Binansagan na nga ni Coreen yung kwarto ko as Bodega ni Rivas. Ewan ko ba sa lukaret na iyon. Dalawang linggo ng di nagpaparamdam. Puro instagram ang inaatupag. Naka deactivate pa yung Facebook.

Inspeaking of Facebook, walang ganun si Wade. Kung meron man, puro fan page at posers iyon. Mga ilusyunadang nagpapalitan ng matatamis na salita si Wade at Shan kaya hindi na rin ako naging interesado sa Facebook.

Tulad ni Coreen, mas gusto ni Wade yung instagram. Iyo nga lang, hindi niya kinukunan yung sarili niya. Mas madalas yung mga lugar at mga bagay o pagkain ang pinopost niya.

Tinignan ko sa iPad ko yung mga updates niya doon, isang linggo ang nakakaraan.

"Reina?" Untag ni Liam sa kalagitnaan ng pag di-drive niya.

Sumulyap siya sakin gamit ang kumikislap na mga mata.

"Hmmm?"

Sinarado ko yung iPad.

"Ang ganda mo..." Binigyan niya ako ng matamis na ngiti.

Uminit ang pisngi ko sa biglaan niyang sinabi, "Weh? Di naman!" Nag iwas ako ng tingin.

"Totoo. Noon pa, maganda ka naman talaga. Pero mas lalo kang gumanda ngayon."

Napalunok ako at sinubukang tignan ang nakangising si Liam, "Liam! Bolero ka talaga!"

Tumawa siya.

Hinampas ko ang braso niyang nakahawak sa manibela. Hindi na siya nagsalita. Tawa lang siya nang tawa. Ilang sandali, nang humupa na yung tawa niya...

"Seriously, you really are beautiful, Reina."

Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Hindi ko maalala kung may taong nakapagsabi ba saking ganun. Si Rozen, malamang. Si Coreen, Oo. Si Hugo din. Yung mga kapamilya ko. Pero hindi ko kailanman iyon natanggap ng ganito ka seryoso ang tono.

"Thanks..."

Tumigil ang sasakyan dahil sa bumabarang traffic. Sinamantala ni Liam ang pagkakataong iyon para harapin ako at haplusin ang mukha ko.

Natigilan ako sa ginawa niya. Hinintay ko ang pagsasalita niya pero tahimik niya lang na hinaplos ang mukha ko. Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sakin.

Lumakas ang pintig ng puso ko sa kaba... Masyado ng malapit ang mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko. Ayaw kong isipin pero hindi ko maiwasan. HAHALIKAN NIYA BA AKO?

Kinagat niya ang labi niya. Napatingin ako sa harapan at nakitang tumakbo na ang nasa unahang mga sasakyan at jeep.

Pinaandar niya din agad ang sasakyan niya nang walang imik. Dumating kami sa building ng walang imikan. Kaba lang ang tanging naramdaman ko sa buong byahe namin papunta doon.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon