Thought it was You (ONE SHOT)

86 6 4
                                    

This is a true story of mine. Every detail is true except the Characters names.

--


Nasa church ako ngayon at kasama ko ang Pinsan kong si Adonis at Albert. Hindi ako nakikinig dahil sa nakakaantok. Ngunit itong dalawang to' ay kulang nalang eh umiyak na.


Pagkatapos ng misa ay lumabas na kami. Ang church na pinapasukan namin ay isang Young people's church kaya halos ay kaidad lang namin lahat ng nandito.


"Arthur, Dota tayo?" saka ni Adonis tinuro ang isang internet cafe sa tabi ng church. Tumango nalang ako bilang sagot at pumasok na kami.


Pagkapasok na pagkapasok namin ay puro mura agad ang narinig ko. Nakita ko pa sa bandang dulo si Walter kasama ang mga barkada niya. Umiling-iling nalang ako at sumunod kay Adonis. Hindi sumama si Albert saamin dahil sa Banal yon'


"Tol, dito!" tawag saakin ni Adonis na nasa tapat ng Men's Cr. nakunot naman ang noo ko dahil don. Ngunit sumunod parin ako. Laking gulat ko ng buksan ni Adonis ang pinto at lumitaw ang isa pang grupo ng mga computer sa loob at mas batang mga naglalaro dun. Ganito pala ang ginagawa nila? Kaya pala di nahuhuli. Pumasok ako at uupo na sana sa bakanteng unit kaso kinalabit ako ni Adonis at tinuro ang Employee's room. Tinaasan ko siya ng kilay.


"Anong kagaguhan to tol? Maglalaro ba tayo o hindi?" saka ako padabog na tumayo. Ngumisi lang ito at nagkibit balikat. Binuksan niya ang pinto ng employee's room na agad kong pinigilan. "Hoy timang kaba? Employee's only nga lang diba?!" saka ko siya mahinang binatukan.


"Mag tiwala ka lang kasi tol!" saka niya tuluyang binuksan ang pinto. at tumambad saakin ang dim na ilaw at mga taong wild. Sobra! Makapagmura eh sa isang sintensya lahat mura. Umupo ako sa PC 04 at tumabi naman saakin si Adonis.


"Ang ingay tol! Ba't di naririnig sa labas!?" pasigaw na tanong ko dahil sa parang Quiapo, Hindi! times ten sa ingay ng Quiapo dito.


Put@ng ina! Bobo! G^go! Basag na ang top!


Hoy! Payatot na bungal! Ss na! G^go!


Put@! Walang Mana! Inutil! Tanga!


Puro yan ang naririnig ko dito. Palagay ko buhay pa nga ako pero ang kaluluwa ko parang kinakain na sa impyerno.


"Sound proof tong room tol?! Astig noh?!" saka siya tumawa ng malakas ngunit di rin naman marinig masyado dahil sa ingay. Kung minsan pa bigla bigla nalang tatahimik at bilglang Sisigaw. Nakakagulat nga eh. Oo nag dodota ako pero tahimik lang ako. Baka makahanap pa ako ng away dito eh First year high school palang ako.


Namatay ang hero ko, kaya napamura ako. Agad alt+tab ginawa ko at nag facebook.


Arthur Jay: Surry bhabe. Dota pa meh.


Message ko kay Lyka. At oo may girlfriend na ako. Astig ko no? Naging kami last week lang. Hehe. First girlfriend ko to.

Thought it was You (ONE SHOT)Where stories live. Discover now