chapter one.

30 3 0
                                        

Alexa's POV

Nagising ako sa tunog ng alarm ko. UGH. Eto nanaman tayo. Eskwela nanaman. Ayokong bumang- "ALEXA! Gising na! Malalate ka na. It's your first day of school! Bawal ma-late!"

Putek sabi ko. "Oo na, ma! Babangon na ako" Sigaw ko. "Five more minutes." Bulong ko sa sarili ko.

30 minutes later

Tok tok tok to- "Oy, ano ba! Natutulog ako dito e."

"Anong oy? Kanina pa kita pinabangon hanggang ngayon nandyan ka parin sa kama mo! Bumangon ka na! Bumangon ka na!" Shet. Galit na si Mama. "Opo, ito na po." Sabi ko ng mabilisan. Pumunta na ako sa CR. Katamad pumasok. Hay.

Pagtapos ko maligo, kinuha ko ang damit ko sa drawer. Leggings, sando, at sweater. Wala naman akong pake kung ano suotin ko. Basta komportable. Binilisan ko nang mag-bihis dahil 15 minutes nalang at malalate na ako! Ha! Bobi ko noh? Kinuha ko na yung cellphone ko at bumaba.

"Good morning Itay!" Sabi ko habang pababa ako at siya'y naman kumakain. "Oh, mabuti namang bumaba ka na. Kain na, Alexa." Sabi ni Tatay habang kumukuha ng kanin.

"Ay, hindi na po. Kakain nalang ako pag nasa school na ako." Sabi ko ng madalian habang sinusuot ko ang aking sneakers. "Sige sige. Bilisang mo nang malalate ka!" Sabi niya. "Opo. Ito na. Bye, tay! Love you." Habang kiniss ko siya sa ulo. "I love you. Ingat." Sabi ni tatay saakin.

Nilabas ko na ang bike ko at dinalian ko nang mag-bike. Malapit lang naman ang eskwela ko samin. 8 minutes away lang. Kaya di ko gets kung bakit ang aga aga ko pinapabangon ni Mama! Jusko.

Beep beep!

"Ay sorry po!" Ang bobi mo, Alexa! Alam mo namang madaming mga kotse sa street na ito e. Palapit na ako. Kapagod naman oh.

Ayun! Nakikita ko na yung logo sa building. Malapit na.

Thank God at nandito na ako. Eto na yun. Maryrose school for Arts and Sciences. This school is one of the elite schools in the Philippines. Hindi naman kami mayaman pero nakascholar ako dahil sa Art work & poetry ko. Pati na rin dahil ako ay isamg track and field player.

Nun nasa entrance na ako, nilock ko na ang bike ko sa bike rack. Tinignan ko ang schedule ko.

7:30 am - 8:30 am SOCIAL STUDIES HALL NAPOLEON room 24 A

8:30 am - 9:30 am CHEMISTRY HALL EINSTEIN room 12 C

9:30 am - 10:30am B R E A K

Nun nakita ko na second period namin ay Chem malapit na akong umiyak. Kaya di ko nang tinuloy ang pagtingin sa aking sched. UGH. AYOKO NG CHEMIST- Kring!! Kring!! Krin- OH MY GOD! Malalate na ako. Yan kasi, pa-five minutes ka pang nalalaman. Tsk.

Tumakbo ako papuntang Room 24 A. Hay. Salamat. Buti nalang nakita ko bigla. Hopefully, the classes didn't start yet. Hopefully. "Please, God. Please please" sabi ko sa sarili ko. Huminga ako ng malalim. Nun pag pasok ko, mga ilang estyudante palang ang nandun. Phew! Naghintay siguro ako ng 5 more minutes nun pumasok ang teacher at kasunod ng mga ilang estyudante. But there was this one guy who caught my attention. Ang gwapo niya. Damn. Tumingin siya bigla! Nakakahiya! Alexa, first day of school palang. Gosh. You blew it already.

I was interupted by my thoughts when the teacher spoke. "Good morning, class! Ako nga pala ay si Sir Rolfan Labadan, or you simply call me"- Sumulat siya sa black board. SIR ROLF. "Sir Rolf" Ngumiti siya. "Now, I know, most of you guys don't know each other. So, I would like you to come here and introduce yourself. State your name. Your passion for life and hobbies. I will pick. Not in alphabetical order."

Shems. Wag kang mag eye contact, Alexa. Wag kang mag eye conta-"Ms! I pick you. Introduce yourself." Sabi niya na may tono sa boses niya. Lumingon ako. "Ha? Ako po?" I said nervously. Tumawa lang siya. "Sino pa ba, Ms....?" He asked curiously. "Alexa Barcena" Sabi ko ng hindi nag e-eye contact. "Okay, Ms. Barcena. I would like you to introduce yourself... Oo, ikaw!" Sabi niya ng inaasar niya ako playfully. Tumawa ang lahat ng nasa classroom. Kahiya. "Please go infront and tell your name, passion and hobbies." He said. "Uhm. O-okay" I stuttered.

Pumunta ako sa may desk niya at tumingon lang ako sa may baba. "Ms. Barcena, you may start." Sabi niya. "Uhm. Hi. I'm Alexa Barcena." Huminto ako. Nakatigtig si gwapito sakin. Jusko. Baka matulala lang ako sa kagwapuhan niya. "Ms. Barcena.." Sir Rolf getting my attention. "My passion is art and literature. I'm more on the artsy s-side po. Ermm. Track and field player rin ako. Hobbies ko ay mag-basa at mag-food trip." Sabi ko confidently with the last part. Tumawa sila with the last part. "Okay, Alexa. Thank you. Please sit down." Sabi ni sir. "Puwede po mag CR?" Tinanong ko. "Oo naman. Sige. Bilisan mo lang" Sagot ni sir Rolf.

Nun lumabas akong classroom parang nakahinga na ako. Grabe. Sobrang kabado ko. Pumunta ako sa isang stall na malinis at binaba yung toilet seat at umupo. Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko, pinapasma na ako. After a few minutes, pumunta akong lababo at lininis ang kamay ko.

Pag balik ko, si Mr. Gwapo boy na yung nagsasalita. Sana pa-simula palang siya. Para malaman ko yung pangalan niya. "Ako rin naman ay mahilig sa football at mag-gitara" Sabi ni Mr. Gwapo boy. confindently. Ay. Tsk. Sayang. Di ko naabutan yung pangalan niya. Anyway, first class palang naman ito. Nun tumingin ako sa classroom, lahat ng babae nakatitig sakaniya. Jusko. In love na ata sila. "Thank you Mr. Caden Rodriguez. Please be seated." Sabi ni sir. Caden? UGH. Ka-inlove ng pangalan. Tinignan muna ako ni Mr. Gwap- Ay! Caden pala bago siya pumunta sa upuan niya. Mahal na siguro ako neto e. Charaught. Assumer masyado? Ew.

Kring!! Kring!! Kring!

"Okay class. Let's continue this on Wednesday. See you and good bye." Sir Rolf said hurriedly. Binilisan ko nang umalis ng classroom para di ako malate. Grabe. Wala manlang 5 minutes break para maka-ayos yung mga estyudante? Tuloy tuloy na. From Hall Napoleon to Hall Einstein. HA! The huge difference though.

Bumaba ako ng two floors. Buti nalang hindi three floors. Siguro kung naging three floors, di ko na kakayanin. Ang ironic noh? Track and field player ako at nahihingal na kaagad ako? Well, you can't blame me. Di na ako nakakapag excercise. Pero since art and athlete scholar ako, makaka-practice na ulit ako. Hopefully.

Finally! Room 12 C.

I went inside and the rest came. Nag introduce ulit at nag mess up nanaman ako. Pagkatapos ng class namin with Ms. Adara, break na namin.

After classes ended, I was so tired. Umuwi ako ng diretso. Natulog ako having Caden Rodriguez capture my mind. Charaught. First day palang! Hahaha.

--------------------------------

TADHANA.Where stories live. Discover now