MBG - 44

157K 1.5K 180
                                    

CHAPTER 44

KATH'S POV

Hindi ako kumportable na pumasok sa mga sumunod na klase. Ewan ko ba. Pakiramdam ko kasi nasa tabi tabi lang yung nagbigay ng letter na yon.

"Kath. Okay ka lang ba?" tanong ni Janella. Siguro napansin na din niya ang pagiging uneasy ko.

"Actually.. hinde eh."

"Bakit naman?"

"Ewan ko ba. Feeling ko may mangyayaring hindi maganda."

"Feeling mo lang yon."

"Sana nga.."

Nagpatuloy na lang kami sa pagkopya ng lecture.

Uwian na namin. Paglabas ko ng room..

Nakita ko na kagad siya, nakasandal sa pader at may headphones na suot. Nililihisan siya ng iba kasi alam niyo naman baka pag napag-trip-an sila ni Clifford eh masapak sila ng wala sa oras.

Nang mapansin niyang palapit na ko tinanggal na niya ang headphones niya at sinabit na lang ito sa leeg niya.

"Hey." bati ko

Kumunot naman kagad ang noo niya. Kaya minasagge ko ang noo niya, flinat ko lang haha.

"Ano ba naman yan. Tatanda ka sa pagkunot ng noo mo."

Pero nakatingin lang siya ng masama sakin.

Anyare? Ano ginawa ko?

"Hey!" tinulak ko ang balikat niya.

"Tss." tapos kinuha na niya ang gamit ko at naglakad na.

PMS siguro. Tsk tsk. Nako, masama yan.

My Black GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon