"Hatid na kaya kita?" Yael told her. Nag-shake lang naman ng ulo si Karylle as disapproval. "Baka mabugbog ako ng asawa mo. Anong oras na oh!"

"I have to go home with that CD! Yan nga ang regalo ko diba?" the girl puckered her lips. Nag-aalala narin siya dahil baka magalit si Vice sa kaniya.

"30 minutes pa 'to." Carlo interrupted.

"Okay lang. I'll wait. I want to make him happy," Karylle answered with a smile. "Happy 40th Birthday, Bakla!" she murmured.

















Hindi namalayan ni Vice na nakatulog na pala siya habang nakahiga sa tabi ng anak. He woke up at 12:26 am at napakunot na lamang ang noo nang mapansin na wala parin ang asawa. Lalong tumindi ang inis na nararamdaman niya dahil ni hindi manlang maisipan ni Karylle ang itext siya.

He slowly stood up upang hindi magising ang anak. Nanghihinayang man, he decided to just fix his surprise dahil tunaw naman na ang kandila at malamig na ang pagkaing ihinanda niya. He felt rejected. He felt as if nakalimutan ni Karylle na importante itong araw na 'to for him.

Habang inaayos ang mga ulam sa kusina, he heard a car stopped in front of his house. She peeps through the window at nakita ang isang lalaki who's opening the door's car. Lumabas ang isang babae mula sa sasakyan at hindi niya maitatangging si Karylle ang babaeng iyon. The guy was... Yael. His fist tightened.



















Karylle slowly opened the door; trying to avoid making noises that could wake them up. She was holding the CD na ireregalo niya sa asawa. She's happy. Hindi niya inakala na matatapos niya ang kanta ng dalawang gabi lang. Ipinapanalangin niya na sana ay matuwa si Vice sa ibibigay niya.

Nang mabuksan ang pintuan ay dahan-dahan siyang naglakad. She was about to take one step up to the stairs when she heard someone speak.

"Where have you been?" Vice asked her sternly.

Karylle faced him. Nginitian niya ang asawa sincerely at hinalikan sa labi. Vice's face remained plain at diretso lang na nakatingin sa mata ni Karylle.

"Here. Happy birthday, daddy!" Karylle gleefuly said while handing him the CD. Kinuha naman iyon ni Vice but he didn't mind looking on what he was holding.

"I'm asking you, where have you been?!" this time ay may diin ng tanong ni Vice. Hindi naman makatingin ng maayos sa kaniya si Karylle.

"May tinapos lang ako, daddy." she answered. Isang smirk naman ang ipinakita ni Vice. "Hinintay mo ba 'ko? I'm sorry. Naloabat din kasi 'yong phone ko--

"Kasama mo si Yael?" prangkang tanong ni Vice sa asawa. Karylle doesn't know kung ano bang sinisimulan ni Vice. Is he asking for a war?

"I told you kanina diba? Hindi-

"Wag ka ngang magsinungaling sa 'kin, Ana Karylle!" Vice shouted. Ikinabigla naman iyon ni Karylle dahil hindi niya inaasahang magbubuhos agad ng inis ang asawa. "I saw you!"

"Okay fine, nakita mo na kami. We didn't do something wrong. Kung may ginawa man kami ngayon, hindi 'yon makakasira sa relasyon nating dalawa." Karylle hissed. Dahil ayaw niyang mag-away sila ay tumalikod na lamang si Karylle at tinuloy ang pag-akyat sa hagdan.

"Don't you dare turn your back at me, Ana Karylle! Hindi pa tayo tapos mag-usap!" pagpipigil ni Vice dito as he held her on the elbow at padabog na ihinarap sa kaniya.

"Ayoko ng away, Vice! Please, ayokong makipag-away."

"Hindi tayo mag-aaway kung sasabihin mo sa 'kin kung anong meron sa inyo ng lalaking 'yon," dagdag pa ni Vice.

"If you're thinking na may relasyon kami ni Yael, for crap's sake Vice. Stop that illusion! Wala kaming ginagawang mali," Karylle pleaded.

"Gusto mong isipin ko na wala kayong ginagawang mali? You're texting him secretly. Uuwi ka ng ala-una ng madaling araw nang siya ang kasama mo then you want me to believe you na walang namamagitan sa inyo? This is foolish!" hindi na napigilang sigaw ulit ni Vice as he threw what he was holding.

Napatingin si Karylle sa CD na itinapon ng asawa. Pakiramdam niya ay itinapon nalang basta basta ang kantang pinaghirapan at pinagpuyatan niya.

"Hindi ka nakasagot? Tama ba 'ko?" Karylle's eyes were still on the CD na nasa sahig na. "Tatanggapin ko naman kung sasabihin mo sa 'kin agad. Hindi mo naman kailangang magsinungaling sa 'kin,"

"Alam mong hindi kita kayang lokohin," Karylle grumbled.

"Nagsinungaling ka sa 'kin kanina. Hindi pa ba panloloko 'yon?" giit ni Vice.

Napailing na lamang si Karylle ay hindi na muling sumagot sa asawa. She decided na tumahimik na lang upang maiwasang mapalaki pa ang issue sa pagitan nila. She went down again at kinuha ang CD na itinapon ng asawa. Napa-face palm na lang naman si Vice dahil hindi niya maintindihan kung bakit ganito na ang takbo ng relasyon nilang dalawa.

"Isipin mo na lahat ng gusto mong isipin. Basta wala akong ginagawang mali. Na sa 'yo na kung maniniwala ka sa 'kin oh hindi," huling linyang binitawan ni Karylle bago tuluyang umakyat ng hagdan at iwan ang asawa.












Sorry for the grammatical error! Minamadali niyo 'ko e haha! - @vicegandotcom

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon