Naaalala ko na naman siya.
Lagi na lang.
Tuwing nag iisa ako at tulala, bakit ba bumabalik ako sa nakaraan?
Mag iisang taon na simula nung nagbreak kami nung ex ko.
Buti pa siya, nakahanap na ng iba.
Ako? Wala.
Ayokong maghanap.
Naniniwala kasi ako na kapag dumating na yung tamang panahon, makikilala ko si The One. Na kusa siyang dadating at pagtatagpuin kami ni Destiny.
Corny diba? Pero naniniwala ako kay Destiny. Kay Fate. Pati na nga rin kay Serendipity.
Haaaaaaaay
"Kailan kaya siya darating? Gwapo kaya siya? Mabait? Sweet? Understanding? Caring? Mahal ako?"
Napasinghap ako at muli kong tiningnan ang langit. Ang daming bituin. Nakaka at peace tingnan.
"Lord, kung makikita ko na siya. Pwede humingi ng sign?"
Nawala ako sa pagmumuni ko ng may kumatok sa pinto ko.
"Pam? Matulog ka na anak. Gabi na masyado."
"Yes ma. Good night po."
Muli kong tiningnan ang langit at napabuntong hininga bago ako pumasok sa kwarto at sinarado ang pinto sa terrace.
"Kung sino man ang lalapit sa akin na naka gray na t-shirt, lalapit at kakausap sa akin kahit madaming taong nakapaligid. Siya na yung The One ko."
YOU ARE READING
I Saw The Sign
Teen FictionNaranasan mo na bang humingi ng sign? Yung tipong 'Pag umulan mamaya, hindi siya yung the one ko' 'Pag nilike to ni crush, ibig sabihin napapansin rin niya ako' 'Lord, kung siya talaga yung para sakin, bigyan mo ako ng sign.' Totoo kaya yung mga si...
