sahig itong isa.

"Then stay away from my woman. Understand?" napalipat naman bigla ang tingin ko sa kanya. Ito na naman sya.

"O-opo." lakad takbo si biik ngayon. Akala mo ha!

Ako naman ang lagot ngayon. Ilang beses muli akong napalunok bago dahan dahan nilingon ang binata sa harapan ko.

"Anong ginagawa mo rito?" parang nanginginig ang mga tuhod ko. Paano nya nalaman kung nasaan ako?

Hindi sya sumagot, bagkus ay naglakad patungo sa kaharap kong upuan.

Nabaling ang atensyon ko sa tumunog na cellphone ko, may nagtext. Tinignan ko muna..

'Ms. Kelila, pinapasabi po ni Sir Nyle na papunta dyan si Sir Nigel. Iyon lamang po, thank you.'

Ang sarap manapok. Ngayon pa talaga? Ngayon pa lang sinabi? Edi sana hindi na ako nagtagal pa rito!

"Maupo ka muna pwede?" magkasiklop ang dalawang kamay nya at nakapatong ang baba.

Umupo na ako at agad ding nagsalita.

"Hindi nga ako yung Christina mo.." ipaglalaban ko 'to hanggang sa huli!

"I know." walang gana nyang sabi.

Natameme naman ako. Alam na nya? Alam nya na pala pero bakit nandito pa sya?

"Dad told me everything, at first ayokong maniwala pero I guess enough na lahat ng sinabi at pinakita nya. Tumutugma rin iyon sa mga sinabi ng private investigator ko." walang lumabas na salita muka sa akin.

Pinaimbestiga pa rin pala nya ko? Hindi ako makaimik. Gusto ko pa sanang kumain kaso magsasalita pa ata sya kaya, sige na nga..

"I'm sorry." kahit seryoso ang kanyang mukha, mababakas pa rin ang lungkot sa mata mga mata. Naawa tuloy ako.

Ano na ba dapat ang sabihin ko? Nakakailang na tuloy.

"Naabala pa kita." muli nyang saad.

Ang gwapo nya, dapat hindi sya ganyan.

Ano ba, ang kyut nya kasi. Nakakainis naman oh!

Makipag-usap na nga ako.

"Naiintindihan ko. Alam ko na lahat." mahina kong sabi.

Hindi sya umimik. Nanatiling kaming tahimik kaya nagsalita na ulit ako.

"Gusto mo tulungan kita sa paghahanap sa kanya?" shunga na naman, nag-offer pa talaga ko. Mamaya hindi na ako makapagtrabaho ng maayos.

Nakita kong nagpipigil sya ng tawa. O, tutulungan na nga ganyan pa asal nya?

"Help?" halos hindi nya pa mabuo ang sinabi dahil sa sobrang tawa.

"Alam mo namang mayaman kami di ba?" ang yabang! oo na nga!

"O, ano ngayon? E hindi mo nga mahanap hanap." mali pa yata ang nasabi ko dahil agad na nag-iba ang ekspresyon nya.

Parang sobrang lalim ng emosyon na hindi mo na makuha kung ano talaga ang nararamdaman nya.

Ang taklesa ko na rin magsalita, nahahawa na yata ako kay Myla.

"Mahirap talagang hanapin ang taong ayaw magpahanap." napipi na naman ako. May point naman kasi sya..

Mistaken OneTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang