Chapter 9

5.1K 106 60
                                    

Blue Brothers

(Chapter 9 – The Golden Boy Sleeps)

 

 

Hindi makapaniwala si Carlos sa sinabi sa kanya ni Johnny. Ilang segundo na ang lumipas pero speechless pa din ang binata.

“Sorry kung ngayon ko lang sinabi. I just want to protect you.” mahinahong sabi ni Johnny.

“Ang sabi mo sa ‘kin dati, patay na ang nanay ko.” naiiyak na sabi ni Carlos. Tuloy-tuloy na ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.

“Patawarin mo ako.” sabi ni Johnny habang hinahaplos ang buhok ni Carlos na nakasubsob ang ulo sa kama habang umiiyak.

“Alam ba niya?” tanong ni Carlos. Tumango lang si Johnny. Lalo lang napaiyak si Carlos.

“Alam niya pala, pero ginagamit lang niya ako. Pinaglalaruan lang niya ako.” hagulhol ni Carlos.

Johnny hugged Carlos with all his might. Awang-awa siya. Ngayon lang niya nakitang umiyak nang ganito ang anak niya. Palagi kasing matapang at suplado ang approach nito dati.

“Ilang oras na lang ang itatagal ko. Nanghihina na ako. Pinatawag ko na ang mga kapatid mo.” sabi ni Johnny kay Carlos.

“No, dad! Please stay with us! Don’t leave! Pinagsisisihan ko ang bawat masasamang salitang nasabi ko sa inyo.” umiiyak na sabi ni Carlos.

“Even if you hurt me a thousand times, I’ll love you a million times.” sagot ni Johnny.

“May isa pa sana akong pakiusap.” pahabol ni Johnny.

“Ano po yun?”

“Please… please be friends with Tom. Alam kong malaki ang gap niyong dalawa, pero please work it out.” pakiusap ni Johnny.

“Sige po. Pero hindi ko mapapangakong maaayos ‘yun kaagad. Kayo na po ang nagsabing malaki talaga ang gap namin.” sabi ni Carlos.

“I know. Just do it, one step at a time. Pag nagkabati na kayo ni Tom, I would be the happiest father in the world.” nakangiting sabi ni Johnny.

Bago pa man makasagot si Carlos ay dumating na sina Tom, David at Shiro, kasama si Frank. Nagmamadali silang makita ang ama.

Walang inaksayang panahon si Johnny. Agad niyang niyakap nang mahigpit ang kanyang mga anak. Kahit nasasaktan na siya physically, tinitiis na lang niya makasama lang ang mga mahal niya sa buhay.

“Tom, alam kong malaki ang pagkukulang ko sa ‘yo. Pero ginawa ko naman ang lahat para mapunan ‘yun. Kulang pa ang 3 months na nagkasama tayo. You’re a great leader. Patunayan mo na kaya mong makipagsabayan. Hayaan mo, magkikita na din kami ni Clara sa langit. Babantayan ka namin.” nakangiting sabi ni Johnny kay Tom.

Blue BrothersWhere stories live. Discover now