Her Reasons

8 3 0
                                    

It Must Have Been Love
Chapter 5: Her reasons

"Andito na ako!" Masaya kong bati ng makapasok ako sa bahay. Kagagaling ko lang sa trabaho.

"Oh. Anak, kamusta audition mo?" Hirap na tanong ni Papa sa akin.

"Ok lang pa. Kumain ka na ba? Ay hindi pa. Kain na tayo pa." Pumunta ako sa may ref at kumuha ng juice. Inilagay ko na din ang dala kong pancit sa lamesa.

"Pa. Di ba sabi ko kumain ka na. Wag mo na akong hintayin at traffic. Yan tuloy nalipasan kayo ng gutom." Itinulak ko na ang wheelchair ni Papa. Nastroke si Papa, five years ago. Yun ang dahilan ng pag-punta ni Mama sa Italya. Pero sa kasamaang palad minalas din siya doon.

Nakulong si Mama dahil daw sa malpractice, pero hindi kami naniniwala, maingat na nurse si Mama kaya malabong gawin niya yun. Ang sabi ni Mama, naframe-up lang siya. Nakulong si mama pero hanggang ngayon di kami nawawalan ng pag-asa, nagiipon ako ng pera para makuha ng magaling na abogado. Kakayanin namin ito. Darating rin ang araw na magkakasama rin kami ulit.

Tinignan ko si Papa at saka ngumiti.

"Pa next time, kain ka na ha. Wag papalipas ng gutom."

"Okay lang anak. Di naman ako nagutom. Kain ako biscuit. Saka alam ko ayaw mo kain mag-isa." Hinawakan ko ang mukha ni Papa at ngumiti. Natutuwa ako at nakakarecover na siya sa sakit niya. Marami na siyang nagagawa na mag-isa.

Malungkot kong tinignan ang family picture namin. Masaya kami, kumpleto, Ako, si Mama, si Papa, si Alyssa Musika at si Tyrone Ritmo. Parehas mahilig sa music ang mga magulang namin kaya lahat ng pangalan namin may kaugnayan sa musika. Magkakaugnay daw kasi kami. Lagi kaming magkakasama, kaya siguro hindi ako sanay kumain mag-isa. Dahil sobrang nalulungkot ako pag naiisip kong hindi kami kumpleto.

Pagkatapos namin kumain ay inayos ko na ang mga kailangan ni Papa, hanggang sa makatulog na siya. Hating gabi na rin ng umiwi si Musika.

Hinalikan niya ako sa pisngi, at nagkwento tungkol sa pag-o-audition niya. Parehas kami na sinasalihan lahat ng music contest sa kamaynilaan. Eto ngang kapatid ko pati "The Voice" at "Pilipinas Got Talent" nakasali na. Kaso nga lang di siya nakakaabot ng semifinals. Pero proud na proud pa rin ako sa kanya. And we make sure na ipaparamdam namin na proud kami sa kanya, sa mga naitutulong niya sa Pamilya.

"Ate, dapat ikaw na lang nag-audition sa tawag ng tanghalan eh. Kasi mas matatanggap ka doon. Mas magaling ka kaya sa akin." Marahan ko siyang binatukan.

"Anong mas magaling, alam mo naman matanda na ako para diyan. Saka walang mas magaling sa atin. Parehas tayong magaling." 

"Pero ate try mo lang, sa next day-off mo uli." Sinabi ko sa kanya na hindi ako pwede dahil na rin sa trabaho ko. Day shift ako sa ospital, kaya ko pinapatos ang pagsali sa mga baranggay contest tuwing day-off ko, kasi gabi yun at hindi conflict sa schedule ko.

"Ate, malakas talaga ang kutob kong may pag-asa ka doon eh. Sige na, please ate. Para kay Mama." Nagpuppy eye si Musika kaya natawa ako. Pero dahil sinabi niya na para kay mama ay pumayag na rin ako.

Maaga kaming umalis ni Musika para sa audition. Pero nasiraan naman yung bus na sinasakyan namin at nastranded kami ng halos dalawang oras sa traffic. Gusto ko na nga sanang lakarin kaso hindi pwede dahil nasa highway kami.

Tumatakbo kaming pumunta sa gate ng DOS at kinausap yung manong guard na kilala ng kapatid ko. Pero ewan ko ba kung bakit ang malas namin dahil namove daw yung araw ng audition. Tinignan pa ni musika ang cellphone niya dahil wala siyang natanggap na text.

"Ay loko. Nagloko na naman yung c.p ko ate, kagabi pa pala nagtext. Hindi nagnotify." Natawa na lang ako sa reaksyon ng mukha ni Ika.

"Ate K, sayang naman pamasahe natin. Ipon na natin yun eh." Ginulo ko ang buhok niya at ngumiti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It Must Have Been Love (Vicerylle)Where stories live. Discover now