May 28, 2007

445 20 1
                                    

Binalaan ko na siya na huwag akong pagdiskitahan. Pero, makulit siya. Hindi niya talaga ako tatantanan.

Kaya, nang minsang kumakain ako sa karinderya na alam ko, lumapit siya at kinuwelyuhan niya ako.

"Pahinging pera!" Pinanlilisikan niya ako. Tinitigan ko rin siya nang matalim. Puwersahan kong inalis ang mga kamay niya sa kuwelyo ng damit ko.

"Ilang beses ko bang sinabi sa iyo na hindi ako ang magulang mo! Hindi ka sa'kin dapat humihingi ng pera!" Singhal ko sa kanya. Kapag dumapo pa ulit ang kamay niya sa mukha ko, hindi ko na siya palalampasin.

At nangyari nga ang hindi inaasahan. Nasuntok niya ako sa panga. Duguan ang labi ko. Nag-panting ang tainga ko. Ginantihan ko siya ng suntok. Makailang beses ko siyang sinuntok.

Napuno na ako. Sinipa ko naman siya hanggang sa siya ay matumba. Pumaibabaw ako at sinuntok na naman siya. Basag ang mukha niya sa kamao ko.

Kung hindi lang sana ako inawat, malamang napatay ko si Diego Matikas na adik sa aming lugar.

Death DiaryWhere stories live. Discover now