Nagtawanan tuloy kaming lahat at napalingon sa pinto. At ayun nga!  Late na naman si Tristan.

Hayy. Ewan ko ba diyan sa batang ‘yan! Lagi na ngang late, pagdating pa niyan dito sa pwesto naming inaantok. Minsan iniisip ko kung ano ba talaga ginagawa nito pag-gabi. Di naman pwedeng nagtatrabaho. Nabangit ko na ba na ang yaman nila? Kung hindi pa. Ayan nabangit ko na po! Abnormal kasi eh’ ang dami ng mga kotse nila, pero gusto niya daw na laging nagcocommute.

“Ipagpaumanhin niyo na po sir! Traffic po eh’.” Paghingi niya ng tawad kay sir habang nakayuko at kinakamot ‘yong batok niya.

Nahihiya na ‘yan niyan, sa araw-araw na ginawa ng diyos para ko na ‘yang pet na laging kasama ‘no, kaya alam ko na nahihiya ‘yan.

“Ambot! Kung gumigising ka ng maaga hindi ka matatraffic, tanghali na malamang traffic na! Hala, sige! Maupo ka na.” sabi ni sir.

Umupo na siya at binati ako “Good morning best!” sabay yuko sa arm chair niya.

Tingnan mo ‘to kakarating lang tapos matutulog agad?! Ano ‘to dorm?! Nagising naman siya nung dumating na ‘yong teacher namin sa Statistics.

Nakakahawa ba siya o boring lang talaga ‘yong subject namin? inaantok na din ako eh’. Nakakaantok naman kasi talagang magturo si sir eh'. Alam mo 'yong tipong mabagal tapos puro "Ah" pa? Iyong feeling na boring na nga 'yong subject niya nakaantok pa siyang magturo.

“Are you sleepy?” tanong niya. Napansin ata ako. Ay tanga! Malamang napansin ka niya, kaya ka nga tinanong eh’.

 

“Obviously.” Matipid kong sagot. Inaantok ako eh’.

“Want to sleep?” tanong niya sabay lapit sa’kin at alok ng balikat niya. Baliw talaga ‘to. Kita ng may teacher eh’, magmumukha pa kaming PDA pag ginawa namin ‘yon ‘no!

“Huwag na.” sagot ko.

“Inaantok akooo.” Sabi niya sabay hikab.

“Palagi naman eh’.” Sabi ko sa kanya.

“Sampalin mo nga ako.” Utos niya sabay lapit ng mukha niya.

Pagkasampal ko ng mahina sa kanya tinanong ko siya “Okay na?!”

“Lakasan mo pa!” utos niya.

“Huwag na! Sira ka talaga!” sagot ko sabay tawa ko ng mahina. Wala eh', inaantok na din ako.

Ganyan eksena namin lagi. Kapag wala kaming teacher maligalig siya, sobrang kulet paulit-ulit pa parang may kausap ka na lasing. Kapag nandiyan na ‘yong teacher pipikit na siya at makakatulog, tapos mahahawa ako.

Hindi ko alam mararamdaman ko sa pagiging close namin ni Tristan. Crush-hate ko kasi siya eh’. Alam niyo ‘yon? Minsan crush ko siya, minsan hate ko siya. Nevertheless, we are bestfriends naman daw eh’.

Someone Else's FairytaleWhere stories live. Discover now