Sixième

448 17 7
                                    


Ilang araw ang nakalipas, nagulat si Christian nang matapos makipag-usap sa telepono ang kanyang Tiyahin ay tarantang gumayak ito.

"Christian, samahan mo ako sa ospital naaksidente ang mga pinsan mo."

"Ho?"

Sa ospital, patay na si Troy at ang barkada nila nang dumating doon sina Christian at ang Tita Julieta nito. Nang mahimasmasan si Aling Julieta mula sa mahabang pag-iyak nito ay pumunta sila ng pamangkin sa silid ni James. Lumapit si Aling Julieta sa anak.

"Anak nandito ang Mama. Kumusta ka na ? Ano bang nangyari?"

"May biglang tumawid na babae Mama kaya bumangga kami sa malaking puno. Si Kuya Troy at Waldo asan sila?"

"Nandiyan lang sila sa kabilang kuwarto anak." Pagsisinungaling ng ina, kasabay ng paglaglag ng kanyang mga luha.

Marahang lumabas ng silid si Christian upang mabigyan ng pagkakataon ang mag-ina. Makalipas ang halos isang oras ay narinig ng binata ang malakas na hagulgol ng tiyahin, napayuko siya kasabay ng pagpikit ng kanyang mga mata, tanto niyang pumanaw na rin ang kanyang Kuya James.

Isang buwan din ang nakalipas bago nakabalik sa realidad ang Tiyahin ni Christian, ngayon nandoon na rin ang kanyang tiyuhing si Mario at hindi na muling bumalik sa pinagtatrabahuang barko, nasisiyahan na rin ang binata kapag nakikita niyang masaya ang tiyahin kasama ang asawa nito.

Isang gabi habang nasa tindahan si Christian ay lumapit ang kanyang Tiya Julieta kasama ang asawang si Mario.

"Christian, ikaw muna ang bahala dito sa tindahan at bahay ha! "

"Opo Tita."

"Ano ba ang gusto mong pasalubong ha Christian?"

"Kahit ano po Tito."

"O sige ako na ang bahala."

At lumabas na ng tindahan ang mag-asawa na magkaakbay pa na sinundan pa ng tingin ng binata. Ngunit nagulat si Christian at biglang bumalik ang kanyang tiyuhin.

"Tito, may nalimutan po ba kayo?"

Hindi sumagot ang lalaki, sa halip ay iginala ang paningin sa loob ng tindahan hanggang sa huminto na nakatuon sa isang pako na kinasasabitan ng gintong kuwintas. Nilapitan niya ito at kinuha.

"Bakit nandito ito?"

"Ano iyon Mario?" Ani Julieta

"Ito o!" At inilawit ni Mario ang kuwintas sa harap ng mukha ni Julieta.

"O di ba sa iyo iyan noon?"

"Oo, na ibinigay ko kay James, anim na taon na siguro ang nakakaraan, wala pa yata kayo dito noon."

"Ay salamat naman at hindi pa nawala, eh antagal ko nang hinahanap sa kanya iyan, ang sabi nawala daw. Akala ko nga naibenta na e."

"Tayo na para hindi tayo gabihin." At isinuot ni Mario ang kuwintas.

Matagal ng nakakaalis ang mag-asawa ay hindi pa rin tumitinag si Christian mula sa kanyang pagkakaupo, hindi makapaniwala sa mga narinig, hindi makapaniwalang ang kanyang mga pinsan at barkada nito ang nanggahasa at pumatay sa babae. At hindi rin kaya ang babaeng kanilang nilapastangan ay ang babaeng naikwento ni James bago ito mamatay na biglang tumawid sa kalsada kaya sila naaksidente? Mula sa malalim na pag-iisip na iyon ay nagulat ang binata nang biglang magwala ang kanilang alagang aso, tumayo ito upang sawayin ang alaga ngunit bago ito nakalabas ng pintuan ay isang tinig mula sa harapan ng tindahan ang kanyang narinig.

"Pabili nga po ng puting kandila."



Wakas


-*-

Tapos na po. Maraming salamat sa lahat. Kung may nagbasa ba o wala. Lol. I just want to share my story. Thank you everyone. Je t'aime. <3


-

Pabili ng KandilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon