001 - Balot ng Pagmamahal

Magsimula sa umpisa
                                    

"Umalis ka nga r'yan! Wala akong pakialam sa 'yo." Hindi ko ito tinitingnan. Nakasimangot ako at nakahalukipkip, habang pinagmamasdan ang mag taong dumaraan.

"Gusto mo ba ng balot, heto oh!" Iniabot n'ya sa akin ang isang balot. "Isang balot para sa isang ngiti. Libre ko na 'to."

"Ang cheap mo ha! Ayoko nga!" Singhal ko.

"Ay ang sungit mo naman, sayang, maganda ka pa naman."

Hindi ko inasahan na makakaramdam ako ng kiliti, bagama't hindi ko naman ito ipanahalata.

Ako? Maganda? Bago 'yun ah. S'ya pa lang 'yata ang lalaking nagsabi na maganda ako. Ang tanong... hindi kaya gusto lang nitong pakyawin ko ang lecheng mga balot n'ya?

"Huwag mo nga akong bolahin. Hindi ako bibili ng balot mo, kahit ano pang gawin mo!" Pagsusungit ko.

"Hindi naman kita binebentahan ah. Binibigyan pa nga kita, ayaw mo nama--"

Napahinto s'ya, dahil may isang grupo ng mga kabataan ang huminto sa kanyang harapan.

"Wow Chester!" Sabi ng isa sa mga binatilyo, "Seryoso ka na talaga sa fund raising mo ha." Humalakhak ang mga ito. "Bibilhin na namin ang kalahati ng paninda mo, nakakaawa ka naman eh." Sumegunda sa paghalakhak ang mga kasamahan nito. "Pangit ka na nga, bungi ka pa!" Iniabot nito ang bayad, bagama't binatukan muna nito ang magbabalot, bago sila nagsialis.

Natahimik ang magbabalot na tinawag ng mga kabataang si Chester. Sunod na isinilid nito sa basket ang perang ibinigay sa kanya. Tila kinurot ang puso ko nang napansin kong kahit na nginitian n'ya ako'y bakas pa rin sa kanyang mukha ang kalungkutan.

"Kilala mo ba ang mga 'yon?" tanong ko.

"Oo."

"Sino ba ang mga 'yun?"

"Mga kapitbahay ko."

"Pinababayaan mo lang batukan ka?"

"Di ah, ngayon lang."

"Ows! Ano namang pagkakaiba ng ngayon sa ibang araw?"

"Kilala ko kasi ang mga 'yun. Gulo lang talaga ang habol. Wala silang pakialam kung may masasaktan silang iba kahit wala namang kasalanan sa kanila. Iba ang magiging istorya kung wala ka rito."

"Anong ibig mong sabihin?"

Tumawa siya, "baka kasi madamay ka kapag pumalag ako. Nakikita mo ba 'tong mga ngipin ko?"

Natawa ako, "aling ngipin?"

"Hindi mo makita?"

Umiling ako; natatawa.

"Tumpak, kasi wala na akong ngipin sa unahan." Humagikhik ito.

Napailing ako at tinaasan ito ng kilay. Tila kasi pinagloloko n'ya ako.

"Sila ang dahilan kung bakit nabungi ako. Ipinagtanggol ko kasi ang siyota ko dati na... ipinagpalit din naman ako nang maglaon sa kanya. Na-turn off na siguro dahil bungi na ako." Muling lumamlam ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "Kaya heto, pagkatapos ng regular na trabaho ko sa pabrika sa araw, nagsa-sideline ako sa pagbebenta ng balot kapag gabi para makaipon para sa pustiso. Ang mahal kasi ng pustiso. Kung alam ko lang na iiwanan din lang pala ako ng dati kong siyota, di ko na lang sana ito ipinagtanggol. Para naman, hindi nakakahiyang makipag-usap sa isang magandang dalaga na katulad mo." Natatawa s'ya kaya natatawa na rin ako.

"Bolero ka 'no?"

"Hindi ah. Marunong lang akong mag-appreciate ng beauty."

"Maitim ako."

Untamed Confessions [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon