55.

1.8K 124 29
                                    

___

Isang linggo nang nakakalipas,Nakakulong na ngayon si victoria sa mental hospital......oo baliw kasi, at si zeke ang nagpatawag nun at si zeke ay may saksak siya sa may braso niya gawa rin ni victoria at si brianna naman ay.... basta sasabihin ko nalang sa inyo 

ganito kasi yung nangyari 

*flashback*

mabilis na tumakbo naman yung dalawa at pagdating nila doon, isang hakbangan nalang ni brianna ay mahuhulog na siya at si victoria naman ay ngiting ngiti naman siya at sinasabi niya na "kapag nawala kana sa mundong ito magiging akin na si zeke kaya dapat mawala kana dito sa mundong ito diba?" 

"Travis ikaw na bahala dito ah? aakyat lang ako"- sabi ni zeke nanlaki naman yung mata ni travis "hoy pare delikado"

"Hindi yan dali na ikaw na bahala"- magsasalita pa sana ulit si travis nang tumakbo na si zeke papasok ng hospital at mabilis siyang umakyat papuntang rooftop. At malakas niyang binuksan ang pinto at nagulat naman si victoria, ay buti nga. Makikita mo sa mga mata ni victoria ang gulat......at takot.

"Victoria hindi ko talaga aakalain na magagawa mo ito"- sabi ni zeke at medyo lumapit naman siya kay victoria. "Bakit ko nga ba ito ginagawa?........bakit nga ba zeke? ititigil ko ito pero mahalin mo na ako......" sabi ni victoria at yayakapin na sana ni victoria si zeke nang umiwas naman ito, "tumigil kana please, tigilan mo na kami pati rin sana sa amin ni brianna wag mo nang sirain, si travis at arystine nga...nasira mo na nga ang relasyon nila...."

nanlaki naman yung mata ni arystine at syempre si victoria rin

"paano mo nalaman?"- tanong ni victoria "kakakwento lang sa akin ni travis kanina bago nalang ako ichat ni arystine na andito kayo, kaya tigilan mo na kabaliwan mo victoria at mag move on ka nalang sa akin" tumingin naman ng sobrang sama si victoria kay zeke at ngumiti ng napakatamis "kabaliwan? move on? wow naman zeke kayang kaya mo nang sabihin sa akin yan simula nung nakilala mo yang brianna na yan nag iba ka na hindi ka na masyadong nag eenglish pagkatapos kitang mahalin ng totoo"

ngumisi naman ito bigla si zeke bago magsalita 

"Galing mo rin ano? Mahalin ng totoo? hahahaha, Kaya mo lang naman ako nagustuhan dahil hindi naman kami mahirap, half american ako, at nag sasalita ako ng english, kasi kapag ipapakilala mo na ako sa iba hindi mo sasabihin na may dugong pinoy rin ako ganun ba yun victoria? kahit wala naman talaga ako nararamdaman sayo sige lang kayo ng sige pumayag lang naman ako dahil niligtas niyo ang mama ko sa aksidente, tapos ikinahihiya niyo pa ang pagkapilipino ko ayan nga ba ang totoong salita ng pagmamahal?"- hindi na nagsalita pa si victoria at may tumulo nang luha sa mga mata niya , pero mas ikinagulat nila nang hilain ni victoria si brianna papalapit sa kanya at itinapat muli sa kanya yung kutsilyo "papatayin na kita brianna, magpaalam kana" nakita naman ni zeke na umiiyak narin si brianna "bitawan mo siya, oo na babalik na ako sayo" malungkot na tonong pagsasalita ni zeke nang binitawan naman niya agad si brianna at agad naman siya niyakap ni victoria "salamat......salamat dahil bumalik kana sa akin zeke mahal na mahal kita" tumingin muna si zeke kay brianna.


"brianna..........



TUMAKBO KA NA UMALIS KA NA AKO NA BAHALA SA BALIW NA ITO"- agad naman nanlaki ang mata ni victoria at bumitaw sa yakap, "Anong  sinabi mo? baliw? niloko mo lang ako?" mabilis na tumango si zeke "oo baliw ka kasi kung hindi, hindi mo ito magagawa" 


"ANG KAPAL NG MUKHA MO PAGKATAPOS MO AKONG LOKOHIN HA? PAPATAYIN KITA ZEKE"- sasaksakin na sana siya ni victoria sa may tiyan nang umilag naman si zeke kaya hindi siya natamaan doon ngunit natamaan siya sa may braso sakto naman na dumating na yung maraming pulis at mga nurse , oo dahil bago dumating dito sila zeke ay sinabi na nila na ikulong na si victoria sa mental hospital, kahit masakit para kay travis ay ginawa niya parin ito para sa ikatatahimik ng lahat.


*end of flashback*


Pagkatapos nun ay hindi na muli nagpakita si brianna ayun ang huli nilang pagkikita sa rooftop na yun kahit sa eskwelahan hindi na siya nagpakita nagulat nalang sila nang ibalita sa kanila ng kanilang guro na lumipat na pala ng school si brianna, Si zeke naman ay ipapakasal ulit sa babaeng hindi niya kilala kakaannounce lang kaninang umaga kasi pagkatapos nung nangyari sinabi nalang ng papa ni zeke na malapit nang bumagsak ang company nila ang tanging solusyon lang raw ay ipakasal siya doon para lang maligtas ang kanilang kumpanya, napa buntong hininga na lamang si zeke at umupo muna siya  sa isang tabi at naki wifi muna nagloko kasi yung internet connection niya hindi pa kasi siya nag oonline sa facebook kaya mag oonline muna siya pagkabukas niya may mga messages din pala siya sa messenger at pinindot niya muna yung message ni ryan sa kanya 1 day ago. 

Ryan: zeke pakinnggan mo itong nirecord namin pasensya ka na at nadamay ka pa sa kalokohan na plano namin ni travis

Ryan: ►━━━━━━━━━━━━━━━ 1:00

Ang totoo kong mahal.......si zeke pumayag lang ako na magpanggap lang kami ni zeke siko tinulungan lang niya ako mag move on kay zeke diba nga si victoria na ang papakasalan niya? ang tanga ko naman kasi nahulog pa sa kanya....Oo na mahal na mahal ko na si zeke kahit englishero pa siya kahit nakakabwiset na siya palagi mahal kita zeke.

pagkatapos niyang basahin ay kasabay lang rin ng pag bagsak ng mga luha sa mga mata niya mabilis naman niya ito iback napansin niya rin na nag message si brianna sa kanya 5 minutes ago at mabilis niyang binasa ito

--

Brianna: Hi zeke.

Brianna: kamusta kana?

Brianna: Sana ayos ka lang.

Brianna: Nabalitaan mo na ba na lumipat na ako? Aalis muna ako kailangan ko muna kasi mag focus eh.

Brianna: Siguro rin nasend na sayo ni travis o ni ryan yung nirecord nila.

Brianna: zeke.....uhmm....I'm sorry. 

Brianna: Basta nalang ako umalis basta I'm sorry.....Sana ....basta..paalam zeke. 

--

Bigla nalang ako niyakap ni mama 

"Anak umiiyak ka"- binitawan ko naman yung cellphone ko at niyakap si mama pabalik  "Ma......si brianna"

"Anak alam ko, alam kong mahal mo siya pero kung gusto mo talaga siya makita ulit mag hihintay ka sa kanya may tamang oras para sa inyong dalawa mag aral ka muna ng mabuti at tuparin mo muna yung mga pangarap mo kung talagang kayo para sa isa't isa magkikita at magkikita parin kayo"

___

RIP Engrish | Vernon ChweDonde viven las historias. Descúbrelo ahora