Chapter 54: The 548th Heartbeat

Start from the beginning
                                    

"Bakit ka tumawag kung hindi ka rin naman pala sasagot?" inis kong sabi. Baka naman napindot lang tapos hindi alam ng caller na may kausap na pala siya? naisip ko.

Ibababa ko na sana ng nakarinig ako ng kanta, tipong parang nilapit talaga yung source ng tunog sa cell phone. Nang nakinig ako nang maigi, nalaman kong iyon yung bridge ng "A Twist in My Story" ng Secondhand Serenade.

Pero, sino naman ang magpaparinig sa 'kin n'on?

"H-hello?" pangungulit ko. "Sino po ba sila?"

Pero wala pa ring sumagot. Ewan ko . . . biglang lumakas yung tibok ng puso ko, parang bigla akong kinabahan. Gusto kong sabihin⁠-itanong kung siya yung nasa kabilang linya.

Huminga ako nang malalim bago ko banggitin ang pangalan niya: "Kyle?"

Pero bago pa man din makasagot yung kung sino mang nasa kabilang linya, biglang nawala yung linya. Kaya nang biglang nagring ulit ang telepono, dali-dali kong sinagot. "Hello?" tanong ko, medyo malakas yung boses, parang may paninindigan.

"Xei?" tanong ni Marj. "Bakit gano'n yung pag-hello mo?"

"I-ikaw pala, Marj."

"Bakit, may in-e-expect ka bang iba? Tsaka bakit busy? May kausap ka sa telepono kanina?"

"Wala," sagot ko. "May nanloko lang. Nangtrip. Bakit ka napatawag?"

"Ready ka na?"

"H-ha?!" Napatayo agad ako. "Ano ba, Marj! Para naman kasing sampung kilometro yung layo ko sa school."

"Fine. Papunta na kami ni Chris diyan."

Naligo na 'ko at nagbihis kaagad. Inisip ko pa kung magme-makeup ako, pero pagtingin ko sa salamin, nakuntento naman ako sa itsura ko. Mas okay na akong simple. Okey na akong ako. Siguro espesyal na hikaw na lang.

Kinuha ko yung jewelry box ng mga hikaw na ibinigay na sa 'kin ni Mama. Nandito yung mga magagara, tipong yung mga tunay na gold kaya bihira kong gamitin. Bigla kong nakita yung singsing na bigay niya sa 'kin no'ng seventeenth birthday ko. Tinanggal ko na siya sa kamay ko nang two years na siyang walang paramdam. Matagal na rin no'ng huli ko 'tong sinuot, at nagulat ako na hindi ko pa pala 'to nawawala o natatapon.

"O ano, anong tinitingin-tingin mo diyan?" sabi ko do'n sa singsing. "Akala mo isusuot kita?"

At ewan ko ba kung anong sumapi sa 'kin. Kinuha ko yung singsing at sinuot ko.

"I hate you," bulong ko sa singsing. "Huling beses na isusuot kita. Iaalay na kita sa balete tree, baka sakaling may makakita sa 'yo at pagpalain din ang love life tulad ko."

Napatulala ako, napangiti nang naalala yung mga moment namin no'ng high school at napabuntonghininga naman no'ng naalala ko yung mga huling araw namin bilang kami. Siguro nakailang girlfriend na 'yon sa Canada. Samanatalang ako, patuloy na hinahanap ang pag-ibig dito sa Pilipinas pagkatapos niyang mawala.

***

Sabay-sabay kaming tatlo na pumunta sa grand ball. Ang dami kong nakita na ibang batch at mga ka-batch ko. Wow, ang tanda na talaga ng pioneer batch, yung iba may mga anak na.

Pero sa dami ng tao na nakita ko, alam ko namang wala do'n yung taong matagal na umalis sa buhay ko pero parang kahit kailan ay hindi na umalis sa puso ko, parang doon na nanirahan.

Tiningnan ko ang langit. Bilog na bilog ang buwan. Sana nga nanatili na lang yung mga mata ko sa buwan dahil pagsulyap ko sa quadrangle, puro magka-holding hands ang nasa paligid, parehong masaya at nagtititigan, o kaya isang buong pamilyang naguusap-usap.

548 HeartbeatsWhere stories live. Discover now