Clash 2: The Crime

28 2 0
                                    

Mag hahating gabi na pero dilat padin ang mga mata ko. Nakaka ramdam ako ng takot, pangamba, kaba, at panganib.

Hindi ko alam kung ano ba tong nararamdaman ko. Pero isa lang ang sinisigurado ko..

May mangyayaring masama.

Ilang beses na kong nakadama ng ganito. At hindi nagkakamali ang instincts ko.

*tok* *tok* *tok*

Halos mapaba likwas ako sa higaan ko ng marinig ang katok sa pinto. Sino kayang tao ang magtatangkang gumambala sa pag papahinga namin ni Lolo ng ganitong oras?

Baka mag papagamot lang kay Lolo. Isa ang lolo ko sa mga Healer dito sa bayan ng Hexonus.

Tumayo ako at sinilip kung nagising ang lolo ko. Buti naman at mahimbing syang natutulog. Matanda na sya, at kaylangan nya ng sapat na pahinga.

Tinungo ko ang pinto at binuksan ang pinto ng walang pag aalinlangan kung sino ang kumakatok.

"Hermes? Bakit.."

Di ko na natapos ang sinasabi ko dahil agad nya kong tinulak papasok.

"I-i-sarado mo yung p-pinto."
Ano bang nangyayari? Agad kong sinunod ang sinasabi nya.

Ngayon ko lang napag tanto ang kalagayan ni Hermes!

Gulo ang buhok. Pawis na pawis. May mga bruises sya sa braso. Sira din ang ibang parte ng damit nya.

Di na sya maka pag salita ng maayos. Kaya pinilit kong magconcentrate. Hinawakan ko ang magkabilang gilid ng kanyang noo.

"Artemis, di ko sinasadya. May sakit ang mama ko at kaylangan kaylangan ko ng pera. Nagpatulong ako magpahanap ng trabaho kay Icarus. Pero di nya sinabi na nanakawin namin ang Magic Tiara ng prinsesa. Huli na ng nalaman ko ito. At sigurado ako sa mga oras nato. Hinahanap na ako ng mga gwardya ng Campus."

Napatakip ako ng bibig sa nalaman ko. Naramdaman ko ang pag agos ng mainit na likido na galing sa mata ko pababa sa mga pisngi ko.

Di ko napigilan ang sarili ko. Niyakap ko sya. Dahil baka ito na ang huling pagkakataon na mayakap ko si Hermes.

Ilang minuto din kaming magkayakap ng may biglang kumatok.

Nandyan na sila.

Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang kamay ko bago ko pumunta sa pinto.

Nakaka tatlong hakbang palang ako. Muli akong humarap kay Hermes.

"Tumakas ka na Hermes habang may oras pa. Dalian mo. Wag kang magpapahuli. Iwan mo dito ang magic Tiara. Pag alis ng mga gwardya sa bahay namin, wag mo sanang pababayaan ang Lolo ko. Sige na umalis kana."

Sinunod naman nya ang sinasabi ko. Umalis sya at dumaan sa likod. Nakita ko ang lungkot, takot at pangamba sa mga mata nya.

Para sayo ang gagawin ko Hermes.

Nang masiguro kong umalis na si Hermes agad kong binuksan ang pinto. At bumungad sakin ang mga matitikas at mga kinatatakutang gwardya ng Campus. Pero may kasama silang isang estudyante. Ramdam mo ang coldness sa kanya.

"Anong kaylangan nyo?"
Tinignan nila ko ng may blankong expression.

"May hinahanap kami, si Hermes Evans."

Di pa man din ako nakaka sagot ay agad na silang pumasok ng walang pahintulot.

Nakita ko ang Lolo ko na tumayo at yumakap ako dito

"Everything will be fine." I mouthed to him.

Sana nga maging okay lang ang lahat.

"Ginoong Ares, wala po dito ang taong nagnakaw ng Tiara."

Eto na ang tamang oras.

"Ito ba ang hinahanap nyo?"
Tinaas ko ang Tiara.

"Apo.. Bakit.."
Ngumiti ako sa kanya. Isang mapait na ngiti.

"Bakit na sayo yan?"
Ang boses nya. Full of coldness and authority.

"Dahil ako ang nagpakuha nito."
Buong lakas kong sinabi sa estudyante na nakatayo sa harap ko. Nakaka takot ang tindig nya.

Napa smirk sya. Nako po! That's not a good sign.

"Tara na bumalik na tayo sa campus. Isama nyo yang babaeng yan."

Sumulyap ako kay Lolo. At ngumiti. Para atleast di sya ganong mag alala.

This is worst than living in Hexonus. Sigurado akong kamatayan ang hahantungan ko.

Sana ikulong lang nila ko at wag pahirapan. Haha that's ridiculous. Imposibleng di nila ko pahirapan lalo pang sinabi ko na ako ang may utak ng lahat.
Nice move Artemis, you lead yourself into death.

Clash Of The Olympianحيث تعيش القصص. اكتشف الآن