Kawawang mga bata.
"Ate Lexie!!!!! Waaaaaaah!"
sabi ng mga bata pagkababa ko ng kotse ko.
Namiss ko na tong mga batang to..
Ang kukulit talaga nila.
"Lexie, bat ngayon ka lang?" sabi ni sister elsa.. nagmano ako sa kanya.
Si Sister Elsa yung nagaalaga dito sa mga bata. Kilala na ako ni Sister Elsa kasi palagi ako dito.
"Tinanghale ng gising eh" sabi ko sa kanya.
"Ang tagal mo Ate Lexie, nakakatampo ka na ah" sabi sakin ni Janine.
"Tinanghale kasi ng gising si ate eh. Babawi ako sa susunod"
Sumaya naman ang mood ng bata.
Pinaupo ko na yung mga bata sa playground ng ampunan at pinakain ko na silang lahat at pinamigay ko na rin yung mga pinamili kong mga laruan.
Teka teka teka!
Parang may kulang ata??
Hmmmm.
Nasaan si Chino? Kaya pala.
"Sister Els, si Chino?" tanong ko kay sister els.
"Ayy, nakalimutan ko na pala yung si Chino. Nagpapasabi kasi yun kung nandito ka na. Kanina ka pa kasi nun hinihintay eh. Nadun sya sa loob, naupo sya sa hagdan."
Tss. Nagsesenti nanaman yun.
Pinuntahan ko si Chino sa loob.
Nadatnan ko sya na nakaupo sa may hagdan at nagsesenti.
"Hey" sabi ko sa kanya.
"You're late" sabi nya sakin.
Gulat kayo no? Englisero talaga yan. Half American eh. Inabanduna sya ng nanay nya. Iniwan sya sa labas ng gate ng bahay ampunan habang umuulan. 5 years old na sya ng mga oras na yun.
Kawawang bata.
Sya kasi ang sinisisi ng kanyang nanay dahil iniwan daw sila ng tatay niya.
Marunong din namang magtagalog yang batang yan. Kaso Baluktot.
"I know" sabi ko sa kanya.
Nilabas ko yung bolang pangbasketball.
Mahilig kasi syang maglaro ng basketball.
Tinapat ko sa kanya yung bola
"As i promise" bigla naman syang ngumiti.
"Yay! I thought you forgot." sabi nya sakin sabay agaw ng bola.
"Hey! Im the one who bought that thing, you're just grabbing it without saying any thank you." pagtatampo ko sa kanya.
Napatigil naman sya sa pagbounce ng bola at tumingin sa akin.
Niyakap nya ako at kiniss nya ako sa cheeks ko.
"Thank you atey. You're so ba-eyt"
O diba? Baluktot pa nga magtagalog yang batang yan.
Pero ang cute magtagalog nyan.
"Psh." Ginulo ko yung buhok nya.
Dito na kami kumain ni Chino sa hagdan.
Tinatamad na daw kasi syang umalis kaya dito na lang daw kami kakain.
Hindi ko naman maiwanan itong batang to kasi napalapit na to sakin.
YOU ARE READING
Ms. Varsity Player ^^
Teen Fiction" A Cold Hearted Person was Once a Person who Cared too much " -Alexis Hyacinth Reyes " A Real Women can do it all by herself.............. but a Real Man wont let her" -Andrew Hartwin Recto " A sense of Humor makes a MAN Handsome " -Inigo James San...
