♡ Notes

244 12 2
                                    

NOTES

Dedicated to Ate Fyrre. ♥ [ Welcome back po Ate! ]

- - -

"Alice, pahiram naman ng notes mo sa Science."

"Eto oh. Bigay mo nalang sa'kin bago mag-uwian."

"Uyyy, ako rin pahiram, pagkatapos ni Lance."

Tumango nalang ako. Binabasa ko pa kasi yung mga notes ko sa Filipino para sa quiz namin mamaya. Ewan ko ba kung bakit ako nalang parati ang hinihiraman ng dalawang 'toh ng notes. Pwede naman dun sa top 1 namin eh, psh.

"Okay class, get 1/2 sheet of paper, number it from 1 - 20, okay NUMBER ONE--"

"MA'AM WAAAAAAAIT! 1/2?"

- - - - -

"Alice, eto na nga pala yung notebook mo." Palabas na sana ako ng classroom ng biglang lumitaw si Lance sa harap ko sabay abot ng notebook ko.

"Si Haylie, diba hihiramin n'ya pa?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Ah eh, hindi na daw, bukas nalang. Ah.. sige, alis na'ko. Geh bye." At ayun, umalis na s'ya. Buti nalang kasi medyo awkward pag kaming dalawa lang.

Sa totoo lang, ayaw na ayaw kong ipinapahawak sa iba ang mga gamit ko, lalo na yung mga notebooks ko, ewan ko ba kung bakit. Siguro dahil nung may nanghiram ng notebook ko nung bata ko ta's pagbalik sa'kin, lukot-lukot na yung mga pages, at may tupi na yung cover.

Pero wala eh, bestfriend ko si Haylie, medyo malaki-laki naman ang utang na loob ko kay Lance kasi s'ya dati yung nagpapahiram sa'kin ng notes. Late na kasi akong pumasok sa school na'to, kaya medyo nahirapan ako nung una. Yun lang ang dahilan, wala ng iba.

Wala na nga ba talaga?

Eish, nevermind na nga lang.

Binuksan ko naman yung notebook ko sa Science upang mag-review para bukas. Marami pa kasi akong gagawin mamaya sa bahay kaya baka hindi na'ko maka-review. Kaya dito nalang. Fli-nip ko naman sa last page para makita yung list ng mga dapat review-hin para sa quiz bukas. Pero nagulat ako sa nakita ko.

Ang haba ng nakasulat dito. Hindi ko naman 'toh handwriting.

Alice, sana makita mo 'toh. Sana wag kang tamarin na basahin ito hanggang sa huli.

Pagtingin ko sa baba, eto ang mga nakasulat:

{ Noon ko pa kasi 'toh gustong sabihin sa'yo, pero wala eh, hanggang hiram lang ako ng notes mo. Pwede bang oras mo naman ang hiramin ko? Parati ka nalang kasing nakatutok sa libro at mga notes mo eh. Nakakatampo na nga eh. Noon kasi, parati tayong nag-uusap tungkol sa mga lessons na na-miss mo, parati kitang kwinekwentuhan kung ano ang mga nangyari nung wala ka pa, kwinentuhan mo pa nga ako tungkol dun sa dati mong school eh. Pero ngayon na medyo okay ka na dito, at nakaka-cope up ka na sa mga lessons, hindi na tayo nakakapag-usap. Kaya ayun, gumawa nalang ako ng paraan para mapansin mo ulit ako. 

Tuwing hihiram ako sa'yo ng notes, nagkakatinginan tayo. Okay na yun sa'kin, kasi alam ko na kahit busy ka kakabasa ng mga notes mo, may time ka pa rin para i-abot sa'kin yung notebook mo. Kung hindi mo man napapansin, ngumingiti ako pagkatapos mong i-abot yung notebook mo. Hindi mo naman makikita eh. Yung mga kaklase na nga lang na'tin ang nakakakita at nakakaalam nun. Alam na nilang lahat na may gusto ako sayo, ikaw nalang ang hinde. }

Bigla ko namang na-close yung notebook ko nang may biglang pumasok sa room.

"Ah eh, may nakalimutan lang.

Pwede ba Lance, kumatok ka naman muna bago pumasok, hindi pa ready yung tao eh, psh.

"A-ano nakalimutan mo?" Na'ko naman Alice, sa lahat ng pwede mong itanong, yan pa. Ang lame mo din kahit kailan. Na'kooooo.

Bigla naman s'yang lumapit sa'kin saka ngumiti. Na-miss ko yan, Lance, na-miss kong titigan ang iyong mga ngiting ganyan.

"Yung puso ko." Wuuuuuuuuuut. Ano daw?

"E'di sana patay ka na?" Kahit kailan talaga Alice, KJ ka. Alam mo namang pick-up line yun eh, tsk.

"Oo, matagal na." Sagot naman n'ya.

"Hay na'ko Lance, kung ano man yang naiwan mo, kunin mo na baka--"

"Matagal nang patay na patay sayo.

- - - - -

[ A/N ] Super short lang talaga 'toh kasi mga 1 am ko na 'toh pinublish, heuheu. Sorry kung medyo lame pfft. Baaai.

One-shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon