Tinuturing ko syang para ko ng kapatid dahil wala akong kapatid.

Nandun naman si sister els para mag masid sa mga bata.

Kaya na nya yun.

"How's life living in the outside world?"

Gusto nya pa rin talagang lumabas dito.

"You really wanna go out in here, dont you?" tanong ko naman sa kanya.

Almost 2 years na kasi syang di nakakalabas dito, hindi ko naman kasi sya mapasyal kasi marami akong ginagawa.

Naalala ko naman yung una naming pagkikita. Baguhan pa lang sya dito noong una ko syang makita.

[FlashBack]

Nakakatawa talaga ang mga bata dito :D

Nawawala ang mga problema ko dahil sa kanila.

Habang nagkukulitan kami ng mga bata dito, may nakita akong isang bata na nakaupo malapit sa gate ng ampunan.

"Sister, sino yun?"

Ngayon ko lang nakita ang batang yan ah.

Bakit nandyan sya sa may gate? Namamalimos ba sya?

Baka nagalit saken yan kasi di ko binigyan ng pagkain.

Tss. Di sya lumalapit dito eh.

Pagbigyan na nga lang.

Pasalamat sya at mabait ako.

Kumuha naman ako ng pagkain para dun sa bata.

"Aaah, si Chino yan. Bago pa lang sya dito. Iniwan sya ng nanay nya sa labas ng gate ng ampunan habang umuulan nung isang gabi lang. Kawawa nga yang batang yan kasi iyak sya ng iyak dun sa may gate habang tinatawag ang mama nya." humigpit ang pagkakahawak ko sa pagkaing ibibigay ko sana doon kay Chino "Araw araw sya dyan sa gate nakatunganga. 3 days na rin sya dyang laging tumatambay."

Naiinis ako dun sa nanay ni Chino. May ganyan pa palang mga magulang ngayon?

Di ba nila iniisip yung mga anak nila?

Kadugo nya yan tapos ganun lang ang gagawin nya sa bata? Ang iwanan sa labas ng ampunan habang umuulan?

Tss. Di na sya naawa.

Lumapit ako kay Chino.

Inabot ko sa harapan nya ang pagkain kaso tinabig lang nya ito.

"I'm full"

Inglesero pala tong batang to?

Half siguro to. May accent eh.

"Tsh." binalatan ko yung tinapay at agad kong sinubo ito sa bunganga nya.

Nagulat sya sa ginawa ko.

"I said i'm full, are you deaf?" nagalit ata to sakin.

Pasalamat nga sya dyan at sinubuan ko pa sya ng pagkain.

"You can fool the them, but not me." tinignan ko sya gamit ang cold eyes ko.

Natakot naman ata sya at kinain nya na lang bigla yung tinapay.

Tss. Magsisinungaling na nga lang di pa pinagbutihan.

"So tell me, why are you waisting your time sitting in here?"

Tumingin naman sya sakin habang nanguya ng tinapay.

"I wanna go out"

"Why?"

Nacucurious talaga ako dito sa batang to.

"There's so many things that i wanna do out there. I have dreams to fulfil."

Ms. Varsity Player ^^Where stories live. Discover now