Putek na Jeonghan to. Di makahintay ?

Natawa si Joshua.

' Wag kang mag-alala Milk. Kabit ko lang si Jeonghan. Ikaw ang legal wife '- sabi nya tapos lumabas na sya ng apartment.

Hay Jeonghan. Porket mas maganda ka lang sakin eh.

Nahiga ako sa kama ko at naalala ko yung text sakin kanina. Kinuha ko yung cellphone ko at binasa ulit yun.

She begged, he fought
She cried, he died

Ano na naman bang ibig sabihin nito ? Wala ako sa mood mag-translate ulit.

Matutulog nalang ako kasi maaga pa pala kami bukas.

--

Pagkagising ko, naligo agad ako tsaka nag-ayos ng sarili.

Nagsuot lang ako ng oversized t-shirt tsaka shorts since medyo mainit yung panahon ngayon.

Binitbit ko na yung bagahe ko tapos lumabas na ako ng dorm.

Nakita ko si Wonwoo at Seungcheol na inaayos yung van na sasakyan namin.

Nga pala, sa Daegu yung punta namin. Three days and two nights daw.

Pumasok ako ng dorm at nakita ko yung iba na naghahanda nang umalis.

' Noona pwede bang pakigising si Mingyu hyung ? Ang hirap nya gisingin '- sabi sakin ni Dino.

' Tulog padin hanggang ngayon ? '- tanong ko.

' Ay hindi Noona. Gising na sya tapos gigisingin mo ulit para masaya '- sabi ni Seungkwan kaya nabatukan ko sya.

Nagpunta ako sa kwarto at nakita ko si Mingyu na nakatalukbong pa ng kumot.

' Mingyu '- sabi ko tapos sinubukan syang alugin.

' Hmm .. Wonwoo hyung .. '- ungol nya.

Nanlaki yung mata ko. Nasa panaginip ba nya si Wonwoo ?

' Hoy Mingyu umayos ka nga '- sabi ko tapos inalog ulit sya.

' Wonwoo hyung .. '- sabi ulit nya.

' Gago ka Mingyu. Si Milk to ! '- sabi ko.

Isa pa sasapakin ko na to.

' SUNOOOOOOOOG ! '- sigaw ko sa may tenga nya.

Nagising naman sya agad at mukhang natataranta.

' Sunog ? Asan ? '- sabi nya kaya natawa ako.

' Ikaw yun shunga ! Bumangon ka na dyan at ikaw nalang hinihintay ! Wonwoo hyung ka pa dyan ha '- natatawang sabi ko tapos lumabas na ako ng kwarto.

Laptrip din yun si higante eh haha.

Hinintay namin si Mingyu makapag-ayos tapos sumakay na kami sa van.

Si Seungcheol yung driver tapos nakaupo sa shotgun seat si Dino.

Wag kayong maingay ha. Shini-ship ko kasi silang dalawa hehe.

Si Vernon, ako, Jeonghan at Joshua naman yung nasa likod nila.

At talagang gumitna pa si Jeonghan samin ni Joshua.

Sa likod namin si Wonwoo, Mingyu, Jun at Minghao tapos sa likod nila si Woozi tsaka yung tatlong bugok.

' Oy patugtog nga kayo '- sabi ni Hoshi.

' Uso earphones '- sabi sa kanya ni Woozi.

' Naiwan ko eh '- sabi ni Hoshi.

Hinalungkat ko yung bag ko at hinanap yung earphones ko tapos hinagis ko kay Hoshi.

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now