Chapter Two: Baklang Maria Clara?

15 4 0
                                    

"Makakaya natin to! Mananalo tayo. " Dahan-dahan si Raph tumingin sa babaeng paparating "Sa ngalan ng pag-ibig."

"Nakalimutan ko lang sabihin sa inyo na you just have this night to deliberate, tomorrow iprepresent na natin yan sa mga boss.. Better na wag niyo akong ipahiya!" At nagwalk-out yung babae. Binalibag pa nito ang pinto pagkalabas. Nailing na lang si Raph.

"Sa ngalan ng pag-ibig." Buo ang loob ni Raph na patunayan sa ex girlfriend niya na kaya niya to.

"Ay baklang Maria Clara!" Nagulat ang lahat ng sumigaw si Ms. A. Agad naman siya dinaluan ni Raph.

"Anong nangyari?" Nagaalala niyang tanong dito. Abala ito sa pagpag ng damit niyang natapunan ng kape ng isa sa mga staff.

"Ma'am sorry po. Hindi ko po sinasadya. Bigla niyo po kasing binalibag yung pinto, nagulat po ako." Takot na katwiran ng babae.

"Pumasok ka na sa loob! Tissue nga dito please. Okay ka lang ba? Shet. Mainit yan." Eto panyo ko." Inabot niya ang panyo kay Ana para mapunasan nito ang dibdib niya.

"No need. Grrr. Lahat kayo dito stupido. Makaalis na nga!" Nagpapadyak itong pabalik sa kanyang office at binubulyawan ang mga nakaksalubong nitong employee. Nagaalalang pumasok si Raphael sa office niya.

"Bakla ang O.A ng reaksyon niya ha! Eh, kapatak lang naman yung natapon sa kanya." Sabi ng babaeng nakabangga kay Ana.

"May baklang Maria Clara pa siya.. Baklang palaka naman siya! Imbyerna!"

"Anong sinabi mo?"

"Ay Sir. Sorry po."

"Ano uli yung sinabi mo?"

"Imbyerna po."

"Hindi yun."

"Baklang palaka po si Mam. Sorry po. Sir. Wag niyo ko sumbong."

"Tsk. Hindi yun. " pumunta siya sa table at may hinahanap. Nakatingin sa kanya ang mga kateam mate niya.

"Asaan na ba yun. Nakita ko lang yun eh!"

"Sir. Ano po ba yun?"

"Yung baklang Maria Clara. Ang talino mo talaga." Natatawang sabi ni Raphael. 'Tama nga sila, lahat ng lumalabas sa bibig niya magandang ideya.' Sabi pa nito sa isip niya.

"Sir, ano po? Baklang Maria Clara?" Naguguluhan na sinabi ng staff niya. Saka isa-isa silang lumapit sa tumatawa nilang boss, na para bang nasisiraan ito dahil tumatawa ito habang may hinahanap.

"Eto na." Tinaas nito ang dalawang bio-data. "Eto ang ticket natin para matalo ang magandang demonyita! Ha ha ha!" Parang baliw na sabi nito.

"Tsk. Tsk. Tsk. Yang katalasan ng dila mo ang magpapanalo sa amin. Sila, sila ang couple natin." Isa-isang pinagpapasahan ng mga staff niya ang mga data.

Aspirant no. 1400

Name: Jose Vincent "Vice" Celozo
Age: 28 yrs. Old
Job: standup comedian
Special Characterics: baklang palaban, manlalait, di papatalo gagawin ang lahat para manalo
Reason/s for joining: para matubos ang bahay ng pamilya ng jowa niya na kumupkop sa kanya nang palayasin siya ng magulang niya dahil nalamang bakla siya.
Motto in life: "kapag may tiyaga, may nilaga at kapag may nilaga, may pagkain ang Jowa at kapag may pagkain si Jowa, hindi niya iiwan si bakla! Charot!

Aspirant no. 0331

Name: Maria Kara Lyrica "Karylle" Evangelista
Age: 26
Job: Nurse
Special characteristics: choir member, missionary, mahinhin at malambing
Reason for joining: para mapalaya ang nanay niyang nakakulong sa ibang bansa
Motto in life: If you try hard enough, you can find an answer to your problem.

"Okay, Sila ang magiging pambato natin. Ang ating baklang Maria Clara. Ang mga palabang may puso." Confident na sabi ni Raph habang yakap yakap ang mga bio-data na pinili niya.

"Eh Sir, paano naman sila magkakainlove-an eh, mandidiri yung bakla at alam ni girl na hindi siya type ni beks. Ang labo eh. Hindi ko gets. Hindi usual eh." Nalilito na sabi ni Rico, na sinangayunan ng iba.

"Oo nga no! Ako wit magkakagusto sa mga mujer. Ayoko di kami talo!" Sabi ni Yanny na isang bakla.

"Yun na nga eh, unusual, imposible. At yan ang magbibigay sa atin ng rating! Tapos siyempre sobrang strong parehas yung contestant natin, so gagawin nila parehas ang lahat para manalo. Siyempre lagi nilang iniisip ang isa't isa dahil parehas silang may challenge. Lagi nilang iisipin ang isa't isa plus the fact na lagi silang magkasama. Kaya I'm sure before they knew it, they have fallen in love with each other. Boom! Meron na tayong happy ending." Lahat ay natuwa sa sinabi ni Raph. Naniniwala ang mga staff niya sa sinabi niya. Lahat sila ay nagkaroon ng pag-asa. Para sa kanila si Vice at Karylle ang magiging lucky charm nila.

It Must Have Been Love (Vicerylle)Where stories live. Discover now