Chapter 5

489 11 3
                                    

ARAW-ARAW NAMANG MAGULO SA CANTEEN KAPAG LUNCH TIME, PERO kapansin-pansin na may nangyayari pang gulo within the usual gulo at ingay. Hindi nahirapan si Ayeng ma-pinpoint ang epicenter ng gulo. Sa stall ng Siomai Mommy. Pawang mga grade ten ang nagkakagulo sa harap niyon.

Curious, lumapit rin siya. Kamuntik na niyang nabunggo si Jeremiah the wimpy kid.

"What's going on?" Tanong niya.

"Free siomai." Tugon ni Jeremiah. Payat, sungki-sungki ang ngipin. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit paborito itong pagtrip-an ng lahat. He wears funny pants--maluwang parang pajamas pero bitin.

"Really?" Na-excite si Ayeng. Paborito rin niya ang Siomai Mommy. Iyon ang madalas niyang ulam sa lunch.

"But I will still vote for you." Wika pa ni Jeremiah.

"Huh? What do you mean?"

Pero hindi na nakasagot si Jeremiah dahil tinawag , kinawayan na si Ayeng ni Marvis.

"Excuse me." Aniya kay Jeremiah at nilampasan ito. Nasa katabing stall ng Siomai Mommy si Marvis, hawak ang lunch platter--rice, breaded pork at munggo. "What's up?" Inginuso niya ang Siomai stall.

Pabulong ang sagot ni Marvis, "Arvy's behind it. Obviously."

"Why--What do you mean?" Walang ideya si Ayeng dahil hindi kaagad siya sa canteen dumeretso. Sumaglit muna siya sa cashier para i-follow-up kung bayad na ang tuition niya para sa first quarter. Nakahinga siya ng maluwag nang malamang settled na ang account.

"Free siomai for everyone who will vote for Declan." Paliwanag ni Marvis.

"WHAAAAT?" Bulalas ni Ayeng. "That's not allowed!" Malinaw ang rules: No giving away food, school items, money. "Where's Arvy? And how could she do this to me?" Naturingang supporter niya pero namimigay ng siomai para kay Declan?

"That's the least of your problems." Kibit-balikat na sagot ni Marvis.

"Whatelse did Arvy do?"

"Not Arvy. Anton."

"Did he hit someone?" Nagpa-panic niyang tanong. "On my behalf?"

"Not yet. But he's going around telling everyone how mad he'd be if you don't win. He just ripped Lawrence's poster."

"Oh, no." Kandidato mula sa ibang section si Lawrence Pinto. Cute, likeable, plays drums. Crush niya noong grade three sila. "Where si Anton?"

"Saw him heading to the gym."

Pumihit si Ayeng sa direction ng gym.

"Aren't you going to have lunch first?" Habol ni Marvis. He would never, ever skip a meal. He was obsessive about eating proper food.

"I'll grab a sandwich." Kakausapin muna niya si Hitman Tony dahil wala naman siyang balak manalo sa pamamagitan ng coercion. "Excuse me! Excuse me!" aniya sa mga estudyante pang pasugod sa Siomai Mommy. Nakalusot naman siya at nakarating sa hallway na patungo sa side entrance ng gym.

Walang nagpa-practice sa oras na iyon pero may mga nakakalat na estudyante. Ang iba ay nakatambay sa bleachers. Malaki si Hitman Tony, hard to miss kaya isang scan lang ni Ayeng, alam na niyang wala sa gym ang pakay.

Dumeretso siya hanggang sa front entrance at sa guard station sa high school lobby. Mula doon, tanaw niya ang kalsada at ang convenience store sa tapat ng school. Madalas ay doon nagla-lunch si Anton kasama ng mga ka-varsity.

Merceline Cinco's High School Survival Guide By: Rose Tan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon