Plug (One Shot)

953 28 4
                                    

Alam niyo ba yung plug? Uso yun ngayon samin eh. Yung pag bored ka tapos wala kang makatext, ipapakalat mo yung number mo sa kung sino man yung nasa contacts mo para iforward nila sa mga contacts nila para may makatext ka. Gets niyo? Haha. Medyo true to life story to guys. So here it goes..

------

I'm Monique, pero Nique ang kadalasang tinatawag sa kin ng mga friends ko. Wala lang, tamad sila eh haha. I'm 3rd year high school. 

Andito ako ngayon sa park kasi wala akong magawa sa bahay ng makatanggap ako ng text galing sa kaklase kong lalake na si Echo, di naman kasi kami close neto kaya binasa ko agad yung text niya..

From: Echo

PLUG!

Name: Aaron Miguel de Lara

Number: 0915*******

- Text him, pogi yan. Bored daw siya. Kayo na bahala sa kanya. Thanks.

Ay, akala ko naman importante, plug lang pala. Itetext ko na nga lang, wala naman akong magawa eh..

To: Aaron

Hi :)

After one minute, nagreply na din siya.Hmm mukha ngang bored talaga tong tao na to..

From: Aaron

Hi, Who's this? :)

To: Aaron

I'm Monique, classmate ni Echo :) Pinlug ka niya kasi that's why I texted you. Wala din kasi akong magawa..

Nagkwentuhan lang kami ni Aaron sa text.. He's nice.. Naging close na din kami kahit sa text lang. Halos everyday, siya lang kausap ko. Yes, nagtatawagan na din kami ngayon..

Pero, di ko pa siya kilala sa personal.. Busy kasi sa school eh. At nalaman ko din na taga school lang pala namin siya at 4th year naman siya, small world, right?

Andito ako ngayon sa room, boring nga eh, inaantok na ako.. Pero nagulat ako ng tumabi si Echo sa akin..

"Nique" - Echo. 

"Oh echo baket?"

"Ikaw ah, nakakatext mo pala si Aaron" - Echo

"Pano mo nalaman? Nakwento niya ba sayo?" 

"Hindi, nabasa ko lang conversations niyo, yiiiee" - Echo

"Baliw ka, di ko pa nga yun nakikita sa personal eh"

"Sige papakilala ko siya sayo, magkasama pa naman kami mamaya" 

"Ah osige, thank you Echo"

Uwian na namin ngayon. Andito ako ngayon sa playground kasi sabi ni Echo dito daw niya ipapakilala si Aaron sa akin.. Medyo naeexcite nga ako eh, kasi makikilala ko na din sa wakas si Aaron.. Ano kaya itsura niya? Pogi kaya siya? Hay di na ako makapaghintay.

"Monique!" tawag sa akin ni Echo, napalingon naman ako. At nakita ko na may kasama siyang lalaki.

Omg, siguro si Aaron na yon. Ang pogi niya :">

"Monique, this is Aaron. Aaron, siya si Monique, yung nakakatext mo na kaklase ko" pagpapakilala ni Echo sa akin.. Hayy di ko mapigilang di siya titigan..

"Ahh, hi!" bati niya sa akin.. binati ko din naman siya at nag shake hands kami..

Ang bait niya pala talaga kahit sa personal.. After naming magkakilala sa personal.. Mas lalo kaming naging close, yung tipong umabot sa dating close friends lang ngayon, bestfriends na kami..

Lagi na kaming lumalabas together, lagi ko na siyang kasama sa galaan. Lagi na din kaming nagsheshare ng mga problems, kaya comfortable na kami sa isa't isa.

Pero di lang bestfriend tingin ko sa kanya, i like him..Or should I say, I already love him.. Pero di ko alam kung paano ko aaminin sa kanya, I'm afraid na baka maging awkward and iwasan niya ako..

Andito kami ngayon ni Aaron, sa lugar kung saan kami pinakilala ni Echo sa isa't isa..

Sa playground ng school.. Ewan ko kung bakit niya ako dinala dito eh -_-

"Nique, alam mo ba kung bakit tayo nandito?" - Aaron

"Hindi, uhm. Bakit nga ba?"

"Naaalala mo ba? Dito tayo nagkakilala. Dito ka sa akin pinakilala ni Echo"-Aaron

"Oo, naaalala ko, makakalimutan ko ba yon? Parang kailan lang noh?"

"May gusto akong sabihin sayo" - Aaron

"Ano yun?"

"Monique, matagal na kitang gusto"

"Please, Aaron wag ka ngang mag joke ng ganyan. di nakakatawa.."

"Mukha ba akong nagjojoke, Monique?"

"Eh, wag kang ganyan. Baka maniwala ako, ayokong masaktan. Bahala ka nga jan"

Aalis na dapat ako ng biglang hinawakan ni Aaron ang kamay ko, hinarap niya ako sa kanya at sinabing..

"Monique, look straight into my eyes and listen okay? Matagal na kitang gusto.. Ugh, mali. Matagal na kitang mahal, di pa kita nakakatext mahal na kita."

"Ha? Eh di pa  naman tayo magkakilala nun eh, baliw ka ba?"

"Makinig ka muna sa akin okay? Matagal na kitang kilala. Unang kita ko palang sayo, nainlove na ako.. Nalaman ko na kaklase ka pala ni Echo at may number ka din niya kaya nagpaplug ako sa kanya.. Pero sabi ko sayo lang isend. Di ko naman alam na itetext mo pala ako, kaya ayun. Sa mga araw na kausap kita, lalo akong naiinlove sayo. Mahal na mahal kita, Monique. Sana ganun din yung nararamdaman mo"

Nagulat ako sa sinabi ni Aaron sakin, di ko ineexpect na mahal din niya pala ako.. Kinikilig ako ano ba :(

"Aaro, may aaminin ako sayo.. Mahal din kita Aaron, sa mga oras na kausap kita, nafall ako sayo, at lalo akong nafall ng ipakilala ka sa akin ni Echo.."

"If that's the case, Monique Sevilla, will you be my girlfriend?"

"Yes, Aaron de Lara. I love you"

he hugged me, and whispered "I love you too, Monique Sevilla"

- The End -

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon