•INTRODUCTION•

13.9K 440 51
                                    


Love?

Para sa akin... love is Skyler Lozano.

Kilalang kilala siya ng puso ko dahil nagwawala ang heart ko everytime na malapit siya sa akin. Isa ako sa mga example ng mga babaeng nagkakaroon ng puso sa mata, nangyayari iyon tuwing nakikita ko siya... with matching shower ng hearts pa iyon sa paligid.

Ganoon ang epekto niya sa akin.

Pero kahit anong gawin ko hindi niya ako pinapansin... ang mahalin pa kaya?

Minsan nga iniisip ko sana si Skyler nalang ang sumusuyo sa akin na si Brix.

Si Brix Mariano ay pinsan ni Skyler dahil magkapatid ang kanilang mga Mommy.

Malayong malayo ang ugali nila sa isa't isa. Friendly kasi si Brix unlike ni Skyler na may pagka-loner.

Mahal ako ni Brix. He will do everything para lang mabaling ang pagtingin ko at siya nalang ang aking mahalin.

Alam ko kung gaano ka-seryoso sa akin si Brix, damang dama ako ang sinseridad niya para sa akin. Alam kong kapag pinili ko siya, hinding hindi niya ako sasaktan.

Magagawa ko rin kaya siyang mahalin kagaya ng pagmamahal ko sa lalaking wala namang ginawa kundi balewalain lang ang aking pag-ibig?

Si Skyler o si Brix?
Sino ba ang dapat kong piliin?

Mahal ko o Mahal ako?

Mahal ko o Mahal ako (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon