Nakita ko si Dino na nakaupo sa labas ng dorm at mukhang bad mood.

' Dinosaur ! '- pagtawag ko sa kanya.

Tiningnan nya lang ako tapos umiwas na ng tingin.

Ay ang taray ha.

Hindi pinansin ang beauty ko.

' Anong problema mo baby Dino ? '- tanong ko sa kanya tapos naupo ako sa tabi nya.

Bumuntong hininga sya bago sumagot.

' Sina hyung kasi. Panay utos '- sabi nya.

Natawa ako ng mahina. Bata parin talaga sya.

At imposibleng sya yung boyfriend ko kaya Woozi at Joshua na lang ang choices.

' Ganito, tutulungan kitang rumesbak sa mga hyung mo pero sa isang kondisyon .. '- sabi ko habang ginugulo yung buhok nya.

Napatingin sya sakin.

' .. sabihin mo kung sinong boyfriend ko '

Umiwas sya ng tingin at ngumuso.

' Niloloko mo naman ako Noona eh '- sabi nya.

' Seryoso ako ! Bubugbugin natin lahat ng hyung mo '- sabi ko.

Para lang akong nakikipag-usap sa isang bata.

' Bawal kasi sabihin kung sino yung boyfriend mo '- sabi nya.

' Paano kung bilhan kita ng mga merch ni Michael Jackson, hindi mo parin sasabihin ? '- tanong ko.

Napaisip sya.

' Ibang usapan na yan Noona '- sabi nya.

Natawa ako.

' Bawal ba talaga ? '- tanong ko.

' Bawal daw talaga Noona. Sorry '- sabi nya.

Bumuntong hininga ako.

' Clue nalang '- sabi ko.

' Kasama sya sa hyung line '- sabi ni Dino.

Napakamot ako ng ulo.

' Sige Noona, balik na ko sa loob '- sabi nya tapos pumasok na ng dorm.

Naguguluhan na medyo nalilinawan na ako kung may nage-exist man na ganung feeling.

1. A ang blood type
2. Magaling mag-gitara
3. Kasama sa hyung line

Parang lahat ng binibigay nila na clue, kay Joshua ang deretso.

Pati lahat ng nakikita ko sa apartment ko, kontektado kay Joshua. Yung lockscreen wallpaper ko palang sagot na eh.

Pero ayoko pading maniwala.

Kung sya man nga yung boyfriend ko, di ko alam kung paano sya haharapin o kung kaya ko ba syang harapin.

Masyado pa akong maraming tanong.

Tumayo ako at bubuksan na sana yung pinto ng dorm kaso bumukas yun at bumungad sakin si Joshua.

Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko.

Nginitian nya ako tapos lumabas sya. Naiwan akong nakatayo dun at alam kong mapula ang pisngi ko.

Napahawak ako sa dibdib ko. Tibok palang ng puso, alam kong sya na.

Pero parang may pumipigil talaga sakin na alamin yung totoo.

Dumeretso ako sa kusina at nakita ko doon si Woozi.

Tamang-tama.

Lumapit muna ako sa ref kasi nauuhaw ako. Kaso kahit na anong halungkat ang gawin ko, hindi ako makahanap ng strawberry milk.

Then naalala kong colorblind nga pala ako kaya hindi ako nakakakita ng pink. Nice namern.

' Anong hinahanap mo Noona ? '- tanong sakin ni Woozi.

' Uhm .. strawberry milk sana '- sagot ko.

Lumapit sya sa ref at tumingin doon.

' Eto oh. Nasa harapan mo lang kung saan-saan ka pa naghahanap '- sabi nya sabay abot sakin nung gatas na nasa bote.

Ako ba ginagago ng pandak na to ? Kita nang may diperensya ako sa mata.

' Parang boyfriend mo. Nakasalubong mo lang kanina, kung saan-saan ka pa naghahanap '- bulong nya.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Hindi ko kasi narinig.

' Ano ? '- tanong ko.

' Wala. Sabi ko ang gwapo ni Seungcheol '

Tingnan mo to. Isa pa tong bading eh.

Kinulit ko lang sya ng kinulit habang kumakain sya. Subukan nya lang akong hampasin ng gitara.

' Lee Jihoon '

' Ano na naman ba Noona '- sabi nya at hindi man lang tumitingin sakin.

' Bat ang liit mo ? '

Sinamaan nya ako ng tingin.

' Chill. Galit ka agad eh '- sabi ko.

Umirap lang sya.

' Lee Jihoon '

' Ano na naman '- inis na sabi nya.

Kaya lumiliit tong pandak na to eh. Parang pasan lahat ng problema sa mundo.

' Sinong boyfriend ko ? '- tanong ko sa kanya.

Tiningnan nya lang ako.

' Ayokong sabihin '

Nag-crossarms ako at nag-isip ng pang blackmail.

' Sige ka, ipagkakalat ko yung secret relationship nyo ni Seungcheol '- sabi ko.

Umirap na naman sya. Hilig nitong umirap ah.

' Patawa ka Noona '- sabi nya

' Bibilhan kita ng maraming cherifer kapag sinabi mo '- sabi ko

' No '

Ginulo ko yung buhok ko. Malapit ko nang ilagay tong pandak na to sa bulsa ko.

' Ipapakalat ko sa Twitter na mas matangkad ka na kay Mingyu '- sabi ko.

Wala na talaga akong maisip na kapalit eh sorry na.

' Kahit anong gawin mo Noona hindi ko sasabihin kung sino ang boyfriend mo '- sabi nya.

' Kahit ano ? Kahit tawagin pa kitang matangkad ? '- tanong ko.

Padabog na binaba nya yung chopsticks na hawak nya tapos humarap sya sakin.

' Hindi nga kasi talaga pwedeng sabihin sayo na boyfriend mo si Joshua hyung '

Parehas na nanlaki yung mata namin dahil sa sinabi nya.

Isa lang ang masasabi ko.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

--

Tibag na tibag na yung Breakfast Couple haha. Wala talagang poreber.

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now