Chapter 9

486 9 0
                                    

THE SCHOOL VALUED ITS TEACHERS, ESPECIALLY SIR BO. BONIFACIO LACSAMANA, alumnus ng St. Therese, nakagawa ng pangalan sa larangan ng Biology. Responsable sa pagkakatuklas ng mga bagong uri ng hayop at halaman na sa Pilipinas lamang matatagpuan. Ang mga affiliations at citations pa lang ni Sir Bo, tatlong pages na. He was a consultant to this and that. Nakapag-publish ng mga artikulo at mga studies sa mga scientific journals. Aktibong environmentalist.

Nang unang marinig ni Ayeng kung sino si Sir Bo, she got the impression that he was just doing his alma mater a favor kaya nagturo doon. Maliit lang si Sir Bo, nakasalamin, medyo kulot ang buhok, kubado. Malumanay rin lang magsalita pero nanggigigil kapag environment ang paksa. At kapag nasimulan iyon, dedma na sa totoong leksyon. Sermon na lang tungkol sa pangangalaga ng kalikasan ang maririnig nila. Ang gusto nila kay Sir Bo, ito ang guro na pwedeng tanungin ng maski ano. Ito rin ang tipo ng guro na hindi masyadong sumusunod sa protocol ng eskwelahan. Experience raw is the best teacher.

Go tell that to parents paying the tuition fees.

Speaking of parents, pinahahalagahan rin ang mga iyon ng St. Therese. Kapag may nagreklamo nang magulang, aburido na buong school. At ang mga parents, most of them didn't want to inconvenience their kids. Tanda pa nI Ayeng sa grade school, may mommy na nagreklamo sa principal dahil raw pinaglinis ng classroom ang anak. Bakit daw cleaners? Sa public schools lang daw iyon, hindi sa private dahil nagbabayad sila ng napakamahal na tuition.

Kaya, SOP na na mamudmod muna ng consent form ang school para sa mga activities. Like hiking. Hindi lahat ng magulang, pumirma. NO, I AM NOT ALLOWING MY CHILD TO JOIN. Checked.

Iyon lamang may mga adventurous rin at medyo radical thinkers ang lumagda. And of course, those guardians who really didn't care, kaparis ni Tita Meng. And they were asked to sign a waiver.

Kaya rin, ang nakasama na lang sa hiking ay si Ayeng, Declan, Dominique, Marvis, Lawrence, Abegail and Elysse. Hindi kasama si Anton, thank God, dahil hindi pinayagan ng magulang. Haha. May kasamang dalawang grad students si Sir Bo, parehong lalaki.

Sa lobby ng eskwelahan ang meeting place.

Naghihintay na sa school van ang lahat nang dumating si Ayeng. Nag-overnight swimming ang tita niya at si Jimboy kasama ang iba pang katropa. Hindi umuwi ng maaga gaya ng usapan nila. Ang sabi sa text eh, 'malapit na. on the way na.' Naghintay si Ayeng.

Hanggang ang five AM ay maging 6 Am. Nagpasya na siyang umalis at iwan na lang ang susi sa kapitbahay nilang kamag-anak--a no, no dahil nang minsan niyang gawin iyon, walang pakundangang pumasok sa bahay si relative-neighbor, naghakot ng mga imported na de lata. Pweo wala siyang choice sa araw na iyon.

Hindi siya ang pinaka-late. Wala pa si Abigail.

Still, very very late siya. Dahil nakapuwesto na sa van ang lahat. Lumipad na sa alapaap ang pangarap niyang makatabi sa upuan si Declan. Iyon lang naman ang habol niya kaya pinilit niyang bumangon ng alas-tres ng umaga. Para sure na hindi siya late. Ang dami na niyang ilusyon tungkol sa kanilang dalawa niDeclan. Magkakatabi sila sa van, magkukuwentuhan, magbibiruan...then she would sense something in him....mag-uusap ang mga mata nila...their arms would touch....may tatawid na pusa, biglang pipreno ang van, Declan would protect her...mayayakap siya....they would feel something electric...

Waley.

Pagbungad niya sa van, sina Dominique at Declan ang nakita niya. Magkatabi sa pinakalikod. Katabi nI Declan si Marvis. Ayeng ended up sitting beside one of the grad students who looked as though he was embarking on a journey to the center of the earth.

Merceline Cinco's High School Survival Guide By: Rose Tan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon