1

490 17 2
                                    

"Sayang lang binabayad natin sa eskwelahan na to. Lagi nalang walang teacher!" maktol ng kaklase kong babae sa silya sa harapan ko.

"Oo nga! Tapos ang init init pa, grabe." Sabat ng isa pang babae sa tabi niya.

Bigla namang humarap sa kanila yung babae sa may bandang unahan. "Mga bakla, nasa public school tayo. Libre aral dito, kaya anong minamaktol niyo diyan? Dami niyong alam bhe!" singhal niya sa mga babaeng puro reklamo.

Inihilig ko nalang ulit ang ulo ko sa desk. Napuyat ako kagabi dahil hindi ko namalayan ang oras. Naudlot pa ang medyo maagang pagtulog ko dahil sa sermon ni Jilad.

Nang hindi ako makatulog ay tumayo na ako at inayos ang gamit ko. Alas tres na din. Siguradong bukas na yung pasugalan.

"Oy! Oy! Priam! San ka pupunta? Hindi pa tapos klase!" pigil sa akin ng presidente ng klase.

Tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa balikat ko at sumagot, "Gonna ditch."

Hindi naman nila ako kayang pigilan. Lagi ko na tong ginagawa, halos lahat na nga nasanay e, siya nalang hindi. Napaka pakialamero, kalalaking tao.

"Uyy! Priam. Mamaya ka na umalis. May importanteng ia-announce sa homeroom." Pigil niya ulit ng sinundan niya ako sa labas ng klasrum.

"Wag kang makulit Levi, sasapakin kita." Hindi ako nagbibiro, nananapak talaga ako. Bumitaw naman siya at sinimangutan ako.

"Just this once Priam, please?" Tinanggihan ko lahat ng pang a-alo niya hanggang sa napagod siya at tumigil bago pa siya makasama sa akin sa paglabas ko sa school.

Siyempre hindi ako dumaan sa front gate, sa likod ako dumaan. Bukod sa kakilala ko si Mang Richard, e kunsintidor iyon. Kaya pwedeng pwedeng lumabas ang mga tulad ko.

"Pupunta ka nanaman sa pasugalan, Priam?" tanong nito.

"Opo Mang Richard. Wala namang ginagawa sa klase e. Alis nalang ako." Sabi ko lang sa kanya. Isa lang siya sa dalawang tao na nakakaalam na nagsusugal ako. Siya, at ang tiyuhin kong si Jilad.

Pumasok ako sa pasugalan. Pang mayaman ito. Hindi kagaya ng mga pasugalang dinadayo ng mga drug pusher sa kanto.

Kung paano ako nakakapasok? Well, hindi naman sa mayaman ako, pero pag illegal ang isang lugar at kaya mong maglatag ng pera sa kanila, pwedeng pwede kang pumasok. Napakarami ko kayang ipon galing sa pagsusugal.

Karaniwan lang din ang mga pangyayare sa loob ng pasugalan. Walang nabago simula kaninang madaling araw na umuwi ako galing dito. Medyo maaga pa, kaya hindi ganon kadami ang tao.

Pumunta ako sa isang umpok ng tao at sumiksik para makita kung anong meron doon. Turns out, may naglalaro ng chess?

That is a very unusual scene.

Bihira lang dito na may naglalaro ng chess. Baka ng pusoy dos, meron pero chess? Once in a blue moon.

At ngayon ay isa sa mga bihirang araw na iyon. Tinignan ko kung sino yung mga naglalaro. Pareho silang lalaki, teen ager lang yung isa samantalang yung isa naman ay kaedad siguro ni Jilad, nasa 24 hanggang 28.

Kilala ko yung isa, gangster siya at sikat siya dito, balita ko ay ni-recruit siya ng isang Mafia. At patunay ang suot niyang hikaw doon.

Yung isang lalaki naman ay hindi ko kilala, bago ang mukha niya sa paningin ko. Malamang ay bagong salta siya dito.

Pinanood ko naman ang laro nila. Magaling yung gangster, pero mas magaling yung matanda. Sino kayang mananalo?

Napahawak ako sa baba ko at nag isip. I think this will be a good match.

Teach me how to MafiaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ