Love and pain

82 4 0
                                    

                                 
--------------------------------------- Moment Memories no.1---------------------------------------

Ryan Magpayong:                                                                                                                                                                                                                                                    
Paglabas ko sa room, ay bumungad sa akin ang mga tao. Nahihiya ako sa kanila dahil hindi ako sanay na makisalamuha talaga.       

May mga mayayaman, edukadong tao, magtropang nagdudulot ng friendzone, at iba pang taong normal at natural na sa kanilang ginagawa.
             
Feeling ko kase'y hindi ako para dito na baka ma-mata pobre lang ako o mabastos nang wala sa oras.

Pero ok lang yun, kase masasanay din ako. Sana'y maging marunong, at masanay na akong makipag kaibigan.

Sa isip ko'y hindi ko alam kung lalapit pa ba ako kay Angela sa kanyang mga kaibigan para magpakilala. Pero sa palagay ko'y nag-iiba na rin ang itsura niya habang tumatagal na natutulad na sa mga itsura nila.

Masama ang kutob ko sa kanila.

Ngunit yung tinawag akong muli ni schoolmate Angela'y natauhan ako sa aking iniisip nang masama, kaya lumapit na lang ako.

Nasanay kase akong tropang kasama na walang basagan ng trip, na yung tipong happy happy lang, pero taliwas ito sa nakikita ko.

Naging maayos naman yung pagtanggap nila sa akin, at sa pagpapakilala nila, ngunit hindi ako sanay talaga sa mga ganitong uri ng tao dahil iba ako.

Kase kunting negatibong nakikita lang sa akin, ay napupuna na nila ang pagkukulang; baka hindi ako matanggap nila at ang sakit ko—Oo, sakit, dahil iba ang galaw ko sa mga normal na tao.

Tinutukso akong budoy na may sindrome kahit wala naman ako nun; pero normal naman akong magsalita tulad din ng normal na tao. Pero sabi ng ila'y sobrang hiya lang ito, at may takot lang.

Kaya salamat po sa compliment, kase mabuting balita na rin para sa akin ito.

Kaya normal pa naman akong makisalamuha.

Dahil nag awasan na ang mga estudyante, ng mga 3 pm, ay dumami pa nang dumami ang mga kasama ni Angela.

Feeling ko'y kumukupas na ang kulay ko na nalalantad sa kanila;

Natutunghayan ko ang iba't iba nilang kaanyuan mula sa pagbihis, at mga ingay nilang hindi normal ngunit normal sa maraming tao—mahilig silang mag-ingay at magparty!

Sanay naman ako sa extreme na party ngunit hindi sa ganitong wala sa lugar.

First time kong nakita ang FUCK WORLD, dahil natutukso akong hubarin ang aking mabait na pagkatao na maging buduy na'y maging demonyo pang gumalaw; walang kasin sarap na maging katulad nila haha!

...Kaya wala na lang akong naging tugon sa kanila...

Pinuri nila ang isa't isa nung dumating ang ibang nobyo ng kasama ni Angela.

Naiinggit ako :(

Kase sa kabila ng gyerang pinagdaanan ko, tila'y walang giyera silang pinagdaanan;

Nakikita ko rin sa kanila'y isa silang magagandang bulaklak o hulog ng langit, dahil hindi nalalanta o kumukupas ang kanilang kaanyuan.

Ang kinagulat ko sa kanila, nung nagyaya pa ng kanilang magulang para makipag party sa bahay ng kanyang kaklase samatalang first day of class pa lang naman.

♥ A.R Love Story ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon