*youre idiot Artemis. Sila Dion, Hera at si Ares ay mamamatay ng dahil sayo. Isama mo na din yang si Demeter.*

*What the hell is you're talking about. You're stupid.*

*Sino satin ang mas stupid kung sarili mong mga kaibigan ay di mo kilala.*

*Si Hermes lang ang kaibigan ko..*

*Hahaha! Oo, si Hermes. Pero nasan si Hermes? Iniwan mo nga pala sya.*

Sinugod ko sya at tsaka tinuhod. Pero imbis na sya ang masaktan, ako ang nasaktan sa ginawa ko.

*nag iisip ka ba. ako ay ikaw. Kaya kahit anong gawin mo sakin, mas doble ang matatanggap mo.*

Nakaka pang gigil na sya. Kinuha ko ang dagger na nasa bewang ko. Di ko alam kung paano nagkaroon ng dagger dito basta isa lang ang alam ko.

*kung mamamatay ako. Isasama na kita.*

Itinutok ko ang dagger sa tapat ng dibdib ko kung saan may tumitibok.

*what the hell are you doing.*

*katulad nga ng sabi mo, ako ay ikaw. Kaya pag namatay ako, mamamatay kadin.*

Ibinaon ko na ang dagger sa dibdib ko. Sobrang sakit magsakripisyo.

*nahihibang kanaaaaaa.*

Everything went black. Nanghihina na ko. Hanggang dito nalang ba talaga ko?

Third person's Pov

Hindi alam ni Ares ang gagawin nya kay Artemis. Bigla nalang nagdugo ang kaliwang parte ng dibdib nito.

Pawis na pawis ang dalaga at parang may kung anong bumabagabag.

"Ate.. Danae... Please.. Send.. A.. Healer.. To.. Artemis.. Room.."

Halos walang boses na tawag ni Ares sa Ate nyang si Principal Danae gamit ang mind link.

Hindi nag papakita ng extreme expression si Ares lalo na sa ate at ama nya.

Pero ngayon ay di nya napigilan ang sarili nya. Masyadong importante ang babaeng nasa harap nya ngayon at nag aagaw buhay.

Agad pumasok si Demeter kasama ang tatlo pang healer. Kasama nadin si Principal Danae.

"What took you so long?"
Seryosong tanong ni Ares kay Demeter na kasalukuyang ginagamot ang sugat ni Artemis na palala ng palala.

"Mahirap maka punta agad dito Ares dahil sa damages ng school. Dahil na rin sa katarantaduhan mo."
Seryosong sagot ni Demeter kay Ares.

"Wag na kayong magsisihan. Kaylangan nating malaman kung ano ang nangyayari sa kanya."
Saway ni Danae sa dalawa.

Habang tumatagal lalong lumalalim ang sugat ni Artemis.

"Hard headed!! WAKE UP PLEASE!!"
Galit na sabi ni Ares pero kita mo sa mga mata nya ang takot at pangamba.

Artemis Pov

Nagising ako sa isang sigaw ng isang babae. Buhay pa pala tong impostor na to. Pero bakit?

*you're so stupid Artemis Hahaha. Pinapatay mo ang sarili mo*

*wala na kong pake. Isa lang ang gusto ko. Mamatay kana.*

*stupid idiot. Selfish ka Artemis Gayl. Pano ang lolo mo? Pano ang bestfriend mong si Hermes.*

Natigilan ako sa sinabi nya.

*pano ang mga taong nakapaligid sayo. Ang mga taong nagmamahal at nag aalala sayo.*

Ares. Demeter. Tulungan nyo ko.

Umihip sya at umulan ng mga makikintab na pixie dust. Ang bango. Pero unti unti na naman akong nawalan ng malay.

"Gayl please dont leave us."

"Hard headed dont leave me."

Ang ingay. Ang daming boses.

"Artemis, ibukas mo ang mata mo. Utang na loob."

Gumising ako na pawis na pawis. At naghahabol ng hininga. Ang sakit ng katawan ko lalo na ang dibdib ko.

Nagflashback sakin ang lahat. What the hell was that.

"Gayl."
Bigla akong dinamba ni Dem. Parang ilang taon kaming hindi nagkita.

"How are you Artemis."

Ngayon ko lang napagtanto nandito pala si Principal Danae, at ang grupo.

"Mabuti na po ako."

Liar.

Hanggang ngayon natatakot padin ako.

"Magpahinga ka muna hija."

Tumango ako. Nahiga uli ako pero di ako iniwan ng grupo.

"Ano bang nangyari?"
Seryosong tanong sakin ni Dem.

"Hindi ko alam Dem, basta nanaginip ako na may isa pang ako at naglaban kami. Pero lahat ng tira ko sa kanya ay bumabalik sa akin so I have no choice kundi saksakin ang sarili ko. But I failed."

Napanganga naman silang lahat. Kahit ako hindi naniniwala na nangyari yun.

"Di ko din alam kung pano naging totoo itong sugat ko"

Napatango naman si Dem.

May naramdaman akong tumutusok sa may bandang paa ko. Kaya dali dali kong tinangga ang kumot.

Laking gulat naming lahat dahil may mga rosas na nakapulupot sa paa ko. As in bushes ng rose. Nagdudugo nadin ang paa ko dahil sa mga tinik na nakatusok dito.

'Shit'

Bulong ni Ares.

"A-ano yan?"
Nasa state of shock padin ako dahil sa mga nangyari sa panaginip ko tas meron na naman bago.

What the heck is happening.

"Dion, hanapin mo si Venus. Hera at Dem tulungan nyong tanggalin ang mga yan sa binti at paa ni Artemis."

Utos ni Ares sa kanilang lahat, agad naman silang tumugon at sinunod ang sinabi ni Ares.

Anong kinalaman ni Venus dito? Gusto ko sanang itanong yan kaso busy sila.

Clash Of The OlympianWhere stories live. Discover now