Clash 5: Story behind

18 1 0
                                    

"Artemis diba gusto mong malaman ang mga detalye o mga kwento sa likod ng magandang paaralan nato?"

Nagulat ako sa sinabi ni Dem. Tumango ako bilang sagot.

Ngumiti sya.

"Sasabihin ko ang iba pero hindi ang lahat. Mas mainam kung ikaw ang maka discover nito."

Ngumiti sya ng tipid at umupo sa tabi ko. Nasa likod kami ng campus.

"Ang campus na ito ay tinayo para mahasa lalo ang mga skills and abilities natin. Pero sa campus na to di mawawala ang gulo. Syempre dahil yun sa mga powers natin. Alam na ng mga faculty members ang gagawin kapag nangyayari ito. Ang pinaka mataas na namamahala sa Campus na ito ay si Headmaster Zeus Greenhill at si Headmaster Cassiopea Lewis. Sunod ay ang anak ni Headmaster Zeus, si Principal Danae. Kapatid ni Ares si Principal Danae and obviously mag ama sila. Pero di nagkakaroon ng special treatment si Ares. Dahil na rin sa utos ni Headmaster. Sunod sa namamahala ay si Mr. Apollo Lokin at si Ms. Hestia Yeshan..."

Di natuloy ang kwento ni Dem. Dahil naka rinig kami ng isang sigawan.

"Dont let me use my ability against you!"

Boses ni Ares yun, di ako pwedeng magkamali. The coldness and the authority.

"Hay nako eto na naman sila."
Niyakap ni Dem ang mga tuhod nya. Sinong sila?

"Then do it. Di mo sya mapo protektahan. You're not strong enough to fight. Ares, please come back to me. Never leave alone again."

Isang boses naman ng babae ang narinig ko. Isang maganda at malumanay na boses.

"Im not the who leave you. Just shut up. I dont want to argue with you. Nakaka pagod makipag away sayo dahil wala namang patutunguhan to."

Tumingin ako kay dem.

"Dem? Sino sya?"

Napa angat naman sya na para bang naalimpungatan.

"Sya ba? Sya si Venus. Maganda sya. Di naman maikaka ila. Patay na patay parin sya hanggang ngayon kay Ares."

Tumawa sya ng mahina na ipinagtaka ko naman.

"Di sila ganyan dati. Halos hindi sila mapag hiwalay. Wala silang relasyon. Pero may relasyon sila sa mata ng ibang tao."

Di na ko ganong nagtanong dahi di na parte ng pag aaral ko ang kasaysayan nilang dalawa.

Nagpasya kong umalis at pumunta nalang sa kwarto namin. Nasa hallway na ako ng may marinig akong electric energy current na dumadaloy sa kung saan. Pumasok ako sa isang kwarto kung saan maririnig ang tunog na yun.
Dun ko nakita si Ares. Topless at parang pinaglalaruan ang electric current na nag form sa isang chain na nasa kamay nya. Is this the ablity of him?

Nagulat nalang ako sa mga sumunod na nangyari. Papunta sa direksyon ko ang mga Chain. Maging si Ares ay nagulat at di napigil ang chain na bumubulusok papunta sakin.

"Aaaah."
Isang malakas na sigaw ang napakawalan ko. Natamaan ako ng chain at the same time mataas na voltage ang nandito kaya halos mamatay ako sa sakit. Malalim ang natamo kong sugat. Halos malapnos ang buo kong braso dahil dito.

"WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE?"

Nako po patay. Nagalit na si Ares. Pero masakit ang braso ko at wala akong balak makipag talo sa kanya.

I heard him curse. Lumapit sya sa akin.

Doon ko lang napansin, he's really amazing.

He has a chesnut brown like eyes. Messy semi long hair na konti nalang nasa may eyelids na sya.

"Im sorry. Tara dadalin kita sa clinic."

Di na ko nagsalita bagkus isang tango nalang ang sinagot ko.

"Tara na."
Pinasan nya ako na parang ang gaan gaan ko lang. Paglabas namin sa parang training room.

Madami ng estudyante marahil tapos na ang klase nila.
Naka tingin na naman sila sakin. Pano ba naman di nila ko pagtitinginan? Naka pasan ako sa anak ng Headmaster na kasalukuyang walang pang itaas. Pete's sake.

"I told you. Never mind them just act normal."

May mga sinabi pa sya. Pero di ko na gaanong naintidihan dahil parang bumibigat ang talukap ng mata ko. Next thing I knew. I was fell asleep at the back of Ares.



Ouch. Migraine. Sobrang sakit ng ulo ko. Para kong nabaldog or nauntog ng malakas. What the heck is this feeling.

Madaming boses akong naririnig. Who are they?

I try my best to open up my eyes. And I do it.

"Gising na sya Mr. Greenhill." Sabi ng naka puting babae.

Nasan ba ko? Heaven? Pero sobrang sakit ng katawan ko at the same time pati ang ulo ko.

"How do you feel?"

"Im fine."
Liar.

"Sa susunod matuto kang kumatok bago ka pumasok sa kwarto sa Campus. Dahil dyan sa katangahan mo napahamak ka tuloy."

Sa sobrang inis ko bigla akong napatayo sa pagkakahiga. At tama sya napaka tanga ko. Lalong sumakit ang ulo ko.

"Ouch." Agad syang tumayo para lapitan ako.

Next thing I knew. We. Were. So. Very. Very. Close.
I can feel his breath. Isa lang ang masasabi ko sa mga oras na to he is really handsome.

"Kasasabi ko lang. Mag ingat ka sa susunod. Napaka clumsy mo. Magpahinga ka. Magsisimula ka ng pumasok pag galing mo."

Please, do what you can do. Just please stop my heart to beat faster and faster.

"Hard headed."
Dinig ko pang sabi nya bago sya lumabas.

Pumasok si Dem. Na nagtataka dahil nakita nya si Ares na nandito.

"Akala ko ba pupunta ka sa kwarto? Nasa clinic wing ka Artemis. At Ohmy.."

Then she saw my arm na naka bandage.

"Artemis naman. Next time please be careful. Baka sa susunod di na yan ang abutin mo."

Tumango ako bilang tugon.

I will be very very careful next time.

Nilapitan nya ko at tinanggal ang bandage ko.

"What are you doing Dem?"

Di sya sumagot. Bagkus sya ay ngumiti at tinapat ang mga palad nya sakin at may lumabas na ilaw mula dito na tumama sa mga braso ko.

In just a snap, gumaling na ang braso ko. But there still a scar. Mas okay na to kesa ilang beses akong magdusa sa sakit.

"Im a healer"
Saka sya ngumiti at ibinalik ang gloves na nasa kamay nya.

"Pero nag ttraining pa ko. Di pa ko ganap na healer."
Ramdam ko ang sincerity nya.

"Thankyou."

Yun nalang ang nasabi ko. This campus is full of Surprises.

Clash Of The OlympianWo Geschichten leben. Entdecke jetzt