Rosella's POV
Kinakabahan ako ngayon, buti na lang kasama ko yung mga kaibigan ko kahit papano di ako ma-awkward.
Well, pasukan na kasi ngayon ta's nasa tapat kami ng room namin. Ang Big's University ang pinasukan namin, mas malaki ito sa dati nami'ng pinasukan no'ng kami'y elementary. Kaya 1st year/gr.7 na'ko.
"Hey Everyone! Pinapapunta tayong lahat sa gym!" May sumigaw na kung sino.
Hinila agad ako ni Mela sa hulihan at si Mary.
"By friends, By acquintance, By crush yan" Sabi ni Mela. Nako na-andar na naman ang pagiging Clingy at megaphone nya sa lalamunan.
"Walang height-height yan" sabi naman ni Mary. Si Mary kasi, may pagka-liit. Kami ni Mela 1 inch lang ang agwat.
"Oo nga naman, nakaka-insulto eh!" Napatingin ako sa kung-sino sumigaw no'n. Nang makita ko, masasabi kong pogi sya kaso maliit.
Nag pipigil tawa na lang ako.
Pumunta na kaming gym. Andami naman! Feeling ko mapupuno na kami sa gym, isang section na lang.
May nakita kaming teacher, nakahawak ng '7-Cinderella'. Pumunta kami sa unahan nya at humanay. Ayun kasi yung section namin. At dahil sa mukhang terror ang teacher, hindi na kami nag hintay ng utos at ginawang kusa na namin.
Nag start na. Nag exercise, kumanta ng Lupang Hinirang, nag martsa ng '??' Di ko tanda eh.
