" Nasisiraan kana ba? Alam mo naman na nandyan ang Mama mo.. Tsaka ayoko lang na paghinalaan niya tayo.. " mahina kong sagot habang nakatitig sa mga mata niya.. Ginawaran niya ako ng mga mumunting halik sa labi pababa sa leeg ko.. Bahagya pa akong tumingala para mabigyan siya ng accest sa leeg ko.. Ghad, hindi niya ba alam na isa itong torture sa part ko? Pakiramdam ko tinatakam niya ako.. Napapahigpit na tuloy ang hawak ko sa baywang niya..








" Ghad RC, I think I'm crazy over you.. I can't get enough of you.. Please sabihin mong ganun ka rin sa akin.. " bulong niya sa akin habang hinahalikan parin ako.. Nasa balikat ko na ang mga labi niya.. Ngayon naba mangyayari ang dapat mangyari kahapon sa penthouse? Ano ba ang dapat kong isagot sa tanong niya? Nababaliw din ako sa kanya.. Alam ko na isang pagsugal ang mahalin ang katulad niya.. At alam ko ring sobrang napakadali ng mga pangyayari.. Pero may tamang panahon ba talaga ang isang pagmamahal? May right timing ba talaga kapag gusto mo ng umibig? Kasi sa kaso ko ngayon, parang ito na ang oras para pagbigyan ko naman ang puso ko.. Para pagbigyan ang nararamdaman ko..








" Yes Zein.. Yes.. " sagot ko.. Wala ng eksplinasyon.. Gusto ko siya.. Mahal ko siya.. At muli, sinakop na naman niya ang labi ko na syempre tinugon ko ng buong puso.. Alam ko isa itong pagti'take ng risk.. Hindi ko alam kung ano man ang patutunguhan ng lahat.. Hindi ko alam kung hanggang saan lang ang nararamdaman niya sa akin.. But having him in my life, wala nang paglagyan ang nararamdaman kong kaligayahan..







Akala niyo siguro may nangyari na sa amin nho? Well, unfortunately wala.. As in kung ano man ang nangyari sa penthouse ganun lang din ang nangyari sa loob ng kwarto niya.. Paulit ulit niya lang na inaangkin ang labi ko.. Walang nag'uusap.. Ganun lang.. Pero posible palang makukuntento kana lang sa ganun.. Alam ko parang nagiging mapaghanap ako sa mangyayari, pero kasi napaka mapangbitin naman kasi niya eh.. Naroong dinadala kana niya sa langit pero pagkatapos ay bigla nalang siyang titigil at yayakapin ako ng mahigpit.. Ang dahilan niya kasi, hindi pa raw ito ang tamang panahon.. Oh diba? Pero naaalala ko pa ang bulong niya sa akin bago ako nilamon ng antok..






" Kung alam mo lang kung gaano ako nagpipigil na maangkin ka.. "







Nakakakilig lang.. Kaya hindi na ako nag'insist.. Alam ko darating din naman ang tamang panahon na yan.. Hayst, isa akong nirerespetong pulis.. Pero nang makasama ko siya parang ako pa ang naghahain ng sarili ko sa kanya.. Hindi ko na siya dinestorbo nang magising ako.. Agad na akong lumabas ng kwarto niya at lumipat sa kwarto ko.. Ang hirap ng ginagawa ko.. Para akong magnanakaw na nag'iingat baka mahuli ng may'ari.. Pero hindi ko ikakaila ang kaligayahang nadarama.. Parang naging jackpot ako sa pagtatrabaho ko dito.. Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa isang Zein Aguire..







Dumating ang gabi.. Sabay pa kaming pumanaog ni Zein patungo sa dining area.. Pero sa hallway pa lang ay kinukulit na niya ako.. Naroong lilingon siya saglit at pagnasigurong walang tao ay bigla nalang niya akong hihilahin para gawaran ng mabilis na halik sa labi.. Buti na nga lang at medyo nasasanay na ako sa halik niya.. Nakakaliyo kaya.. Plus ang bango pa niya.. Sinasaway ko na nga lang eh.. Pero nang marating na namin ang dining area ay pumormal na kami.. Naroon na raw kasi ang mga bisita..








" Zein babe.. " pareho kaming natigilan ni Zein ng makita kung sino ang tumawag sa kanya.. Tumayo pa ito at nilapitan siya sabay pulupot ng braso sa leeg niya at sa harap namin ay hinalikan nito ang binata.. It was Thea.. Yung date niya kagabi.. Pagkatapos ng halik ay niyakap pa siya nito.. Agad napadaku ang tingin ni Zein sa akin.. apologizing look is written all over his face.. Napayuko nalang ako at iniwas ang tingin sa kanila.. Dapat alam ko nang mangyayari ito.. Walang may alam sa namamagitan sa amin ni Zein.. Pero hindi ko parin mapigilan ang masaktan.. Ang unfair nga naman ng mundo..






" Finally you're here son.. Halika para makakain na tayo.. And after that I have an announcement to make.. " narinig kong sabi ni Madam.. Lumapit na ako sa pwesto ko at umupo.. Hindi ko na binigyan ng tingin si Zein.. Nakita kong hindi lang pala si Thea ang naroon.. May dalawang babae at lalake naring naroon.. " Oh by the way, this is RC Joaquin.. Zein's personal bodyguard.. " nahimigan ko ang diin ng pagkakasabi ng huling dalawang salita.. Nang mapatingin ako kay Madam ay bahagya pang nakataas ang kilay nito.. Muli na naman akong kinabahan.. Para bang may alam na ito..








" Magandang gabi po.. " bati ko sa kanila sabay ang pilit na pagngiti.. Sana pala hindi nalang ako sumabay sa pagkain.. Napunta ang tingin ko kay Zein na ngayon ay titig na titig na pala sa akin.. Naroon parin ang tingin niya na parang nag'aalala.. Bahagya ko nalang siyang nginitian sabay iwas ng tingin.. As much as possible, ayoko silang tingnan.. Susunod I will remind myself na hindi magiging sobrang masaya.. Dahil masakit ang magiging kapalit..







Tahimik lang ako habang kumakain.. Ni hindi ko sila tinataponan ng tingin.. Lahat ng pinag'uusapan nila ay puro naman negosyo.. Pero isang pag'uusap nila ang kumuha ng atensyon ko..







" Kailan nyu balak magpakasal Zein? " agad agad umangat ang tingin ko diretso sa binata.. Nagtama ang tingin namin.. Hindi ko nababakasan ng pagkagulat ang mukha niya kaya ibig sabihin lang nito ay alam niya ang pinag'uusapan.. Ang matandang babae ang nagtanong..








" We're planning it already, right babe? " si Thea ang nagsalita.. Nakita kong naikuyom ni Zein ang mga kamay.. Hindi na siya nakatingin sa akin pero nanatili parin ang tingin ko sa kanya.. May hinihintay akong sasabihin niya kahit alam kong imposible ko itong marinig mula sa kanya..








" Well I already planned about it balai.. Actually that is my announcement tonight.. Everything is set.. Ngayong CEO na ang anak ko alam kong magiging busy siya sa mga susunod na araw that's why I already do the planning.. " pakiramdam ko bumara ang kinain ko sa lalamunan ko.. So naka'plano na pala ang lahat.. Masaklap akong napangiti.. Ang tanga ko.. Yun lang ang tanging deskripsyon na salitang nababagay sa akin.. Bakit ba hindi ko naisip na baka nga naman may ipinagkasundo na ang Mama niya sa kanya.. Huminga ako ng malalim at nagpakurap kurap.. Pilit kong pinipigilan ang pagpatak ng mga luha ko.. Ayokong umiyak sa harap nila kaya nagmamadali akong kumain.. Hindi ko na alam kung papano ako nakagawa ng rason para makaalis na sa hapagkainan.. Basta ang gusto ko lang ay makalayo sa mga paningin nila.. Ang mas masakit pa doon, hindi man lang niya nagawang magsalita.. Ang tanga ko talaga..








--------------------------------------------------
next chapter agad agad.. sana hindi mawala ang feels ko sa kanila.. ;)

The CEO's Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now