Inabot ko sa kanya ang mga susi ko.

"Thanks, Liam." Binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

Nasa labas na kami ng corridor ngayon at nakita kong lumalabas na rin yung ibang media galing sa dressing room nina Wade.

"You're welcome. Kung di lang kita mahal, naku!" Sabay akbay niya sakin.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Natuyo ang lalamunan ko. Nung una niya itong sinabi, wala lang sakin, pero habang tumatagal ay nabibigyan ko ito ng meaning.

Bahagya ko siyang tinulak sa pagkakaakbay niya. Nagtaka siya pero di kalaunan ay bumalik sa dati ang ekspresyon niya.

"S-Sige na, Liam. Ihahatid mo pa sasakyan ko, diba? Baka gabihin ka lalo. Sorry sa abala."

Ngumiti siya.

"No problem." Yumuko siya at agad hinanap ng labi niya ang labi ko.

Isang mabilis na halik ang ibinigay niya sakin. Hindi ko nagawang manlaban dahil sa sobrang bilis nito.

"I love you, Reina." Humalakhak siya at tumakbo.

Napahawak ako sa labi ko nang pinagmasdan siyang kumakaway paalis sakin. Nakangisi parin siya sa ekspresyong binigay ko.

"Fvck it, Reina!" Sigaw ni Wade.

Napatalon ako sa bigla nang nakita kong nasa likod siya.

Pagkatingin ko sa kanya ay saka naman lumabas sina Zac, Austin, at Adam. Sumunod na rin ang ibang staff at maging si Shan.

"Uy, Sorry, di ako makakapunta ngayon kasi may taping ako. Sayang talaga." Sabi ni Shan kay Wade.

Hindi nag react si Wade. Binigyan niya lang ako ng mainit at galit na tingin.

"Wade?" Sabi ni Shan at ngumiti siya sakin.

Mukha atang napaghalataan niyang galit si Wade sakin.

Ngumisi ako para makuha ang atensyon ni Shan, "Naku, sayang naman di ka makakasali."

"Okay lang, uh, basta ah, Reina. Yung sinabi ko sayo. Once na idesign mo ako ng gown, sisikat agad ang pangalan mo. Mamaya makakapasok ka pa sa Fashion Week."

Habang nagsasalita si Shan ay dumiretso na si Wade sa paglalakad.

"T-Talaga?" Sabi ko kay Shan. "I-I mean... naku! Nakakahiya naman!"

"Ano ka ba! Sige na, ah? I-design mo ako ng gown para sa awards. May isang buwan pa iyon kaya mas mabuti kung maaga yung pag de-design mo."

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon