' Naaalala ko na kasi sila Minhee at Seungmin '- sabi ko.

Mukhang natuwa naman sya.

' Talaga ? Ano pang naalala mo ? May iba pa ba ? Naaalala mo na ba kami ? '- sunod-sunod na tanong nya.

Napakamot ako ng ulo.

' Uh .. sila Minhee at Seungmin lang talaga eh. Pero wag kang mag-alala, susubukan ko talagang alalahanin kayo '- sabi ko.

' Sige pero wag mo masyadong biglain yung sarili mo ah ? '- sabi nya.

Tumango naman ako.

' So, anong plano mo ngayon ? '- tanong nya sakin.

' Pwede ba nating puntahan si Minhee at Seungmin ? Kahit sandali lang. May practice kasi kayo sa hapon diba ? '- sabi ko.

Ngumiti sya tapos tumawag na sya ng taxi at sumakay kami doon.

Hindi ako mapakali. Gustong-gusto ko na silang makita.

Nang tumigil yung taxi sa harap ng ampunan, mabilis akong bumaba at tumakbo papunta sa gate.

Tanaw ko na agad mula doon sina Seungmin at Minhee na naglalaro sa paboritong lugar nila sa playground. Yung swing.

' Noona ! '

' Unnie ! '

Nilapitan ko agad sila at niyakap.

' Naaalala mo na ba kami Unnie ? '- tanong sakin ni Minhee.

Ngumiti ako at tumango.

' Talaga ? Sa wakas Noona ! '- sabi ni Seungmin tapos niyakap nila ako parehas ni Minhee.

Ginulo ko parehas yung buhok nila.

' Hyung, inaalagaan mo ba si Noona ? Baka hindi ah ! '- sabi ni Seungmin kay Vernon na nasa likod ko.

' Syempre inaalagaan ko yan. Ako pa '- mayabang na sabi ni Vernon.

Natawa nalang ako.

' Uh .. Unnie, pasok lang po ako sandali '- bulong sakin ni Minhee.

Mukhang malungkot sya.

' Ayos ka lang ba ? '- tanong ko sa kanya.

Ngumiti sya ng pilit at tumango tapos tumakbo na papasok.

' Seungmin, anong problema ni Minhee ? '- tanong ko kay Seungmin.

Nagkibit-balikat lang sya.

' Bakit ka na naman tumawag Sofia ? '- rinig kong sabi ni Vernon kaya napalingon ako sa kanya. May kausap sya sa phone.

Sofia ? Pamilyar yung pangalan.

[Ang sama mo Oppa. Hindi mo ba ako na-miss ?]

Sinilip ko kung sino bang kausap nya. Naka-video call kasi.

Napatitig nalang ako dun sa batang babae na kausap nya. Pamilyar talaga. Alam kong matagal ko na syang kilala.

May pagka-hawig sya kay Vernon kaya kapatid nya siguro to.

[Oppa, kasama mo pala si Milk Unnie ! Hi Unnie ! Naalala mo ba ako ? Si Sofia to !]

Napangiti nalang ako habang pinapanood syang kumaway at ngumiti sakin. Kilala nya pala ako.

Tumingin ako kay Vernon at parang naintindihan nya naman yung gusto kong sabihin.

' Sofia, may amnesia ang Milk Unnie mo '- sabi ni Vernon.

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now