His Reasons

22 3 0
                                    


-flashback 2 months before the audition-

Vice POV

"Babe, yung hinihingi ni Nanay na Cellphone, kahit hindi na daw iphone 6, Samsung na lang daw, yung S6 ha." Niyakap ako ni Troy at ipinatong yung ulo niya sa balikat ko. Hay nako, ang lambing talaga nitong Jowa ko. Kilig much!

"Si Inay naman eh, ako nga yung cellphone ko hindi android. Pero sige na.. Tutal birthday naman ni Nanay, basta masaya kayo. Lahat gagawin ko." Humarap ako kay Troy at tinignan siya sa mata. Sana naman may kiss man lang ako.

"Yes babe. Thanks, pero sana may gift ka rin sa akin ha.. Alam mo na, bagong damit or kahit bagong underwear na lang basta sa Bench ha.. Ayoko ng sa palengke lang." Hinawakan nito ang ulo ko at ginulo ang buhok ko bago patakbong umalis.

"Diyan ka muna babe, may laro lang kaming basketball. Saka maglaba ka na rin. Mapapasma ako eh." Pahabol pa nito.

Si Troy ang First Boyfriend ko. Tagong bakla kasi ako, ayoko kasi noon tanggapin dahil alam kong magagalit si Mama. Pero bumigay ako kay Troy ng ligawan niya ako. Para sa akin yun ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Yung matanggap ko sa sarili ko kung sino talaga ako. Pero nang malaman ni Mama, pinapili niya ako kung si Troy o sila. Si Troy ang pinili ko kaya pinaalis ako sa bahay. Technically, hindi naman ako pinalayas ni Mama, pero dahil sinabi niya na hindi niya na ako anak dahil pinili ko si Troy, umalis ako. Hindi naman niya ako pinigilan.

Tumira ako kina Troy, pero lingid sa kaalaman ni Mama binibigyan ako nila Ate ng pera. Bunso kasi ako kaya mahal na mahal nila ako. Hindi  singlaki ng perang binibigay ng mga kapatid ko ang  allowance ko dati pero ayos na. Nagtrabaho din ako bilang isang comedian sa comedy bar. Kailangan ko kasing kumita ng pera, nakakaahiya kasi kela Troy kung makikitira lang ako.

Isa pa may lahing sakitin kasi sila Troy, yung tatay niya may asthma kaya di makapagtabaho, yung nanay niya may highblood, yung ate niya anemic bawal silang mapagod. Tapos si Troy saka yung isa niyang kapatid malabo ang mata, kaya hindi sila fit makapagtrabaho. Sabi nga nila kaya daw ako nagustuhan ni Troy dahil malabo ang paningin noon eh. Si Mica naman, yung bunso nila, masyado pang bata, Grade 5 pa lang. So ayun ako yung bumubuhay sa pamilya namin ni Troy. Mahal na mahal ko sila dahil sila ang nagparamdam na blessing ako. Hindi ko kasi yun maramdaman sa bahay, lahat kasi doon ibibigay sa'yo. Yung pakiramdam na wala kang kayang maibigay sa sarili mo.

Natigil ang pagrereminisce ko nang dumating si Veronica, yung hitad na kaibigan ni Troy.

"Vicey, si Troy?" Aba't ngumunguya pa to ng bubble gum. Kala niya kinaganda niya. Maputi ka lang teh!

"Ewan ko. Nasa bulsa ko nagkakape." Balewalang sagot ko. Sa walong taon naming pagsasama ni Troy, alam kong nilalandi nito ang Jowa ko. Hitad nga eh!

"Hala! Kala mo kinaganda mo yan. Baklang ito. Oh labhan mo rin sabi ni Troy." Hinagis niya sa akin ang mga damit niya. Balahura pati bra't panty niya tumama sa mukha ko.

"Hoy! Babaeng mas mukha pang lalake sa'kin, bakit palalabahan mo uli sa akin tong damit mo. Sabi ni Troy, last time na noong nakaraang linggo. Ay Teh, di ka naman abusado noh? Tatlong taon ko nang nilalabhan yung damit mo. Saka yuck, may regla pa tong panty mo! Eeeww, kadiri ka!" Ibinato ko sa hitad na yun yung panty niya.

"K. Fine. Si Troy na lang ang maglalaba nito. Baka mag enjoy pa yun. Sige hihintayin ko na lang siya." Malanding sabi niya. Etong hitad na to. May araw ka rin talaga sa akin.

"Eto naman di na mabiro. Sige na, ako na maglalaba niyan. Gusto mo pati sa mga kaibigan mo dalhin mo pa dito eh."

"Talaga?"

"Ay gaga naniwala!"

"Anong sabi mo?"

"Wala, sabi ko ayaw mo pang maniwala." Umalis na yung hitad na makapal ang mukha. Kainis yun. Pero pinagbigyan ko lang yun ha. Di dahil wala akong tiwala sa Jowa ko, eh kasi naniniwala ako sa kasabihang daig ng malandi ang maganda. Eh maganda lang ako, so hindi ako makakalaban sa kalandian ng hitad na yun. Grand winner yata yun ng kalandian sa baranggay namin.

It Must Have Been Love (Vicerylle)Where stories live. Discover now