Chapter 12 - Rules

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ah, sino po kayo?" gulat na tanong ko sa mag-asawang nakatayo. Sa itsura pa lang nila, alam kong mayaman ang mga ito. Naka corporate attire at parang galing lang sa opisina, may mamahaling sasakayan na nakaparada sa harapan ng maliit na gate.

"Hi! I'm your mother-in-law." ani nung babae at inaabot yung kamay.

HA? Kailan pa ako nagkaroon mother-in-law. Nakatunganga pa ring nakipagkamay ako sa kanilang dalawa, saka ko lang napansin yung mukha ng lalaki, malaki ang resemblance nila ni Jera.

"So hindi mo ba kami aanyayahan sa bahay mo?" nakangiting sabi ni mother-in-law kuno.

"Ah pasok po kayo ma'am sir." tumabi ako at pumasok sila.

"Ma'am, sir. Baka ho nagkakamali kayo, hindi po kami mag-asawa ng anak niyo." lakas loob kong sabi habang nakasunod sa kanila.

"Oo pero may anak na kayo at ayaw naming maging bastardo ang apo namin." naku naku, hindi ko ito inexpect na aabot sa ganito ang mga pangyayari.

"Sir, hindi niyo po naiintindi-"

Tinaas niya ang kamay niya at nagsalit ulit.

"Kung binayaran ka ng anak namin para hindi siya pakasalan, huwag kang mag-alala. Pina ayos ko na ang problema mo."

"Pero hindi po-"

"Iha, isipin mo na lang na ginagawa namin ito for you and your baby."

"Pero hindi po ako ang totoong mommy ni baby." giit ko pero tumawa lang sila.

"Alam na alam namin ang gimik ni Jera iha kaya hindi ako magtataka kung pati ikaw, kinakutsaba niya." tumatawang sabi nung babae.

BLAM

"What the hell are you doing here?" napalingon kaming tatlo sa nagsalita.

Inis na napaupo si Jera sa couch pero ako nanatili pa ring nakatayo. Hindi pa rin ako maka get over sa mga narinig ko.

"Oh, and where is the baby?" tumayo yung babae at parang hinahanap kung saan yung baby.

Pinuntahan ko siya sa crib at kinarga.

"Oh look at her, she's so adorable." alam ko, kaya nga inampon ko siya eh. Pero paano naman kaya niya nalaman na girl si baby.

"Akin na muna siya, hon. You look at her, she's really cute oh." natutuwa pang sabi niya habang nilaro laro ang kamay ni baby. Tumayo namang yung asawa niya at nakisawsaw na rin sa kanyang misis.

"MA! ANO BAH? Sabi ko anong ginagawa niyo dito." napaigtad ako ng may biglang sumigaw. Anak naman ng tatay at nanay niya, lagi na lang ba siyang naninigaw.

"Jera, don't shout at your mom. Napaka walang galang mo talaga." sinabihan siya ng tatay niya.

"Eh ano ngang ginagawa niyo dito?" halata pa rin sa boses ang pagka inis.

"Anak, alam naming wala kang balak na ipakilala sa amin ang first grand daughter namin kaya kami na mismo ang pumunta dito. Kung ikaw ay walang paki alam sa mag-ina mo, pwes kami, MERON." sabi ni mother.

"Jera, yung pinag-usapan natin. Hangga't hindi mo nagagawa ang bagay na yun. Wala kang makukuha sa amin ng mommy mo, not even a centavo." ma otowridad na sabi ng daddy niya.

Surrogate Child ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon