VIII: My New Found Friend (Liana Aria Jimenez) (Part 2)

12 0 0
                                    

VIII: My New Found Friend (Liana Aria Jimenez) (Part 2)

Narration...

FLASH BACK:

Pinarenovate ang buong compound ng orphanage ng mga Morgan at ginawa itong eskwelahan para sa mga batang matatalino na at mga batang walang pang aral.

"Kuya, anong balak nila dad sa Old building na yun?" turo pa ni Moniexien sa Old building na natira nung nasunog ang orphanage.

Halos matupok din kasi ng sunog ang building na yun nung mga oras na yun buti na lang at naagapan pa ng mga bumbero ang sunog. Ang pinagtataka lang naman ng mga bagong may hawak ng school ay bakit hindi yun sinama sa renovation.

Pinuntarahan at inayos ang building pero di gaya ng ibang building ay lahat bago na.

"Laboratory... if I'm not mistaken tambakan din ng mga lumang gamit ngayon yan." Sagot naman ni Bryle sa kapatid.

"Tambakan ka mo ng mga patay nung nasunog ang buong orphanage." Biro naman nitong si Zack.

"-_- kuya naman eh! Marinig ka na naman ni Staycee niyan magiiyak na naman yun." Bulyaw naman ni Moniexien sa kapatid niya.

"saan na nga pala si kambal?" tanong naman ni Axe ng mapansin wala ang kakambal niya.

"nasa Old building... laboratory kasi yun so lahat ng mga experiment doon gagawin alam niyo naman siya ang bagong head regarding sa renovation ng Morgan and yun na lang ang natitirang building na di pa naayos." Sagot naman ni Bryle.

"diba may laboratory sa new buildings natin? Bat pati doon ginagawan pa." curious na tanong naman ni Axe.

"doon daw kasi gagawin lahat ng mga maseselang laboratory experiments para iwas sa nangyari before." Sagot naman ni Moniexien.

"teka, diba may pre. Med. Tayo sa academy... you mean to say yung "MASESELANG LABORATORY EXPERIMENTS" na sinasabi mo eh doon gagawin... to be specific... di lang DISECTING ng HAYOP ang gagawin doon... Cadavers. Etc.." Walang ka arte arteng sabi naman ni Zack na parang wala silang ibang kasamang tao na natatakot :3.

"so it means may morgue doon?" mabilis na balik tanong naman ni Moniexien sa kapatid.

Nagtinginan na lang ang dalawang lalaki na si Bryle and Zack.

Laboratory...

"sir, sure po ba kayong kaya niyo ng magisa dito?" tanong ng isa sa mga nagtatrabaho sa academy kay Terrence.

"Oho, ako na po ang bahala may titignan lang po ako sa mga lumang gamit." Magalang na sagot naman niya dahil may katandaan na rin ang babae.

Nasa stockroom si Terrence ngayon kung saan dinala ang mga lumang gamit ng academy...

*remember the room where Selestine founds the old album from past chapter*

Bigla na lang kasi niyang naisip na maghanap ng mga bagay na natira nung araw na nasunog ang academy... nung mga panahong orphanage pa ang buong lugar.

Ilang taon palang silang mag kakapatid noon ng ipinatayo ng mga Morgan ang orphanage. At sa di malamang kadahilanan ay nasunog iyon at sa kasamaang palad madaming namatay na mga bata at iba pang kinupkop ng orphanage.

"Morgan" basa ni Terrence sa naka sulat sa isang makapal na libro na nakita niya... *photo album na nakita ni Selestine*

Binuksan ni Terrence ang nakita niyang album at doon niya nalaman na isa yun sa mga bagay na nakakapagpaalala sa kanya nung mga panahong Orphanage palang ang academy.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

We Got Haunted (On-Going Story)Where stories live. Discover now