"Hindi pwede, Dustpan. Mas lalo kang aasarin nun! Diba inasar ka pa niya nung nalaman niyang hindi na nagparamdam sayo si Jenine? Tsk tsk tsk! Aasarin ka pa nun kasi payabangan kayo ng girlfriend eh, tapos wala kang kasama!"
Payabangan. Lul. Siya lang yun. 'Di niya kasi matanggap na mas maganda ang girlfriend ko kesa sa mga nagiging girlfriend niya na mukha namang hito. Gusto niya palagi ang nakikipagkumpintensya. Gusto niya mas mataas siya. =___=
"Eh sa wala akong girlfriend ngayon. Kahit man lang date, wala." =__=
He patted my shoulder. "Dustpan, dapat nandun ka. Nandun for sure ang pamilya mo. Dapat nandun ka rin kasi step-bro mo yun eh."
I sighed exasperatingly, "Kapag pumunta ako ng walang date, aasarin niya ako. Kapag hindi naman ako nagpunta, magtatampo yun. Ibabalandra niya na naman kasi ang bago niyang prospect na model. Mukha namang pang-p*rn." =_______=
"Edi, ngayon pa lang maghanap ka na ng date."
Date... Sino ba kasing pwedeng makadate? Kahit isang oras lang. =___=
"Wala ka bang kakilala? Kapamilya mo," I asked him.
Nanlaki naman ang mga singkit niyang mata. "Sino? Si Francisco?"
"Lul... Yung pinsan mo." =___=
"Pfft! Bata pa yun eh."
"Malaking bulas naman eh." =___=
"Hindi mo mapagsusuot ng dress yun. Mas maton pa sa akin yun eh!"
Napakamot na ako sa ulo ko out of frustration. T*ngin*... Wala naman akong kaibigang babae para mayaya na maging date sa gabing-- Woah, kaibigang babae?
Napaangat ako ng ulo. I even snapped my fingers in mid-air. "Sh*t, oo nga pala. I'm gonna ask her..." I mumbled as I started to head to the locker room. Sinundan naman ako ni Wayne.
"Dude, saan ka pupunta?"
I eyed him coldly, "Hahanap ng kabaong mo kasi ililibing na kita bukas," nag-pout naman siya sa pangbabara ko sa kanya kaya pinitik ko na ang noo niya. "De joke lang. May pupuntahan ako. Mag-taxi ka nalang."
"Pambihira ka naman, Dustin... Ihatid mo muna ako."
Inungusan ko siya. "Ano ka, chicks? 'Di pwede, bawi nalang ako sayo bukas, dude. Urgent lang 'to." =___=
"Dustin, nagseselos na ako." >3<
Binatukan ko siya. Ayan na naman yang baby talk na yan, "Lul. Selos mong mukha mo. Ano ka, bakla?" =_____=
BINABASA MO ANG
Hot And Cold [Completed]
Teen FictionX10 Series: Dustin Lloyd Jimenez Side story of Accidentally Inlove With A Gangster. [[Story of Chloe and Dustin of X10]] Who will fall inlove easily? Ms. Hot or Mr. Cold? TV5's Wattpad Presents: Hot And Cold [Mini Series (May 18-22, 2015)] - Ella Cr...
~7~ Tupperware
Magsimula sa umpisa