Chapter 24 and Epilogue

5.8K 98 50
                                    

Blue Brothers

(Chapter 24 – Endless Riches – The Series Finale)

 

 

“Mukhang kailangan na nating gamitin yung golden compass.” sabi ni Tom sabay kuha sa alahas.

Habang binubuksan ng binata ang compass, nag-iisip si David at kinuha niya rin ang necklace na may locket. Matagal niya itong tinitigan. Natandaan niya ang sinabi ni Joseph na malaki ang pakinabang ng locket. Sinubukan niyang biyakin ang locket. To his surprise ay nabubuksan nga ito.

“Tingnan niyo!” gulat na sabi ni David sabay labas ng isang maliit na piraso ng papel na nakalagay sa loob ng locket.

 Binasa nila ang nakalagay sa papel. Nabigo sila dahil hindi mapa ng maze ang nakalagay. Sa halip, puro mga directions at number of steps ang nakalagay, from the starting point.

“10 steps N (North).” basa ni David.

Tuluyan na nilang ginamit ang golden compass.

“Basta sabi ng nanay ko, sa isang maze daw, lagi ka lang didikit sa right side ng wall, para hindi ka mawala, at para mas mabilis kang makalabas.” nakangiting sabi ni Tom.

“Ikaw na, Tomas! Ikaw na ang may talent sa mga maze.” nagbibirong sabi ni Carlos sabay tapik sa ulo ni Tom.

Nagsimula na silang tahakin ang maze. With Tom’s compass and with David’s leadership, madali nilang nasusundan ang instructions sa papel.

“Ibang-iba ka na talaga, David. Nararamdaman ko ang confidence mo.” nakangiting sabi ni Tom.

“Oo nga, David. Just lead us the way. We’re proud of you!”natutuwang sabi ni Carlos.

“Thanks.” nakangiting sabi ni David. He felt better after hearing his brothers’ compliments.

“Parang may naririnig akong kaluskos.” kinakabahang sabi ni Mindy.

“Just move along. 5 steps W (West).” utos ni David. Hindi na lang ulit pinansin ni Mindy ang ingay na kanyang naririnig. Kinabahan din ang iba sa nalaman pero they just chose to walk and ignore the distractions.

Matapos sundin ang sampung instructions, they found themselves at the end of the maze. They shouted with joy dahil nakalabas din sila dito.

“Now what?” sabi ni Carlos.

Agad tinuro ni David ang malaking pintong nasa harapan nila. Isa itong circular giant vault na parang makikita mo sa mga bangko at iba pang establishments na kailangan ng matinding safekeeping of items.

“Ang laki ng vault, pero ang liit lang ng pihitan.” pansin ni Tom.

Blue BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon