Chapter 7

3.6K 231 26
                                    


"Ano ba yung pinag uusapan niyo?" tanging tanong ko kay beatrice. "Ah, yun ba? sabi niya kase ingatan kita. Over protective boyfriend kase yon." Pagbibiro niya, para akong nasamid sa sinabi niya.
Over protective boyfriend? e wala namang kami e.

"Ano ka ba ate bea, hindi ko yun boyfriend." sabi ko lang at ngumiti tsaka kinagat na yung natitira pang chocolate sa platito. "You know what? Xyke is not the type of man that will choose a not-so-typical girl. But you came." Sabi niya habang hinahalo yung coffee niya. Tinignan ko lang siya ng what-do-you-mean look.

"Bakit? Hindi ba tipikal sa babae ang pagiging malandi? Hahaha, Kidding." Natatawa kong sabi at tumingin sa glass door. Kanina ko pa nakikita yung tatlong lalaki na naka tambay sa labas. Speaking of typical, they are not typical costumer. Para silang sindikato seriously.

"Ah ate bea, Pwede ba ang tambay dito?" tanong ko sa kanya at bumalik ulit ng tingin sa tatlo. "Ah, Of course not. Kung hindi sila bibili." Nakangiting saad niya at humigop ng kape niya. "Then who's that pokemons." Bulong ko sa sarili ko. Wala naman akong naka away this past few weeks at wala namang sinabi ang pinsan ko na may training na surprise.

Wala pa masyadong tao at halos kaming dalawa pa lang ni ate bea sa shop niya, tina-timing-an siguro nila. Kinapa ko ang bulsa sa ilalim ng legs ko para masure na handa ako.

"Wait me here ate, may kakausapin lang ako." Sabi ko at tuluyan ng nakalabas ng shop. Huminga muna ako ng malalim, kung sakali mang saksakin agad ako ne'to e sana naman bagong knife ang gamit niya. Ayaw kong matetano. Just kidding.

"So, what's up?" Pabulong kong sabi at tumabi sa kanila. Nakita kong nagsenyasan sila sa tingin at ako naman ay tumahimik lang habang hinihintay silang sumagot. "Miss, wag kang gagalaw." Makisig na sabi sa akin ng katabi ko sa kaliwa. Mabilis akong humawak sa dibdib ko kung saan may bulsa at duon nakalagay ang matulis na bagay na gagamitin ko bilang pang proteksyon.

"Wag kang gagalaw sabe!" Pabulong ngunit galit na sabi ng isa pang lalaki na nasa kanan ko naman. "Shit!" Rinig kong mura nito at ako naman na imbis magulat ay sinalo ang kutsilyong dapat ay tatama sa akin.


Hindi pa nakakalayo ang babaeng nagbato sa akin ng kutsilyo kaya ibinato ko sa kanya ng pabalik ang kutsilyo at tumama iyon sa binti niya.
"Paano mo nagawa yon?" Tanong sa akin ng pangatlong lalaki. Tinignan ko lang siya ng may ngisi sa labi.

Flashback...

'Parang sindikato' yan ang nasa isip ko ngayon dahil sa ayos ng tatlong lalaki sa labas ng glass door. Tumingin ako kung saan nakatingin ang lalaking nasa kaliwa at duon ko nakita ang babaeng naka pula, hindi siya tipikal na suot kapag sasabak sa labanan kaya hindi mo mahahalata na isa siyang kriminal.

Hindi na ako makapag hintay, gusto ko ng lumabas. "Wait me here ate, may kakausapin lang ako." Yan na lang ang lumabas sa bibig ko at lumabas na. Nakita ko na dati pa ang babaeng nakapula na iyon. Mayaman siya kaya natatakpan lahat ng hindi kanais nais niyang gawain.

Siya din ang babaeng nagtangkang sumaksak kay mommy.

Bumalik ang tingin ko sa babaeng ngayon ay duguan na ang binti. Tutal mahilig ka sa pula, ayan regalo ko sayo.
Lumapit ako sa kanya at nakita kong may hawak siyang pistol. Mabilis kong nakuha ang baril sa legs ko kaya naman itinutok ko agad sa ulo niya.

"Sige, barilin mo ko tapos babarilin din kita. Para quits tayo, ang pinagkaiba sa ulo mo ang putok ng baril ko. Tapos yang pistol mo puputok sa paa ko?" Sabi ko sa kanya at tumingin sa baril na hawak niya. "Maglumpuhan tayo, gusto mo?" Tanong ko pa sa kanya at ngumisi. Alam kong hindi niya na maitaas ang kamay niya kaya nakatutok sa paa ko ang pistol na hawak niya.

May gamot na pampamanhid ang kutsilyong ibinato niya sa akin kaya naman hindi siya makagalaw. Alam ko yon dahil nakita kong basa ang kutsilyo. "F-fuck you!" Nanghihinang sabi nito. Ngumiti ako at nagsalitang muli. "Well, I owe you." Sabi ko at tsaka sinipa ang kamay niya na may hawak na baril.

"Tss, ba't siya nashoot niya agad 'tong babae na 'to, samantalang kayo hirap na hirap." Natatawang sabi ng pangatlong lalaki. Tumingin ako sa kanya at nagtaas ng kilay. "Dalhin niyo siya at sumunod kayo sa akin." Tanging sambit ko at naglakad na papuntang parking lot.

Kinuha ko ang phone ko at kinausap ang pinsan ko. "Clean the mess, the fucking CCTV who captured the scene."
Yun lang ang sabi ko at pinatay na ang tawag, sinend ko sa pinsan ko ang address at bumalik sa sasakyan kung san pinaghintay ang tatlong lalaki at ang isang babae.

"So, What's with this shit?" Mahinahon kong tanong sa kanila. "I'm asking all of you! What?!" Ulit kong sambit.

"Bakit ba tayo sumunod sa babaeng yan?" Sabi ng lalaking nasa kanan ko kanina, this time maliwanag na ang boses kaya nalaman ko kung sino 'tong gunggong na 'to. Xyke Lionverge.
"Bakit nga ba?" Kunwaring pagtatanong ko, tumingin ako ng diretso sa mga mata niya at yes, siya nga.

"Xyke Lionverge, sasagot ka o papasabugin ko ang ulo mo?" Tanong ko na may pananakot na boses. Agad kong naitutok sa kanya ang baril na hawak ko kanina pa. "Do you think, I'm afraid?" Balik niyan tanong, Tinaasan ko lang siya ng kilay at tumingin na sa iba pang mokong.

"Dominic? Can you please answer me?" Saad ko at tumingin sa pangatlong lalaki, siya iyon. "Hays, ba't ang galing mo lanaya?" Sambit nito sa akin. Kanina pa ako nanggigigil sa kanila. "MAGTATANONG AKO TAPOS MAGTATANONG DIN KAYO?! ARE YOU FUCKING KIDDING ME?!" Sigaw ko sa kanila, agad namang nagsalita si dominic. "That girl is the one who steal the blueprint, and we need that!" Galit na sabi nito.

Ang alam ko, ang blueprint ay isang papel kung saan nakalagay lahat ng plano. Anong plano ang ginagawa nila at para saan?

"And that is our business not yours." Sabi naman ng isang lalaki na kasamahan nila ngunit hindi ko kilala. Tinignan ko siya sa mata pero nag-iwas siya ng tingin sa akin. Nabigo din akong alamin kung sino at kung pamilyar ba sa akin kung sino siya.






**
Credit: Cover at the multimedia by Shai_raaa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 11, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ms.Badass Meets Mr.Loyal [Revising]Where stories live. Discover now