Sasabihin ko sanang wag nalang kaso iba ang lumabas sa bibig ko.

' Sige '

Natigilan ako. Kino-control ba ako ng lalaking to ?

' Hindi kita kino-control Milk. Sadyang yan talaga ang gusto mo kaya yan ang lumabas sa bibig mo '- sabi nya.

He's really creepy. Binasa nya na naman ata isip ko.

' Paano mo nasasabi lahat yan ? Gaano mo ba ako kilala ? '- tanong ko sa kanya.

Ngumiti sya.

' More than what you think '- sagot nya.

Bumuntong hininga ako.

' Ano ba talagang meron sayo Joshua ? Sabog ka ba ? Naka-drugs ka ba ? '- tanong ko sa kanya.

Pinisil nya yung ilong ko.

' Bawal nga magtanong diba ? Bawal kang magsalita ngayong gabi '- sabi nya.

I stomped my foot. Para saan pa ang freedom of speech kung ganito lang din ?

' Bawal din magdabog. Ikaw ha, ang dami mo nang kasamaan na natutunan nung mga panahong wala ako sa tabi mo '- sabi nya.

Ang dami kong gustong sabihin pero wala akong masabi kahit isa.

Pero may parang bumubulong sakin na wag nang magtanong at makipagtalo dahil alam ni Joshua ang ginagawa nya at mapapagkatiwalaan naman sya.

Sige na nga.

' Nasaan pala yung aso mo ? '- tanong nya.

Tinuro ko naman yung ilalim ng kama ko.

Yumuko sya at binuhat si Cereal.

' Cereal ang pangalan nya diba ? Cute but I prefer Soy Sauce '- sabi nya.

Kumunot ang noo ko. I don't get him.

Soy Sauce ? Pangalan para sa aso ? Gaguhan ?

' Upo ka nga dito sa tabi ko '- sabi nya kaya ginawa ko naman.

' Ang laki ng pinagbago mo '- sabi nya.

Hinawakan nya yung magkabilang pisngi ko kaya na-alarma ako.

' Kalma. Wala akong gagawing masama sayo '- sabi nya.

Bakit ba ganito yung way nya ng pagsasalita ? Parang nahi-hypnotize ako.

Parang lahat ng sinasabi nya, totoo at tama.

' Ang laki ng ipinayat mo. Well, payat ka na naman dati pa pero mas payat ka ngayon '- sabi nya.

Pinisil nya yung pisngi ko.

' Medyo wala naring laman yung pisngi mo. Kumain ka ng marami ha ? '- sabi nya.

Tumango nalang ako.

' Tulog na tayo ? '- tanong nya.

Tumango nalang ulit ako. Bawal magsalita eh.

Binaba na nya si Cereal at bumalik na ito sa ilalim ng kama.

' Tabi tayo ha '- sabi ni Joshua sakin.

Umiling ako ng mabilis.

' Bawal magreklamo '- sabi nya tapos pinatay na nya yung ilaw.

Ano bang gulo tong pinasok ko. Baka ma-reyp ako ng wala sa oras.

Joke. Alam ko namang hindi yun magagawa ni Joshua. Baka nga ako pa mang-reyp sa kanya eh hehe.

' Hoy may binabalak ka bang masama ? Bigla-bigla kang ngumingisi dyan '- sabi nya sabay batok sakin nang makahiga na kami.

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now