"Dad, hindi naman po yun children's party." sagot ni Kuya

Nagkatinginan nanaman sila ng masama. "Ikaw Jerome namumuro ka na ha."

"I'm just telling the truth Dad."

"You shut up."

"Hey hey you two, nasa harap tayo ng pagkain oh." Mommy

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain. After ng dinner nasa sala kami ni Kuya nanunuod ng movie. Nang bumaba si Mommy.

"Kathryn anak pwede ka ba makausap saglit?"

"Okay po."

Kahit ayaw ko man umalis sa harap ng tv eh nanay ko na nagsabi eh. Pumunta kami sa may garden.

"Bakit po Mommy?"

I didn't expect to see her smile. "May isusuot ka na ba para sa party?"

Napangiti na lang din ako. "Don't worry Mom, it isn't a formal party.Casual dress lang okay na."

"Sigurado ka?"

"Opo." umakap ako sa braso niya.

Pero bigla naman niya akong inakap. "Princess.."

"Po?"

"I'm sorry.."

"Sorry po saan?" kumalas ako sa yakap.

She held my face. "I know you're broke. Nanay mo ko kaya alam kong nasasaktan ka. Pasensya ka na kung kailangan mo pa malayo sa taong mahal mo para lang matigil na lahat ng to. Para wala ng gulo."

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "Mom. Masakit, oo, sobra pero yun ang dapat diba po? Yun ang tama."

My Black GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon