MBG - 31

188K 1.8K 280
                                    

CHAPTER 31



DANIEL'S POV



Nagdidinner kami ngayon sa isang buffet restaurant kasama ang pamilya ni Julia.



Tinawagan ko si Penelope kanina kukuha sana ako ng pampawala ng bad vibes pero.. "Ano ba kita?!" Putangna lang diba?



Pasubo na sana ako ng kinakain ko nang..



"Oo pare nasabihan ko na ang media tungkol sa magiging engagement nila." Rommel



"Engagement nino?" tanong ni Mommy



"Bakit Karla, hindi mo ba alam?" tanong ng Daddy ni Julia



"Ang alin?"



"Ikakasal si Julia at Daniel." masayang sabi ng tatay niya



Bumulong ako sa katapat kong si Julia. "Nag propose ba ko sayo?"



"Umo-oo ba ko sayo?" bulong din niya



Parang tanga naman oh. Nakakagago.



"Dad teka nga po. Ano pong engagement?" Julia



"Ha? Rommel diba sabi mo nag propose na itong si Daniel sa anak ko?"



"Oo naman. Wala pang singsing na binibigay ang anak ko dahil gusto niya yung pinaka magandang singsing. Diba Daniel?"



"Ha? Hindi ah."



Tinignan niya ako ng masama.


My Black GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon