Yung totoo, si Wonwoo ba tong kasama ko o si Mingyu ?

' Nasapian ka ba ni Mingyu ? '- tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang sya.

' Wag mong ibahin yung topic Noona '- sabi nya.

Inirapan ko sya.

' Hindi kita crush okay ? Kaya lang kita gustong makasamang lumabas dahil may mga gusto akong itanong sayo '- mahinahong sabi ko.

Napaisip sya.

' Sige sasama ako sayo Noona. In one condition .. '

Hays. Ano na naman bang kaartehan to Jeon Wonwoo.

Tiningnan ko lang sya habang hinihintay yung sunod nyang sasabihin.

' .. libre mo kong burger '

I gaped at him.

' Yun lang ? '- tanong ko.

' Oo. Bakit ? Gusto mong dagdagan natin ? Sige, tsaka pala anoㅡ '

' Abuso to ! Burger lang ! '- sabi ko tapos hinila ko sya sa pinakamalapit na branch ng McDo.

Pinagtitinginan nga kami eh. Hah. Mainggit kayo. Isang Jeon Wonwoo lang naman ang kasama ko.

Syempre joke lang. Naka-facemask sya tsaka naka-hoodie kaya hindi sya makikilala.

Nang maka-order na kami, nakahanap naman kami agad ng pwesto kaya naupo kami dun.

' Deretsuhan na Jeon Wonwoo .. '- sabi ko sa kanya.

' Jeon Wonwoo ? '

' OMG, narinig mo din ? '

' Oo ! Nandito kaya sya ? '

' Hala, nasaan naman ? '

Napalingon ako at may nakita akong dalawang babaeng nag-uusap at base sa narinig ko kanina, mukhang fan sila ni Wonwoo.

Nabalik yung atensyon ko kay Wonwoo. Nakatingin lang sya sakin ng masama.

Malay ko bang fan pala yung mga nasa likod ko !

' Baka etong nasa likod natin si Wonwoo ! '

' Baka nga. Pero sino yung kasama nyang babae ? '

Nalintikan na.

' A-Ano James ! Sino palang nagbabantay sa mga anak natin ? Baka mamaya napano na yung mga yon '- medyo malakas na pagkakasabi ko at ramdam kong napatingin sakin yung dalawang babae sa likod ko.

Wag na kayong magtaka kung bakit James ang naisipan kong pangalan.

Mukhang naguluhan naman si Wonwoo pero nagets nya naman agad.

' Wag ka na masyadong mag-alala Nadine. Sina hyung na ang bahala sa kanila '- sabi ni Wonwoo.

Saan nya napulot yung Nadine ? Haha.

' Pahiya tayo. Hindi pala si Wonwoo yung nasa likod natin '

' Kaya nga. Tara na alis na tayo '

Napangiti nalang ako nang makita ko yung dalawang babae na lumabas na ng McDo.

Talino ko talaga.

' Ang talino mo Noona '- sabi sakin ni Wonwoo.

' Alam ko '- sabi ko sabay hairflip.

' Ang talino mong tawagin ako sa buong pangalan sa isang pampublikong lugar '- sabi nya tapos inirapan ako.

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now